1-taong gulang, nagkaroon ng herpes dahil sa halik

Dahil sa isang halik isang bata ang nahawa sa herpes simplex virus na dadalhin niya na habang-buhay.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sintomas ng herpes simplex virus ang agad na pumasok sa isip ng inang si Lorna Hoy nang makakita ng mga maliliit na red spots sa mukha, dibdib at braso ng kaniyang anak na si Kalo noong nakaraang buwan.

Image from DailyMail UK

Para nga masigurado ang hinala sa pinagdadaanang kondisyon ng anak ay agad na dinala sa doktor ni Ms. Hoy si Kalo.

Ngunit dalawang beses pinabulaanan ng doktor na mali ang hinala niya.

Hindi tumigil si Ms. Hoy.

Sa kaniyang pangatlong attempt para malaman kung ano talaga ang nangyayari sa anak ay nakumpirma niya mula sa resulta ng test na tama ang hinala niya. At mga sintomas ng herpes simplex virus nga ang mga sugat sa mukha ng kaniyang anak.

Ayon sa doktor na tumingin kay Kalo, ang sakit ay maaring nakuha raw ng bata sa pamamagitan ng isang halik.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Dahil sa nangyari ay kinailangang ma-admit si Kalo sa Wythenshawe Hospital sa Manchester, England para gamutin.

Dumaan ito sa intense course ng IV antibiotics ng apat na araw upang mawala ang mga sugat na dulot ng infection sa kaniyang katawan.

Dahil nga sa mga sugat sa kaniyang dahil sa infection ay nahirapan si Kalo na kumain na naging dagdag alalahanin pa sa kaniyang mga magulang.

Kinailangan din daw bigyan ng injection ang kaniyang mga mata para masigurong hindi kakalat rito ang infection na maaring makapagpabulag sa kaniya kung mapabayaan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Image from DailyMail UK

Ibinahagi ni Ms. Hoy ang karanasan na ito sa social media kasama ang mga larawan ng anak na si Kalo noong nainfect ng virus upang magbigay babala sa iba pang mga magulang.

Hanggang ngayon ay hindi parin malinaw kung kanino nakuha ng bata ang infection.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pero ayon kay Ms. Hoy, ang paghalik daw sa bigbig ng mga bata at pagshe-share ng cutlery o kubyertos ay isang paraan para mahawa sa impeksyon na ito. Ito ay dahil maaring maipakalat ito sa pamamagitan ng laway o saliva.

Dagdag pa ni Ms.Hoy, mabuti na nga lang daw at magda-dalawang-taon na ng ma-infect si Kalo ng virus. Dahil kung mas bata-bata pa daw ito ay maaring hindi ito nakasurvive lalo pa’t nakakamatay ang herpes kung maihahawa sa mga baby na mahina pa ang immune system.

Ayon parin kay Ms.Hoy, sana ang karanasan nila na ito ay magsilbing babala sa mga magulang tungkol sa herpes virus na kung hindi magagamot ay maaring ikamatay ng mga bata.

Image from DailyMail UK

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ine-encourage rin niya ang mga magulang na mag-research tungkol sa virus para maging aware sa mga palantandaan nito at para maiiwas rin ang kanilang anak sa pagkakaroon ng impeksyon.

Bagamat nakauwi na at wala na ang mga nakakatakot na sugat sa mukha ni Kalo ay nag-iwan naman ito ng peklat na nagsisilbing ala-ala ng pinagdaanan niya.

Image from DailyMail UK

Ano ang herpes simplex virus?

Ang herpes simplex virus o kilala rin sa tawag na HSV ay isang infection na nagdudulot ng herpes.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang herpes ay maaring lumabas at makita sa iba’t-ibang parte ng katawan pangkaraniwan na sa maseselang bahagi ng katawan o genitals at sa bibig.

Mayroon itong dalawang uri. Ang una ay ang HSV-1 na nagdudulot ng oral herpes na responsable sa mga cold sores o sugat at fever blisters sa paligid ng bunganga at ng mukha.

