80% ng mga bata maaaring may COVID-19 ng hindi natin alam, ayon sa pedia

May posibilidad na ang mga bata ay carrier na ng COVID-19 virus ng hindi natin nalalaman. Magandang balita ba ito o hindi? Narito ang sagot ng isang pediatrician.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sintomas ng COVID 19 sa bata maaring hindi lumabas o kaniyang maipakita kahit na siya ay positibo na sa sakit. Ito ay ayon sa isang pediatrician.

Image from Freepik

Sintomas ng COVID 19 sa bata

Ayon kay Dr. Dyan Hes, isang pediatrician sa Gramercy Pediatrics, New York City, ang mga bata ay isa sa maaring dahilan ng mabilis na pagkalat ng sakit na COVID-19. Ito ay dahil karamihan sa kanila ay positibo na sa sakit ngunit hindi nagpapakita ng sintomas o asymptomatic. Tantiya niya ay halos 80% ng mga bata ay maaring may COVID-19 na ng hindi natin nalalaman. Dahil maari silang mag-mukhang ok o healthy kahit sila ay infected na ng virus.

Mas malala o minsan nga ay wala, ayon sa isang pag-aaral

Base naman sa pahayag ng CDC, bagamat ang sintomas ng COVID 19 sa bata at matanda ay magkatulad lang. Mas mild lang umano ang mga sintomas na ipinapakita ng isang bata. Sila ay nakaranas ng lagnat, sipon at ubo. Habang may ibang kaso ang naiulat ring nakaranas ng pagtatae, pagsusuka at hirap sa paghinga.

Ang pahayag na ito ng CDC ay sinuportahan ng isang pag-aaral na isinagawa sa 2,143 na bata sa China na edad 18-anyos pababa. Sila ay na-expose sa sakit mula noong January 16-Februay 8 ngayong taon.

Sa ginawang pag-aaral ng mga researchers, natuklasan nilang 4% sa mga bata ang asymptomatic o hindi nagpakita ng sintomas ng sakit. Lagpas kalahati o 51% naman ang nagpakita ng mild na sintomas. Habang 39% ang nakaranas ng moderate illness at 6% ang nakaranas ng malalang sintomas. Mababa ito kumpara sa 18.5% ng mga adults na naitalang nakaranas ng malalang sintomas ng sakit.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Image from Freepik

Kaya naman sila ay maaring maging carrier na ng virus ng hindi natin nalalaman

Bagamat ito ay magandang balita kung iisipin, ayon kay Dr. Hes ito ay nakakabahala. Dahil ipinapahiwatig lang nito na ang mga bata ay maaring carrier na pala ng virus ng hindi natin nalalaman. Lalo na kapag sila ay magkakaroon ng contact sa mga taong vulnerable sa sakit. Tulad ng mga matatanda, may iniinda ng ibang karamdaman gaya ng diabetes at pati na ang mga bagong silang na sanggol. Isang halimbawa nga nito ay ang nangyari sa 21 na guro sa New York na namatay dahil sa coronavirus. Ayon sa isang CDC report, ay maaring ang mga batang asymptomatic ang dahilan ng transmission ng COVID-19 sa kanila.

“The problem with children is that they are so asymptomatic that they are spreading it. And our biggest mistake was that we didn’t close the public schools when we should have. So, the children were the vectors to the teachers, who might be elderly or immunocompromised. They might have diabetes or cancer, but they still had to come to work every day. They still had to take the subway every day.”

Kailan sila dapat dalhin sa doktor?

Ito ang pahayag ni Dr. Hes. Kaya naman paalala niya dapat ay maging mapagmatyag tayo sa nararamdaman ng ating mga anak. Kung sila ay makakaranas ng lagnat, ubo at sipon, mas mabuti nalang umanong isipin na sila ay COVID-19 positive na at iiwas ng ma-expose sa iba .Kapag sila ay nagpakita pa ng ibang sintomas na nakakabahala tulad ng hirap sa paghinga ay mabuting dalhin na sila sa doktor. Ngunit kung hindi naman at mukhang mild lang ang sintomas na kanilang ipinapakita mabuting huwag nalang silang palabasin ng bahay at doon nalang gamutin. Gawin ito sa pamamagitan ng paghingi ng payo sa isang doktor sa tulong ng isang tawag o video call.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa puntong ito lalo na sa ipinatutupad ng enhanced community quarantine ay malaki ang papel mo sa pagkakahawa sa virus ng iyong anak. Dahil malaki ang posibilidad na ikaw ang nagdala ng virus sa kaniya. Kaya naman ito ang payo ni Dr. Hes na dapat gawin.

“The really only reason your child should be going to a physician at this point, aside from a vaccine visit, is if they’re short of breath. If you’re social distanced and your child has a fever, then somehow that child probably brought it into the house by playing with a neighbor or maybe when you went grocery shopping, you brought it in. But you just have to keep that child at home for 14 days. Socially distance. When they go back out, if they’re above age 2, they should be wearing masks”, pahayag niya.

Paano sila mapoprotektahan sa sakit?

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Image from Freepik

Dagdag naman ng CDC, para maprotektahan ang mga bata sa sakit ay dapat ituro sa kanila ang ugaliin ang paghuhugas ng kamay gamit ang sabon at tubig. Lagi ring i-disinfect ang mga surfaces na kanilang naaabot o nahahawakan tulad ng mesa at upuan. Labhan rin ang kanilang mga laruan na washable tulad ng mga plush toys. Iwasan rin muna na sila ay maki-halubilo o makipaglaro sa ibang bata. Lalo na ang ma-expose sa mga taong vulnerable sa sakit tulad ng matatanda. At kapag isa sa miyembro ng inyong pamilya ang na-infect na ng sakit.

Hindi rin naman daw kailangang mag-mask ng iyong anak kung siya ay malusog. Dahil maaring magdulot ito sa kaniya ng hirap pa sa paghinga. Pero para makasigurado lalo na kung lalabas ng inyong bahay ay pagsuotin siya ng mask o di kaya naman ay takpan ang kaniyang ilong at bibig sa tuwing mai-expose sa taong umaatsing o umuubo.

Maliban sa nabanggit ay dapat ring siguraduhin na nakakain ng masusustansyang pagkain ang iyong anak. Siya ay nakakainom ng bitamina at nanatiling physically active kahit na sa ngayon ay dapat nasa loob ng bahay lang siya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

 

Source:

CBS News, CDC

Basahin:

Philhealth COVID-19 package para sa positibong pasyente mula April 15

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement