X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Bata, naiwan sa loob ng kotse ng tatlong oras at namatay dahil sa heat stroke

5 min read
Bata, naiwan sa loob ng kotse ng tatlong oras at namatay dahil sa heat stroke

Narito ang mga sintomas ng heat stroke at mga first aid steps na maaring gawin sa mga makakaranas nito.

Sintomas ng heat stroke nakita sa 2 taong gulang na batang naiwan sa kotse ng tatlong oras at namatay. Ang insidente ay nangyari sa Lahad Datu, Sabah, Malaysia.

Bata namatay dahil sa heat stroke

Ayon sa imbestigasyon ng mga pulis, bandang ala-una ng hapon ng sundan ng dalawang taong gulang na batang babae ang kaniyang ina na magsusundo sa kaniyang mga kapatid sa school.

Matapos masundo ang mga anak sa eskwelahan, i-pinark ng 31-anyos na ina ng bata ang kotse sa tabing kalsada malapit sa kanilang bahay. Pagka-park ay pumasok na ito agad sa loob ng kanilang bahay. Habang inihabilin at inutos niya sa panganay na anak na may edad na sampu ang pagkuha at pagpasok sa loob ng bahay ng 2-anyos na bunsong kapatid.

Dumeretso sa 2nd floor ng kanilang bahay ang ina ng biktima para magdasal bago ito makatulog. Bandang 3:45 ng hapon bumaba ang ina ng biktima para kumain kasama ang kaniyang asawa.

Habang kumakain ay doon lang naalala ng ina ng biktima ang bunsong anak. Nang tawagin niya ito at walang sumagot ay hinanap ng ina ang anak sa buong bahay pati sa mga kapit-bahay.

Nang hindi makita ay tiningnan nito ang loob ng kaniyang kotse at doon niya natagpuan ang kaawa-awang bata na wala ng malay.

Nilabas sa kotse at agad na dinala ang bata sa ospital ngunit idineklara itong wala ng buhay.

Mga nakitang sintomas ng heat stroke

Dagdag ng pulis ay may mga nakitang tila marka ng paso sa mukha at braso ng bata at bumubula rin ang bibig nito nang matagpuan sa loob ng kotse. Paliwanag naman ng post mortem report, ang mga ito ay sintomas ng heat stroke na dulot ng sobrang init na temperatura sa loob ng kotse.

Dahil sa nangyari ay naaresto ang ina ng biktima at nahaharap sa reklamo dahil sa kapabayaang nagdulot ng pagkamatay ng anak.

Isa lamang ito sa mga kaso ng mga batang naiwan sa kotse at namatay. Kaya naman mahigpit na ipinaalala sa mga magulang ang ibayong pag-iingat at dobleng pagbabantay sa mga anak.

Maliban sa pag-iingat ay mahalaga ding malaman ang mga sintomas ng heat stroke. Ito ay para mabigyan ng pangunang lunas at maagapan sa mga insidenteng walang malapit na ospital o makapagbibigay ng karapatang medikal na atensyon.

sintomas ng heat stroke

Image from Her Family

Sintomas ng heat stroke

Ang heat stroke ay isang seryosong heat injury na itinuturing na isang medical emergency. Ito ay nakamamatay at nakakapagdudulot ng damage sa utak at iba pang internal organs.

Bagamat, madalas itong nararanasan ng mga 50-anyos pataas, maari rin itong mangyari sa mga mas nakababata at may malusog na pangangatawan.

Ang heat stroke ay resulta ng matagal na pagkaka-expose ng katawan sa mataas ng temperatura na nagdudulot ng dehydration at failure sa body control system.

Itinuturing na nakararanas ng heat stroke ang isang tao kapag tumungtong sa higit ng 104 degrees Fahrenheit ang temperatura ng kaniyang katawan.

