Kung ikaw ay nababahala para sa iyong mga anak dahil sa nangyayaring COVID-19 outbreak ngayon, narito ang mga sintomas ng virus sa mga baby na dapat mong tignan.
Ano ang COVID-19?
Naitala ang unang kaso ng COVID-19 sa Wuhan Province, China noong November 2019.
Dahil sa mabilis na pagkalat ng sakit na ito sa Wuhan at sa buong China, agad din itong kumalat sa iba’t ibang bahagi ng mundo kasama ang Pilipinas.
Sa ngayon, masasabing puntirya nito ang respiratory system ng isang tao. Ito ay may pagkakahawig sa mga sakit na Middle East Respiratory Syndrome (MERS-COV) at Severe Acute Respiratory Syndrome (SARS).
Ang COVID-19 ay napapasa sa pamamagitan ng air droplets mula sa pagbahing o laway na nanggaling sa taong positibo sa virus. Maaari ring makakuha ka ng virus kung ang droplets na ito ay pumunta sa isang bagay na iyong nahawakan at inihawak mo ito sa iyong mukha at bibig. Puwede rin naman kung saktong nahinga mo ang mga droplets sa hangin mula sa taong carrier ng virus.
Ayon rin sa World Health Organizations, ang mga prone at madaling kapitan ng COVID-19 ay ang mga matatandang nasa edad 60 pataas.
Ang unang tawag sa virus na ito ay NCOV ngunit kalaunan, ito ay tinawag na COVID-19. Talagang delikado at madaling makahawa ang mga taong carrier ng nasabing virus. Lalo na kung na-expose ang isang taong may kasalukuyang sakit katulad ng sakit sa baga, diabetes o pneumonia.
Maaari bang magkaroon ng COVID-19 ang mga bata?
Ayon sa analysis, ang mga bata ay maaaring magkaroon ng virus, ngunit hindi ito malala. Kumpara sa mga matatanda, mas makikita mo ang mga sintomas sa kanila katulad ng matinding pag-ubo o pagdumi. Samantalang sa mga bata naman ay mild symptoms lang.
Mayroon namang isa pang bagong pag-aaral, nakita ng mga researcher na mas delikado rin para sa mga baby at toddler kumpara sa mga pre-schooler. Lalo na kung ang isang baby at toddler ay may current health issue. Hindi pa kasi todong nadedevelop ang immune system nila at madali pa silang kapitan ng kung anu-anong sakit. Tandaan na ito pa rin ay base sa health at immune system ng isang bata.
Sa pag-aaral mula January 16 hanggang February 8, naitala ng Chinese Center for Disease Control and Prevention ang 2,143 na batang may edad 18 pababa ay nagkaroon ng test at diagnosis sa COVID-19. At iba naman ay maaring nagkaroon na ng mga sintomas dahil sa exposure.
Sa madaling salita, ang mga baby at toddler ay delikado sa nasabing virus. Maaari silang makaranas ng seryosong komplikasyon sa baga at maging isang lung disease. Tandaan na lapitin ang mga bata lalo na kung ito ay may sakit na sa respiratory o immune system.
Dito sa Pilipinas, ang pinakabatang nagpositibo sa COVID-19 ay ang 13 years old na babae galing Quezon City. At kasalukuyan siyang under medication. Ngunit naitala sa London ang kaso ng pinakabatang nagkaroon ng virus, ito ay isang newborn baby.
Bago ipanganak ang baby, nakakaramdam na ng sintomas ng virus ang ina nito. At pagkatapos manganak, dito na nakumpirma na positibo siya. Agad sinuri ang kanyang baby at napag-alamang nagpositibo rin ito.
Hindi pa rin malaman kung paano ba nagkaroon ng COVID-19 ang newborn baby. Sa loob ba ito ng tyan nagkaroon o habang siya ay pinapanganak?
Epekto ng COVID-19 sa buntis
Ayon sa pag-aaral, ang mga buntis ay nakakaranas ng physiologic o immunologic na pagbabago sa kani-kanilang katawan. Dahil dito, ang kanilang mga katawan ay mas nagiging lapitin at delikado sa mga infections o virus katulad ng COVID-19.
Pero sa ngayon, wala pang nakakapagtuturo ng sapat at konkretong dahilan para masabing mataas ang risk factor nila sa nasabing virus. Ngunit kung ihahalintulad ito sa SARS at MERS ay may naitalang may mga pregnant mom ang nakaranas ng pregnancy loss tulad ng miscarriage at stillbirth ng madapuan ng virus dati.
Sintomas ng COVID-19 sa baby
Ito ang mga sintomas na maaaring makita sa mga baby at matatanda. Sa ibang kaso naman, matatawag silang asymptomatic o walang mararamdamang mga sintomas sa katawan.
Ang sintomas ng COVID-19 sa mga baby at matatanda ay kadalasang nararamdaman at nakikita pa pagkatapos ng 2-14 days matapos ang exposure sa isang carrier ng virus.
- Mataas na lagnat
- Shortness of breath
- Pag-ubo o dry cough
Kung sakaling mapapansin mo na hindi na normal ang nararamdaman ng iyong baby, agad siyang dalhin sa ospital. Narito ang mga sintomas na kailangang bigyan ng pansin:
- Pagdumi
- Pagbabago ng kulay ng mukha
- Abnormal na pananakit ng dibdib
- Hirap sa paghinga
Source: World Health Organization
BASAHIN: Mga Blood type A maaaring mas madaling kapitan ng COVID-19
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.