15 na sintomas ng dehydration sa baby na dapat mong malaman

Iwasan ang peligrong dulot ng dehydration kay baby sa pamamagitan ng pag-alam sa mga sintomas ng dehydration na kailangang bantayan at mga paraan kung paano ito maiwasan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sintomas ng dehydration sa baby: Narito ang mga baby dehydration symptoms na kailangan mong bantayan kay baby at ang mga dapat gawin upang malunasan ito.

Image from Freepik

Sintomas ng dehydration sa baby

Ayon sa mga health experts, ang mga baby ay susceptible o mas mataas ang tiyansa na makaranas ng dehydration o ang kawalan ng excessive amount ng tubig sa katawan.

Ilan sa mga dahilan kung bakit ito nangayayari ay dahil sa mas mataas ang metabolic rate nila. Hindi pa nila kayang sabihin ang kanilang nararamdaman at hindi pa nila kayang i-hydrate ang kanilang sarili.

Kaya naman ayon sa World Health Organization o WHO, isa ang dehydration sa mga major causes ng morbidity at mortality sa mga baby at maliliit na bata sa buong mundo. Ito ay maari nilang maranasan kapag sila ay nagtatae o nagsusuka. Ang mga kondisyon na resulta ng acute gastroenteritis na dulot naman ng mga viral infections, bacteria at parasites.

Paalala ng mga health experts, upang maiwasang malagay sa peligrosong kondisyon ang mga baby ay dapat maiwasan o maagapan ang dehydration. At ang isa sa mga paraan upang maisagawa ito ay ang malaman ang sintomas ng dehydration sa baby at ang mga paraan kung paano ito agad na malulunasan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

15 na sintomas ng dehydration sa baby

Ayon sa CDC, ang ilan sa maagang palatandaan o sintomas ng dehydration sa baby at maliliit na bata ay ang sumusunod. Sa kaso ng moderate dehydration, ito ay maari pang malunasan sa bahay sa tulong ng mga instruksyon na ibibigay ng doktor.

  1. Kawalan ng energy, pagiging antukin at irritable
  2. Pag-ihi ng isa o dalawang beses lang sa isang araw.
  3. Kulay dark yellow na ihi.
  4. Discolored o tila maputlang kamay at mga paa.
  5. Mabilis na tibol ng puso o paghinga.

Image from Freepik

Habang ang mga sumusunod na baby dehydration symptoms naman ay itinuturing ng severe at kinakailangan na ng urgent care o madala si baby sa emergency.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
  1. Naging madalang ang pag-ihi ni baby at nakakabasa lang siya ng 6 piraso pababa na diapers sa isang araw.
  2. Tuyong bibig o dila.
  3. Walang luha sa tuwing umiiyak.
  4. Tuyong diapers kahit 3 oras na ang lumipas.
  5. Nanlalalim na mata, pisngi at bunbunan.
  6. Nanunuyong balat.

Maliban sa mga nabanggit na sintomas ng severe dehydration sa mga baby, dapat ay agad ding dalhin si baby sa doktor kung siya ay nagpapakita pa ng sumusunod na sintomas o palatandaan:

  1. Si baby ay 3 months old pababa palang at may lagnat.
  2. Hindi siya dumede o sumususo ng maayos hindi tulad ng dati.
  3. Sumusuka matapos ang dalawang magkasunod na pagkain o pagdede.
  4. Nagtatae ng higit na sa 8 oras.

Ano ang mga damit gawin upang maiwasan ang peligro ng dehydration?

Para sa mga kaso ng mga sanggol na nakakaranas ng sintomas ng mild o moderation dehydration, narito ang ipinapayong mga paraan ng American Academy of Pediatrics o AAP upang ito ay agad na malunasan.

  • Ipagpatuloy lang ang pagpapasuso o pagpapadede kay baby.
  • Iwasan ang pagbibigay ng mga inumin kay baby na may mataas na sugar content. Ito ay dahil maaring mas palalalain nito ang diarrhea o pagtatae na kaniyang nararanasan.
  • Kung kaya na ni baby na kumain ng solid foods ay bigyan siya nito sa maliliit lang na amounts.
  • Ilipat si baby sa malamig o cool na lugar sa inyong bahay upang maiwasan siyang mas magpawis.
  • Bigyan ng pedialyte o oral rehydration solution si baby ng ayon sa payo o rekumendasyon ng isang doktor.

Sa oras naman na nagpapakita ng malalang sintomas ng dehydration si baby ay dapat na siyang dalhin sa ospital. Ito ay upang mabigyan siya ng karapatang lunas na kaniyang kailangan. Sa ospital, ito ang maaring maging treatment ni baby.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
  • I-momonitor ng doktor ang kaniyang fluid intake. Kaya naman kailangan parin siyang patuloy na pasusuin o padedehin.
  • Si baby ay kakabitan o bibigyan ng IV fluids upang mas mabilis na maibalik ang mga nawalang fluido tubig sa kaniyang katawan.
  • Bibigyan si baby na angkop na gamot sa kaniyang karamdaman.

Image from Freepik

Paano maiiwasan ang dehydration sa mga baby?

Para naman maiwasang makaranas ng dehydration si baby ay narito ang mga bagay o paraan na maaring gawin:

  • Siguraduhing nabibigyan ng sapat na fluid si baby. Isa sa palatandaan nito ay ang pagkakaroon ng higit sa 6 na basang diapers sa loob ng 24 oras.
  • Padedein o pasusuhin si baby kada tatlong oras. Kung siya ay natutulog, gisingin siya upang mapasuso.
  • I-pwesto si baby sa mga lugar sa inyong bahay na malamig o cool. Iwasan siyang ilagay o iwan sa mainit na kwarto. Dahil siya ay maaring mag-overheat o labis na magpawis.
  • Kaysa bigyan ng tubig mas mabuting bigyan si baby ng breastmilk o formula milk na nagtataglay ng nutrients na kaniyang kailangan.
  • Panatilihin at siguraduhing malinis ang mga gamit ni baby. Ito ay upang maiwasang malagyan ito ng germs na maaring magdulot ng pagtatae kay baby. Siguraduhin rin na malinis ang iyong mga kamay bago hawakan si baby. Pati na ang kaniyang mga gamit lalo na ang kaniyang mga dede.
  • Bumisita ng regular sa doktor ni baby. Ito ay upang ma-check ang kaniyang kalusugan at mabigyan siya ng immunization na kaniyang kailangan. Tulad nalang ng rotavirus vaccine na makakaiwas sa kaniyang makaranas ng malalang diarrhea.

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.