Sa mga nakararanas ng heat stroke ay mapapansin ang mga sumusunod na sintomas:

  • Labis na sakit ng ulo
  • Pagkahilo
  • Hindi pagpapawis kahit na mainit
  • Mapula, mainit at nanunuyong balat
  • Muscles weakness o cramps
  • Pagduduwal o pagsusuka
  • Mabilis na pagtibok ng puso na maaring mahina o malakas
  • Mabilis ngunit mababaw na paghinga
  • Behavioral changes gaya ng confusion, disorientation o staggering
  • Seizures na minsan ay nagdudulot ng pagbubula ng bibig
  • Unconsciousness o kawalan ng malay

First aid para sa heat stroke

  1. Agad na tumawag ng emergency services o dalhin sa ospital ang taong nakitaan ng sintomas ng heat stroke.
  2. Habang naghihintay sa medical response unit ay magsagawa ng first aid para sa heat stroke patient.
  3. Ilipat ang pasyente sa isang air-conditioned na lugar o kaya naman ay sa mahangin o cool na paligid.
  4. Tanggalin ang mga hindi kinakailangang damit ng pasyente sa katawan.

Kumpirmahin kung nakakaranas ng heat stroke ang pasyente sa pamamagitan ng pagtingin ng kaniyang body temperature. Kung sakaling walang thermometer para kunin ang body temperature ay magsagawa parin ng first aid sa pasyente.

  • Paypayan ang pasyente habang pinupunasan ng basang towel ang kaniyang balat.
  • Lagyan ng ice packs ang kaniyang kili-kili, leeg, singit at likod.
  • Ilubog ang pasyente sa tub na may tubig o paliguan sa shower.
  • Kung ang pasyente ay young adult at may malusog na katawan at nakaranas ng heat stroke dahil sa sobrang pag-eexercise ay gumamit ng ice bath para pa-preskuhin ang kaniyang pakiramdam.

Tandaan:

Huwag gagamit ng ice bath para sa mga matatandang pasyente, mga bata, pasyenteng may malubhang sakit at mga nakaranas ng heat stroke na hindi dulot ng sobrang pag-eexercise. Ito ay lubhang mapanganib.

Tandaan din na mahalagang itakbo agad sa ospital o tumawag sa emergency services ang mga pasyente ng heat stroke. At ang mga first aid tips na ito ay pang-alalay lang habang hinihintay na maibigay ang medikal na atensyon na kailangan nila.

Partner Stories
Pagdating sa Gatas ni Anak, Choose Wisely!
Pagdating sa Gatas ni Anak, Choose Wisely!
Fun gadget-free tips on how to spend quality time with kids
Fun gadget-free tips on how to spend quality time with kids

 

Source: New Strait Times, WebMD

Basahin: 11 Taong gulang na babae, patay matapos mabangga ng sasakyan

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Pagpapalaki ng anak
  • /
  • Bata, naiwan sa loob ng kotse ng tatlong oras at namatay dahil sa heat stroke
Share:
  • Mga paraan upang maiwasan ang indoor heat stroke ngayong tag-init

    Mga paraan upang maiwasan ang indoor heat stroke ngayong tag-init

  • Death of toddler highlights frightening dangers of heatstroke

    Death of toddler highlights frightening dangers of heatstroke

  • Maitim na kilikili? 12 iba't ibang natural na paraan pampaputi ng kilikili

    Maitim na kilikili? 12 iba't ibang natural na paraan pampaputi ng kilikili

  • Dani Barretto sa speech delay ng kaniyang daughter: “Kahit ano pa siya, mamahalin ko siya.”

    Dani Barretto sa speech delay ng kaniyang daughter: “Kahit ano pa siya, mamahalin ko siya.”

  • Mga paraan upang maiwasan ang indoor heat stroke ngayong tag-init

    Mga paraan upang maiwasan ang indoor heat stroke ngayong tag-init

  • Death of toddler highlights frightening dangers of heatstroke

    Death of toddler highlights frightening dangers of heatstroke

  • Maitim na kilikili? 12 iba't ibang natural na paraan pampaputi ng kilikili

    Maitim na kilikili? 12 iba't ibang natural na paraan pampaputi ng kilikili

  • Dani Barretto sa speech delay ng kaniyang daughter: “Kahit ano pa siya, mamahalin ko siya.”

    Dani Barretto sa speech delay ng kaniyang daughter: “Kahit ano pa siya, mamahalin ko siya.”

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.