Sintomas ng buntis ng 33 weeks at ang mga developments sa paglaki ni baby sa linggong ito.
Gaano na kalaki si baby sa kaniyang ika-33 na linggo?
Mga development ni baby sa kaniyang ika-33 na linggo
Narito ang mga development ng 33 weeks na baby sa loob ng sinapupunan:
- Sa ngayon ay alam na ni baby ang pagkakaiba ng araw sa gabi dahil tumatagos ang liwanag sa manipis mong uterine wall.
- Isinasara at binubuksan niya na ang kaniyang mga mata sa pagtulog at paggising niya.
- Na-develop narin ang immune system ng kaniyang katawan.
- Natutoto narin siyang huminga sa ngayon.
- Tumitigas narin ang kaniyang mga buto.
- Sa linggong ito ay dumaraan rin siya sa major brain development.
Sintomas ng buntis ng 33 weeks
- Magsisimula ng maging mainit lagi ang iyong pakiramdam dahil sa pagtaas ng iyong metabolic rate.
- Magiging mahirap na ang pagtulog dahil sa hormonal rush, madalas na pag-ihi, leg cramps at heartburn.
- Ang pananakit ng ulo at pagkabalisa ay magiging madalas rin.
- Makakaramdam ka ng malakas ng paggalaw ni baby sa loob ng tiyan.
- Lulutong ang iyong mga kuko dahil sa mga hormonal activities.
- Kung makakaranas ng pananakit sa tiyan sa tuwing magbabago ng posisyon sa higaan, ito ay maaring dahil sa round ligament pain na normal lang sa pagbubuntis.
- Ang hirap sa paghinga ay normal lang din sa linggong ito ng pagbubuntis.
- Magiging clumsy at makakalimutin ka kahit sa pinakamaliliit na bagay.
Image from Freepik
Pag-aalaga sa iyong sarili
- Iwasang mag-exercise o kumain bago matulog.
- Kung nag-exercise, iwasang ma-pwersa.
- Siguraduhing kumain lang ng healthy para sa iyo at kay baby.
- Panatilihing hydrated ang iyong katawan. Uminom ng walo hanggang sampung baso ng tubig araw-araw.
Ang iyong checklist
Image from Freepik
- Para maibsan ang pagkabalisa o anxiety ay maligo gamit ang maligamgam na tubig.
- Uminom ng mainit na gatas bago matulog at makinig ng music para kumalma.
- Kung nagpaplanong mag-cord blood banking, mag-sign up na ngayon.
Ang iyong susunod na linggo: sintomas ng buntis ng 34 weeks pregnant
Ang iyong nakaraang linggo: 32 weeks pregnant
Mayroon ka bang katanungan sa iyong pagbubuntis? Ano ang iyong mga concerns? Mag-iwan sa amin ng komento!
Isinalin sa Filipino ni Irish Mae Manlapaz
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!