Ang HSV-1 ay maaring makuha o maihawa sa pamamagitan ng sumusunod:

  • Paggamit ng parehong kubyertos sa taong infected nito
  • Pagsheshare ng lip balm o iba pang gamit sa bigbig
  • Paghalik o kiss
  • Maari rin itong maihawa sa pamamagitan ng oral sex

Ang pangalawang uri ay ang HSV-2 na nagdudulot naman ng genital herpes at responsable sa genitals herpes outbreak.

Ito naman ay maaring makuha o maihawa sa pamamagitan ng pagkakaroon ng sexual contact sa taong infected ng virus na ito.

Mga sintomas ng herpes simplex virus

Sa UK ay naitalang pito sa sampung tao ang infected ng herpes virus. Ngunit isa lamang sa kada tatlong tao na infected ng virus ang nakakaranas ng sintomas nito.

Ilan sa sintomas ng herpes simplex virus na maaring mapansin sa katawan ng isang tao ay ang sumusunod:

  • blistering sores o mga paltos na nagsusugat sa bunganga o sa genitals
  • sakit kapag umiihi dulot ng genital herpes
  • pangangati

Maari ring makaranas ng sintomas tulad ng sa flu ang isang taong infected ng sintomas ng herpes simplex virus gaya ng sumusunod:

  • Lagnat
  • Kulani
  • Sakit ng ulo
  • Pagkapagod
  • Kawalan ng ganang kumain
  • Marami rin ang nakakaranas ng pangangati o shooting pain bago maglabasan ang cold sores.

Ang herpes simplex virus ay maari ring kumalat sa mata na maaring magdulot ng kondisyon na kung tawagin ay herpes keratitis.

Ang mga sintomas nito ay pananakit ng mata, pagkakaroon ng eye discharge at ang pakiramdam na parang may buhangin sa loob ng mata.

Ang herpes simplex virus ay maaring ma-diagnose sa pamamagitan ng physical exam at HSV testing.

Sa ngayon ay wala paring gamot sa virus.

Ang sinumang infected ng virus ay dadalhin na ito habang-buhay.

Kahit ito ay hindi nagpapakita ng sintomas ay nananatili ito sa nerves cells ng taong infected ng virus.

Ang mga cold sores naman o outbreaks ay maaring lumabas kung matritrigger ng sumusunod:

  • Stress
  • Pagkakasakit
  • Alcohol use
  • Sobrang sikat ng araw o sunburn
  • Menstruation

Ngunit may mga paraan para mawala ang mga sugat at maiwasan ang paglabas ng mga ito.

Isa nga sa mabisang paraan ay ang paggamit ng mga antiviral medications gaya ng acyclovir, famciclovir at valacyclovir na kailangan ng reseta at payo ng doktor.

Ang mga medications rin na ito ay paraan upang pababain ang tiyansa ng virus na maihawa sa iba. Pinababa rin nito ang intensity at frequency ng pagkakaroon ng outbreaks ng taong infected ng virus.

Ang pagpapanatili rin sa mga sugat o sores na well-moisturized ay makakatulong upang mapigilan sila sa pag-crack at sa pagdudulot ng sobrang sakit.

Para makaiwas naman sa pagkakahawa sa herpes simplex virus ay dapat gawin ang sumusunod:

  • Kilalaning lubos ang sex partner
  • Huwag basta pahahalikan ang mga bata sa kung kani-kanino
  • Huwag makikigamit ng mga kubyertos o ibang gamit sa bibig ng ibang tao
  • Ugaliing maghugas ng kamay
  • Ang mga bababeng nagdadalang-tao na infected ng virus ay dapat sumailalim sa medication habang buntis upang hindi mahawaan ang sanggol na dinadala nito.

 

Sources: HealthLine, Daily Mail

Basahin: Herpes simplex virus sa baby, galing daw sa isang halik