Ika-38 weeks ng pagbubuntis: Mga kailangan mong malaman

Sa yugtong ito ay hindi pa ganap na mature ang lungs ng iyong baby. Habang ang ibang system organs ng kaniyang katawan ay fully developed na. Dapat sa ngayon ay siguraduhin mo ng kumpleto at handa na ang mga gamit na kakailanganin mo sa iyong panganganak.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sintomas ng buntis ng 38 weeks at ang mga developments sa paglaki ni baby sa linggong ito.

Gaano na kalaki si baby sa kaniyang ika-38 na linggo?

Mga developments ni baby sa kaniyang ika-38 na linggo

Sa gabay sa pagbubuntis na ito ay matutunan mo ang sumusunod:

  • Habang ang karamihan ng organ system ng iyong baby ay fully developed na, ang kaniyang lungs sa ngayon ay hindi pa fully mature. Sa katunayan sa kaniyang pagkapanganak, matatagalan rin bago siya maturong magkaroon ng normal breathing pattern.
  • Ang kaniyang kuko ay patuloy na tumutubo at halos lumagpas na sa kaniyang maliliit na daliri sa kamay at paa.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sintomas ng buntis ng 38 weeks

  • Mataas ang tiyansa na sa ngayon ang iyong mga paa at bukong-bukong ay maga o manas na. Ngunit kung sakaling nakakaranas ng pamamaga sa mukha at kamay o kaya naman puffiness sa iyong mga mata ay agad na tumawag o pumunta na sa doktor.
  • Dapat bantayan din ang mga preeclampsia symptoms na maari mong maranasan tulad ng matinding sakit ng ulo, blurred vision, nausea, vomiting at intense abdominal pain. Kung sakaling maranasan ang mga sintomas na nabanggit ay agad na tumawag o pumunta sa iyong doktor.
  • May tumutulong yellowish fluid narin mula sa iyong suso. Ito ay ang colostrum o ang panimula ng pagkakaroon mo ng breastmilk. Ang colostrum ay nagtataglay ng mga antibodies na poprotekta sa iyong newborn mula sa infections. Mayroon itong protein, less fat at less sugar kumpara sa iyong breastmilk na lalabas narin kalaunan kapag ikaw ay nakapanganak na.
  • Ang iyong binti at palibot ng iyong vaginal area ay maaring manakit dahil sa bumababa na ng paunti-unti ang iyong baby sa iyong pelvis na dumadagan sa iyong mga ugat.

Pag-aalaga sa iyong sarili

  • Kung nagleleak na ang colostrum sa iyong suso ay maaring maglagay ng nursing pads sa iyong bra para hindi mabasa ang iyong damit. Kung sakali namang hindi pa nakakaranas ng colostrum leakage ay huwag mag-alala dahil pinoproduce parin ito ng iyong suso na may taglay na nutrients na kailangan ng iyong baby kapag siya ay pinasuso mo na.

Ang iyong checklist

  • I-double check na ang listahan na kakailanganin mo sa iyong panganganak. Siguraduhing kumpleto na ang mga ito bago pa man dumating si baby.
  • Bumili na ng breast pump kung nagpaplanong mag-express ng iyong breastmilk. Narito ang isang  comprehensive guide kung paano pumili ng best breastpump para sayo. Bumili narin ng breast pads at nursing bras dahil kakailanganin mo rin ang mga ito.

Ang iyong susunod na linggo: sintomas ng buntis ng 39 weeks pregnant

Ang iyong nakaraang linggo: 37 weeks pregnant

Mayroon ka bang katanungan sa iyong pagbubuntis? Ano ang iyong mga concerns? Mag-iwan sa amin ng komento! 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Isinalin sa Filipino ni Irish Mae Manlapaz

Sinulat ni

Jasmine Yeo