Sintomas ng COVID sa bata, may pagkakaiba ba sa sintomas sa matatanda?
Sintomas ng COVID sa bata
Ayon sa CDC, ang sintomas ng COVID sa bata at matanda ay magkatulad lang. Ngunit kung ikukumpara sa lala o severity ng sintomas na ipinakita ay naitalang mas mild ang naranasan ng mga batang nag-positibo sa virus. Sila ay nakaranas ng lagnat, sipon at ubo. Habang may ibang kaso ang naiulat ring nakaranas ng pagtatae at pagsusuka.
Ang pahayag na ito ay sinuportahan ng isang pag-aaral na isinagawa sa 2,143 na bata sa China na edad 18-anyos pababa. Sila ay na-expose sa sakit mula noong January 16-Februay 8 ngayong taon.
Sa ginawang pag-aaral ng mga researchers, natuklasan nilang 4% sa mga bata ang asymptomatic o hindi nagpakita ng sintomas ng sakit. Lagpas kalahati o 51% naman ang nagpakita ng mild na sintomas. Habang 39% ang nakaranas ng moderate illness at 6% ang nakaranas ng malalang sintomas. Mababa ito kumpara sa 18.5% ng mga adults na naitalang nakaranas ng malalang sintomas ng sakit.
Sintomas ng COVID sa bata vs matanda
Bagamat wala pang malinaw na paliwanag kung bakit ganito nalang ang pagkakaiba ng ipinapakitang sintomas ng sakit sa bata at matanda ay may mga posibleng dahilan na iminumungkahi ang mga researcher ng ginawang pag-aaral.
Una, ay mas kokonti ang opportunities ng mga bata na ma-expose sa virus. Dahil kumpara sa mga adults na kailangang mag-trabaho at gumawa ng iba’t-ibang activities, sila ay madalas na nasa bahay lang. Pangalawa, ay dahil mas mataas ang level ng antibodies nila sa katawan at naiiba ang response ng kanilang nag-dedevelop pang immune system sa sakit. At pang-huli, ang virus ay hindi pa nagba-bind o kumakapit ng maayos sa kanilang cells.
Dagdag pa ng CDC, base sa mga naitalang bilang ng tinamaan ng sakit, makikitang mas high risk o susceptible ang mga matatanda na mahawa sa COVID-19 kaysa sa mga bata. Ngunit hindi ito nangangahulugan na sila ay protektado na at hindi na dapat mag-doble ingat pa laban sa sakit.
Paano makakaiwas sa COVID-19 ang iyong anak?
Para nga daw ma-proteksyonan ang iyong anak laban sa sakit at maiiwas siya na mahawa rito ay mayroon kang dapat gawin. Ito ay ang i-encourage siya na gawin ang sumusunod na paraan upang matigilan ang pagkalat ng sakit.
Turuan siyang ugaliin ang paghuhugas ng kamay gamit ang sabon at tubig.
Ayon kay Dr. Cindy Gellner, pediatrician mula sa Salt Lake City, Utah, USA, ang paghuhugas ng kamay ay isa sa pinakamagandang paraan upang maturuan ang iyong anak na maging malusog at makaiwas sa sakit. Ngunit hindi ito madaling ipagawa sa lahat ng bata. Kaya naman may mga tips siyang ibinahagi para maging masaya ito at magiliw na gawin ng iyong anak.
Una ay sa pamamagitan ng pagkanta ng children song habang siya ay naghuhugas ng kamay. Tulad ng ABC, Row, row, row, your boat at Happy birthday. Dapat lang ay ulitin ito ng dalawang beses upang tumagal ng 20 seconds ang kanta na inirerekumendang tagal o tamang oras ng paghuhugas ng kamay.
“You can also sing “Row, Row, Row Your Boat,” or “Happy Birthday.” The main thing is it wants to be a 20-second-long song. That’s the amount of time that you should wash your hands to get all of the germs off. Don’t forget your fingernails. Viruses love to live around your fingernails.”
Ito ang pahayag ni Dr. Gellner. Dagdag pa niya puwede ring gumawa ng hand washing chart na laging makikita ng iyong anak. At bigyan siya ng reward sa tuwing gagawin niya ito. Puwede ring gumamit ng fun soaps o iba’t-ibang kulay at hugis ng sabon. Ito ay para mas ma-encourage siya at ma-enjoy niyang gawin ito
Paalalahan siyang umiwas sa mga taong may sakit, pati na sa mga umuubo at umaatsing.
Ayon sa CDC, ay hindi naman kailangang mag-mask ng iyong anak kung siya ay malusog. Dahil maaring magdulot ito sa kaniya ng hirap pa sa paghinga. Pero para makasigurado lalo na kung lalabas ng inyong bahay ay pagsuotin siya ng mask o di kaya naman ay takpan ang kaniyang ilog at bibig sa tuwing mai-expose sa taong umaatsing o umuubo.
Linisin at i-disinfect ang mga lugar o surfaces na mahahawakan ng iyong anak sa bahay.
Ang mga surfaces na ito ay tulad ng mesa, upuan, doorknobs, light switches, remote, toilet, lababo at iba pang mga surfaces na mahahawakan niya.
Labhan ang mga laruan at iba pang bagay na madalas na nahahawakan ng iyong anak.
Ang mga bagay na ito ay tulad ng washable plush toys. Ngunit tandaan na dapat malabhan ito ng naayon sa instructions ng manufacturer upang masiguro na ito ay hindi masisira. Ganoon rin ang mga throw pillows at table napkins na ginagamit niya.
Sa oras na makitaan ng sintomas ng COVID sa bata ang iyong anak ay agad na ipa-konsulta siya sa doktor.
Mahalaga rin sa oras na makitaan ng sintomas ng COVID sa bata ang iyong anak tulad ng lagnat at ubo ay dalhin agad siya sa doktor. Ito ay upang maresetahan siya ng gamot upang maibsan ang mga sintomas at hindi na lumala pa ito. Mahalaga rin na malaman kung positibo siya sa sakit upang maisagawa ang nararapat ng isolation at quarantine procedures para kung sakali ay hindi na siya makahawa pa.
Maliban sa nabanggit ay dapat ring siguraduhin na nakakain ng masusustansyang pagkain ang iyong anak. Siya ay nakakainom ng bitamina at nanatiling physically active kahit na sa ngayon ay dapat nasa loob ng bahay lang siya.
SOURCE: AA Publications, CDC, Utah Healthcare
BASAHIN: COVID-19 on babies: Sintomas, paano iiwasan at mga dapat gawin
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!