Ika-34 weeks ng pagbubuntis: Mga kailangan mong malaman

Ika-34 weeks ng pagbubuntis: Mga kailangan mong malaman

Sa ngayon ay kasing laki na ng cantaloupe ang iyong baby. Nagsisimula naring magkaroon ng taba ang kaniyang katawan. Narito pa ang ilang pagbabago at mga bagay na dapat mong gawin para mas maging komportable ang iyong pagbubuntis.

Baby Name Generator

Gender

Letter

Category

Country

Results

No Results

Sintomas ng buntis ng 34 weeks at ang mga develoments sa paglaki ni baby sa linggong ito.

Gaano na kalaki si baby sa kaniyang ika-34 na linggo?

sintomas ng buntis ng 34 weeks

Mga developments ni baby sa kaniyang ika-34 na linggo

Sa gabay sa pagbubuntis na ito ay matutunan mo ang sumusunod:

  • Nagsisimula ng mag-develop ng excessive fat layers ang iyong baby para mapanatiling mainit ang kaniyang katawan.
  • Unti-unti naring nakukumpleto ang kaniyang nervous system.
  • Tumubo narin ang mga kuko sa kaniyang mumunting daliri.
  • Kung ang iyong sanggol ay isang baby boy, ngayong linggo ay nagsisimula ng bumaba ang testicles ng kaniyang ari mula sa kaniyang tiyan pababa sa kaniyang scrotum.

Sintomas ng buntis ng 34 weeks

  • Mas makakaramdam ka ng labis na pagkapagod ngayong linggo.
  • Mas lalakas rin ang iyong vaginal discharge dahil sa pagbabago sa iyong hormones.
  • Ang low blood pressure ay magdudulot sayo ng pagkahilo.
  • Makakaranas ka rin ng paglabo ng iyong paningin na pansamantala lamang.
  • Madalas parin ang pagbisita mo sa banyo dahil sa maya-mayang pag-ihi.
  • Dahil sa lumalaki mong tiyan, ay hindi makakaexpand ng maayos ang iyong lungs at mas mabilis kang makakaramdam ng pagkahingal.
  • Asahan narin ang pananakit ng iyong binti o leg cramps dulot ng pregnancy weight, swelling at fatigue.

Pag-aalaga sa iyong sarili

  • Magpahinga hangga't maari. Ngunit maari paring gawin ang mga activities na makakapagpasaya sayo.
  • Panatilihin parin ang pag-eexercise ngunit dapat ay ang mga magagaan na uri ng ehersisyo lamang.
  • Uminom ng maraming tubig sa araw para hindi makaramdam ng pagkauhaw sa gabi. Iwasan ang aerated drinks.

Ang iyong checklist

  • Simulan ng ayusin ang iyong hospital bag.
  • Kung nagpaplano kang i-consume ang iyong placenta pagkapanganak ay magsign-up na sa encapsulation ngayong linggo.

Ang iyong susunod na linggo: sintomas ng buntis ng 35 weeks

Ang iyong nakaraang linggo: 33 weeks pregnant

Mayroon ka bang katanungan sa iyong pagbubuntis? Ano ang iyong mga concerns? Mag-iwan sa amin ng komento! 

Isinalin sa Filipino ni Irish Mae Manlapaz

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

Sinulat ni

Jasmine Yeo

app info
get app banner