Narito ang PhilHealth COVID 19 package na maaring i-avail ng isang pasyenteng nag-positibo sa sakit na COVID-19 mula April 15, 2020.
Philhealth COVID 19 package
Para mabigyan ng mas malinaw na direksyon o tulong ang mga Pilipinong magpopositibo sa COVID-19 o coronavirus disease ay may bagong PhilHealth COVID 19 package na inilabas ang ahensya. Ito ay nagsimulang maging epektibo o applicable sa mga pasyenteng nai-admit mula noong April 15, 2020. Habang ang mga pasyente namang na-admit sa ospital bago pa man ang naturang petsa at naka-confine parin ay sasagutin ng ahensya ang lahat ng kanilang gastos sa pagpapagamot.
Sino ang kwalipikado at ano ang benepisyo?
Base sa guidelines ng bagong PhilHealth COVID-19 benefit package ang lahat ng Pilipino ay eligible o maaring makatanggap ng naturang benepisyo. Hindi dapat mag-alala ang mga hindi rehistrado sa ahensya na magpopositibo sa sakit. Dahil sila ay awtomakitong magiging miyembro ng PhilHealth at makakatanggap rin ng nasabing benepisyo. Ngunit tanging ang mga nagpagamot lang sa ospital o medical facility ang kwalipikado rito. At hindi kabilang ang piniling magpagamot sa bahay o sumailalim sa home treatment.
Sa bagong PhilHealth COVID 19 package ay hindi nililimatahan ang period of confinement ng isang pasyente sa loob lang ng 45 araw. Hindi rin dapat maglabas ng kaniyang sariling pera ang pasyente upang makatanggap ng direct health services na kaniyang kailangan. Siya man ay naka-confine sa pampubliko o pribadong ospital. Maliban nalang kung hihiling ang pasyente sa pagkakaroon ng upgrade sa amenities na kaniyang ginagamit tulad ng pagkakaroon ng suite accommodation.
Hindi rin dapat isinasama sa bill o charge ng pasyente ang mga medical items na idinonate ng 3rd party entities tulad ng mga COVID-19 test kits.
Mananatili ring pribado ang impormasyon at detalye ng mga suspected, probable at confirmed patients ng sakit sa bansa. Tanging ang PhilHealth at DOH lamang ang maaring magkaroon ng access sa mga ito.
COVID-19 package amount
Ang cost rate o package amount ng bagong Philhealth COVID 19 package ay naka-depende sa lala ng sakit na nararanasan ng pasyente. Ang mga na-diagnosed na mayroong mild pneumonia ay makakatanggap ng P43,997. Habang ang may mga moderate pneumonia naman ay makakatanggap ng P143,000. Para sa severe pneumonia ay mayroon namang P333,000 budget allocation upang makapagpagamot sa sakit. At P786,000 para sa mga nasa kritikal na ang kondisyon o nakararanas na ng critical pneumonia.
Sa nasabing mga benefit package ang mga mandatory services na kabilang rito ay ang sumusunod:
- Accommodation
- Management and monitoring ng sakit
- Laboratory/diagnostics/imaging
- Mga gamot na kabilang sa guidelines at protocols ng DOH
- Supplies at equipment kabilang na ang personal protective equipment o PPE
Para naman sa mga makakaranas ng critical pneumonia, ang iba pang kakailanganing medical services ng isang pasyente dulot ng kondisyon o sakit na may kaugnayan sa COVID-19 ay kabilang rin sa COVID-19 benefit package.
Ang mga halimbawa nito ay ang sumusunod:
- Acute respiratory distress syndrome o ARDS
- Septic shock
- Invasive ventilation
- Extra corporal membrane oxygenation o ECMO
- Renal replacement therapy o RRT
PhilHealth COVID-19 testing package amount
Kasama rin sa bagong PhilHealth COVID 19 package ang gastos sa pagsailalim sa COVID-19 testing ng isang suspected na pasyente. Kaya naman hindi na dapat mag-dalawang isip ang sinumang nagkaroon ng contact sa taong positibo sa sakit o may travel history sa mga lugar na may COVID-19 outbreak. Dahil ang pagsailalim sa COVID-19 testing ay libre at may package ring inilaan ang PhilHealth para rito.
Kung ang serbisyo at testing ay nagmula at isinagawa ng laboratory, ang package ay nagkakahalaga ng P8,150. Kapag ang test kits naman ay idinonate ng isang 3rd party entity, tanging ang machine at lab service lang ang machacharge sa pasyente. Ito ay sa halagang P5,450. Kung ang test kits naman ay idinonate at ang laboratory services at RT-PCR machines na ginamit sa testing ay kabilang sa budget ng medical facility tanging P2,710 lang ang ma-chacharge sa pasyente.
Samantala, ang pagsasagawa ng claims o reimbursement ay kailangang i-process ng health care facility at hindi ng pasyente. May mga kailangan lang papirmahang forms sa pasyente upang ito ay masimulan.
Image from Freepik
Paano kung kulangin ang Philhealth COVID 19 package sa pagpapagamot ng pasyente?
Sa oras naman na hindi maging sapat ang nakalaang COVID-19 package sa pagpapagamot ng isang pasyente ay maarin itong lumapit sa iba pang government agencies ayon sa Malacañang. Tulad nalang ng Philippine Charity Sweepstakes Office at Department of Social Welfare and Development.
“Starting tomorrow, case rates will already apply. So, if this will not be enough to cover expenses, the patient can go to the Malasakit Center which has the DSWD, PCSO, who can help with the balance of the bill. For hospitals without Malasakit Centers, they can opt to go to the PCSO.”
Ito ang pahayag ni Presidential spokesperson Harry Roque.
Source:
PhilHealth, GMA News
Basahin:
Paano nga ba mag file ng reimbursement sa Philhealth kapag na-ospital?
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!