Breast milk is best for babies, kaya mahalagang gumamit ng magandang breast pump upang makatulong sa iyong breastfeeding journey. Manual man o automatic breast pump ang nais mong gamitin, narito ang mahahalagang bagay na dapat ikonsidera sa pagpili ng breast pump.
Katangian ng magandang breast pump
Photo: Pexels
1. Dalas ng paggamit ng breast pump.
Ang simpleng hand pump ay mas mainam kung panandalian ka lamang mawawala sa tabi ni baby, at maayos na ang iyong milk supply. Ilalagay lang ang isang cone-shaped shield sa iyong suso at i-squeeze ang handle upang lumabas ang gatas.
Ngunit kung mas mahabang oras kang mahihiwalay sa iyong anak—kung babalik ka na sa trabaho halimbawa—mas magandang breast pump ay yung electric.
Makabubuting hintayin ang paglabas ni baby bago bumili ng breast pump, upang masuri kung gaano kadalas mo ito gagamitin.
2. Oras na kailangan sa paggamit ng breast pump.
Ang isang pumping session at kadalasang tumatagal ng 10 hanggang 15 minuto. Kung kinakailangan ng mas mabilis na panahong mag-express ng milk, mas okay mag-invest sa electric breast pump, at kung kaya ng budget, yung may capacity na sabay mag-pump ng magkabilang suso.
Ang double-breast pumps ay nakakatulong mag-stimulate ng milk production, at nakababawas ng kailangang oras sa pag-express ng gatas.
3. Magkano ang iyong budget.
Ang breast pumps ay available sa iba’t ibang lugar tulad ng baby stores, tindahan ng medical supplies, pati na sa drug stores. Depende sa iyong budget, kadalasan ay mas mahal ang electric breast pump kaysa manual.
Upang maiwasan ang contamination, huwag manghiram o bumili ng gamit na breast pump.
Maaari ring magrenta ng hospital-grade electric breast pump sa ospital o tindahan ng medical supplies (kung meron), lalo na kung na-ospital ka o si baby at kinakailangan mong padedehen si baby ng expressed milk kaysa mag direct-feed. Ang aparato lamang ang rerentahan, at kailangan mo pa ring bumili ng pumping kit, o iyong mga kailangang i-attach sa pump.
Tanungin din kung covered ng iyong health insurance plan ang pag-renta ng breast pump.
4. Convenience at portability ng breast pump.
Gaya ng ilang appliances, mas ma-e-engganyo kang gamitin ang breast pump na madaling i-assemble at linisin. Kung sa pag-assemble pa lang ay hirap ka na, baka mabawasan ang kagustuhan mong mag-pump.
Siguruhin ding maaaring tanggalin at linisin ang anumang parte ng pump na malalapatan ng iyong balat o gatas.
Kung lagi namang dadalhin ito kung aalis, ang magandang breast pump na piliin ay yung lightweight at may kasama ng carrying case. Mas okay kung meron na ring insulated compartment, kung saan puwedeng itago ang expressed milk.
I-check din ang ingay ng breast pump. Kung kailangang mag-pump sa opisina halimbawa, piliin ang pump na mas tahimik.
5. Breast shield at suction.
Siguraduhing tamang size ang breast shields para sa iyo. Kung hindi tugma, kailangang bumili ng hiwalay na breast shields. At kung double-breasted pump naman ang gagamitin, i-check na may dalawang breast shields itong kasama.
I-test din ang suction capabilities ng breast pump, at kung maaari itong ma-adjust. Iba-iba ang kapasidad ng ina, kaya mas mainam nakokontrol ang suction pati na ang cycling speed kung electric pump ang gagamitin.
6. Emergency power at back-up pump.
Kailangan ng kuryente kung eletrci pump ang gagamitin, kaya itanong din kung gagana ang pump gamit ang battery pack, para sa instances na pagkawala ng kuryente. Kung kaya ng budget, mas okey din na may manual breast pump bilang back-up.
Bago bumili ng iyong breast pump, kumonsulta muna sa iyong doktor, sa iyong mga kapwa breastfeeding mommies, o sa lactation consultant upang matulungan ka pang makapili ng magandang breast pump.
Source: Mayo Clinic
Basahin: Power pumping: Isang paraan upang mapadami ang breast milk
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!