Ika-33 weeks ng pagbubuntis: Mga kailangan mong malaman

Kasing laki na ng pinya ang iyong sanggol at alam niya narin ang pagkakaiba ng araw sa gabi, Alamin ang iba pa niyang developments dito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sintomas ng buntis ng 33 weeks at ang mga developments sa paglaki ni baby sa linggong ito.

Gaano na kalaki si baby sa kaniyang ika-33 na linggo?

Mga development ni baby sa kaniyang ika-33 na linggo

Narito ang mga development ng 33 weeks na baby sa loob ng sinapupunan:

  • Sa ngayon ay alam na ni baby ang pagkakaiba ng araw sa gabi dahil tumatagos ang liwanag sa manipis mong uterine wall.
  • Isinasara at binubuksan niya na ang kaniyang mga mata sa pagtulog at paggising niya.
  • Na-develop narin ang immune system ng kaniyang katawan.
  • Natutoto narin siyang huminga sa ngayon.
  • Tumitigas narin ang kaniyang mga buto.
  • Sa linggong ito ay dumaraan rin siya sa major brain development.

Sintomas ng buntis ng 33 weeks

  • Magsisimula ng maging mainit lagi ang iyong pakiramdam dahil sa pagtaas ng iyong metabolic rate.
  • Magiging mahirap na ang pagtulog dahil sa hormonal rush, madalas na pag-ihi, leg cramps at heartburn.
  • Ang pananakit ng ulo at pagkabalisa ay magiging madalas rin.
  • Makakaramdam ka ng malakas ng paggalaw ni baby sa loob ng tiyan.
  • Lulutong ang iyong mga kuko dahil sa mga hormonal activities.
  • Kung makakaranas ng pananakit sa tiyan sa tuwing magbabago ng posisyon sa higaan, ito ay maaring dahil sa round ligament pain na normal lang sa pagbubuntis.
  • Ang hirap sa paghinga ay normal lang din sa linggong ito ng pagbubuntis.
  • Magiging clumsy at makakalimutin ka kahit sa pinakamaliliit na bagay.
Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Image from Freepik

Pag-aalaga sa iyong sarili

  • Iwasang mag-exercise o kumain bago matulog.
  • Kung nag-exercise, iwasang ma-pwersa.
  • Siguraduhing kumain lang ng healthy para sa iyo at kay baby.
  • Panatilihing hydrated ang iyong katawan. Uminom ng walo hanggang sampung baso ng tubig araw-araw.

Ang iyong checklist

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Image from Freepik

  • Para maibsan ang pagkabalisa o anxiety ay maligo gamit ang maligamgam na tubig.
  • Uminom ng mainit na gatas bago matulog at makinig ng music para kumalma.
  • Kung nagpaplanong mag-cord blood banking, mag-sign up na ngayon.

 

Ang iyong susunod na linggo: sintomas ng buntis ng 34 weeks pregnant

Ang iyong nakaraang linggo: 32 weeks pregnant

Mayroon ka bang katanungan sa iyong pagbubuntis? Ano ang iyong mga concerns? Mag-iwan sa amin ng komento!

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

 

Isinalin sa Filipino ni Irish Mae Manlapaz

Sinulat ni

Jasmine Yeo