Breastfeeding mom at advocate na si Jessa Tandayu nagbahagi ng tips kung paano mapalakas ang breastmilk supply.
Mababasa dito ang sumusunod:
- Kilalanin ang breastfeeding mom at advocate na si Jessa Tandayu.
- Tips para mapalakas ang breastmilk supply.
Kilalanin ang breastfeeding mom at advocate na si Jessa Tandayu
Isa sa hinahangaang breastfeeding mom ngayon sa bansa ay si Mommy Jessa Tandayu. Dahil si Mommy Jessa maraming mommies at babies na ang natulungan sa pamamagitan ng kaniyang breastmilk.
Si Mommy Jessa ay ina ng cute baby boy na si Tyler na mag-dalawang taong gulang na ngayong taon. Pero maliban sa pagsisiguro na exclusively niyang mabibigyan ng kaniyang liquid gold ang anak ay nakapag-donate na rin siya sa higit sa 70 babies ng kaniyang breastmilk. Dahil paniniwala ni Mommy Jessa, ang breastmilk ay hindi lang basta para mabigyan ng lakas ang mga babies at maliliit na bata. Ito ay para masiguro rin na sila ay lalaking malusog at magkakaroon ng malakas na resistensiya para sa sakit.
Sa isang panayam ay ikinuwento ni Mommy Jessa na nagsimula ang advocacy niyang ito ng masaksihan kung paano naging healthy ang pamangkin niya dahil sa breastmilk.
“Nakita ko po kasi yung pamangkin ko na nabreastmilk baby siya hindi siya nagkakasakit.”
Ito ang sabi ni Mommy Jessa. Kaya naman ng siya na ang nagkaanak ay sinisigurado niya na magiging breastfeeding mom siya.
Larawan mula sa Facebook
Pagbabahagi pa ni Mommy Jessa, tulad ng maraming ina ay noong una ay wala rin siyang breastmilk. Pero pinilit niya daw at ginawa ang lahat para magkaroon ng gatas na maibibigay sa pinakamamahal niyang anak.
Tips para mapalakas ang breastmilk supply
Pero paano nga ba nagawa ni Mommy Jessa na magkaroon ng enough breastmilk para sa anak niyang si Tyler at makapagdonate pa sa ibang babies?
“Noong una wala, pero pinilit ko talaga. Yung pag-pump regularly para lumakas yung breastmilk, saka paglalatch kay baby yun ang ginawa ko. Continue po natin yung latching at breast pump. Ituloy natin yung 2-3 hours interval para magbigay po ng signal sa ating katawan na kailangan natin.”
Ito ang sabi pa ni Mommy Jessa na panayam.
May isang mahalagang payo rin siya sa mga mommies na malaki rin daw ang maitutulong para magkaroon ng malakas na breastmilk supply.
“Yung rest po napaka-importante. Tayong mga mommies kapag po nakapapagpahinga nakakatulong sa mood natin. Kapag masaya tayo, mas nakakapag-produce tayo ng breastmilk.”
Ito ang sabi pa ni Mommy Jessa.
Si Mommy Jessa ay isa ring mom influencer. Para sa dagdag na breastfeeding tips mula sa kaniya ay maaring bisitahin ang kaniyang Instagram page: https://instagram.com/michaellajessa?igshid=YmMyMTA2M2Y=.
Paano mapalakas ang breastmilk supply
Maliban sa mga ibinahaging tips ni Mommy Jessa, narito pa ang ilang tips na dapat isaisip para mag-improve ang iyong breastmilk supply.
- Regular na magpapasuso.
- Siguraduhing tama ang latch ni baby.
- Panatilihin ang pag-inom ng sapat na tubig at tamang pagkain.
- Magpahinga at bawasan ang stress.
- Panatilihin ang skin-to-skin contact kay baby.
- Uminom ng mga herbal supplement na makakatulong sa pag-iimprove ng breastmilk supply mo.
- Iwasan ang formula kung maaari.
- Kumonsulta sa lactation consultant para mas maliwanagan at masagot ang mga tanong mo.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!