Ika-39 week ng pagbubuntis: Mga kailangan mong malaman

Ang iyong baby ay kasing laki ng pakwan at kaya ng itupi ang kaniyang braso at binti. Maging handa na sa nalalapit na pagdating niya!

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sintomas ng buntis ng 39 weeks at ang mga paghahanda sa nalalapit na pagdating ni baby.

Gaano na kalaki si baby sa kaniyang ika-39 na linggo?

Mga developments ni baby sa kaniyang ika-39 na linggo

Sa gabay sa pagbubuntis na ito ay matutunan mo ang sumusunod:

  • Maliban sa physical developments gaya ng pagtupi ng kaniyang mga braso at binti ay patuloy ding nagdedevelop ang utak ni baby sa linggong ito.
  • Ang kaniyang mga kuko ay maaring lagpas na sa dulo ng kaniyang daliri. Nabubuksan niya narin ang kaniyang mga mata at nakakahinga na siya ng mag-isa.
  • Ang mga namumuong taba sa kaniyang katawan ay nagbibigay kulay sa kaniyang balat ng puti mula sa pagkakulay pink. Ang totoong kulay ng balat ni baby o skin pigmentation ay saka palang lalabas kapag siya ay naipanganak na.

Sintomas ng buntis ng 39 weeks

  • Makakaranas ka na ng false labour mula ngayon. Ito ay ang pananakit ng tiyan na madalas ay nagsisimula sa harap ngunit nawawala kapag nagbabago ka ng pwesto. Gayunman, kung makaranas ng madalas at paulit-ulit na pananakit ay tawagan na agad ang iyong doktor.
  • Ang kagustuhang maglinis ay mas lalong gusto mong gawin. Ngunit alalahanin na hindi mo dapat i-stressin ang iyong sarili sa paglilinis. Huwag ding magbubuhat ng mabibigat na gamit sa bahay.

Pag-aalaga sa sarili

  • Mahalagang kumain ka ng masusustansiyang pagkain at matulog sa tamang oras. Dahil kailangan mo ng sapat na lakas paa sa pagdating ng oras na iyong pinakahihintay, ang iyong panganganak.

Ang iyong checklist

  • Siguraduhing handa na ang iyong hospital bag na kakailanganin mo anumang oras ngayon.
  • I-ready ding muli ang iyong action plan sakaling ikaw ay maglelabour na. Sino nga ba dapat ang una mong tatawagan? Ano ang iyong mga dadalhin? Saan ka pupunta? At ano ang iyong gagawin kung sakaling ikaw ay manganganak na? Dapat siguraduhing lahat ng ito ay nasa ayos at handa kung sakaling dumating na ang oras para maipanganak si baby.

Ang iyong susunod na linggo: sintomas ng buntis ng 40 weeks pregnant

Ang iyong nakaraang linggo: 38 weeks pregnant

Mayroon ka bang katanungan sa iyong pagbubuntis? Ano ang iyong mga concerns? Mag-iwan sa amin ng komento! 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Isinalin sa Filipino ni Irish Mae Manlapaz

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sinulat ni

Jasmine Yeo