STUDY: Mga maagang na-menopause pwede umanong magkaroon ng dementia

Ayon sa pag-aaral ang mga babaeng maagang na-menopause ay may mataas na tiyansa na magkaroon ng dementia pagdating ng panahon.

Kadalasang nagsisimula ang menopause ng isang babae sa edad na 40 o kaya ay 50. Anu-ano nga ba ang sintomas ng menopause sa babae? Alamin sa artikulong ito.

Mga mababasa sa artikulong ito:

  • Sintomas ng menopause sa babae
  • Ugnayan ng dementia at menopause

Maaaring magsimula ang iyong pagme-menopause kung ang iyong menstrual period ay humihinto at bumabalik na. Maaari ring  ang monthly cycle ay mas maikli na kumpara sa dati.

Kung ikaw naman ay wala pa sa edad ng “menopausal transition” maaari mong ikonsidera ang posibilidad ngpagbubuntis. 

Mayroong tatlong stages ng menopausal; “perimenopause”, “menopause”,at “postmenopause”. Sa perimenopause dito nagsisimulang magdecline ang iyong hormones. Nagiging irregular na rin ang iyong menstrual cycle.

Sa menopause stage naman ay humihinto ns ang pag produce ng iyong hormones. Nagbubunga ito ng pagpapatigil sa iyong menstrual period.

Kung dumaan na naman ang 12 buwan at hindi ka niregla, ikaw ay nagtransition mula sa perimenopause to post menopause. Dito na hihinto ang inyong menstrual cycles at hindi na magpo-produce ng eggs ang iyong ovaries. Kaya naman imposible nang manganak.

Sintomas ng menopause sa babae

Larawan mula sa Shutterstock

  • Irregular periods

Kung ang iyong menstrual cycle ay humihinto o nagbabago ito ay senyales na ikaw ay nag tratransition na sa perimenopause at post menoause.

  • Hindi makatulog

Kung hindi mapakali sa pagtulog, maaari itong muling sintomas ng inyong menopausal. 

  • Pabago-bago ng ugali

Nakakaramdam na ang iyong mood ay laging nagbabago katulad na lamang na masaya ka ngayon ngunit biglang nakakaramdam ng pagkairita. 

  • Nawawala ang pagkabilog ng dibdib

Nararamdaman na na ang iyong dibdib na unti-unti nang bumaba ba oo nawawala ang pagka bilog nito ito ay senyales ng inyong menstrual cycle  at hormones ay unti unti nang humihinto.

  • Nagkakaroon ng mas mataas na timbang

Kung ikaw ay hindi laging nag eexercise o walang balanced diet, maaaring tumaas ang iyong timbang lalo na kung ang iyong pag proproduce ng  hormones ay unti-unti nang humihinto. 

Maaari ring maging sanhi ng maagang menopausal, ang pagpapatanggal ng ovaries, chemo at radiation therapy, at at natural na menopausal transition. 

Ilan na rin sa mga complication oras na maaaring magkaroon pagkatapos ng menopausal period ay heart and blood vessels disease, osteoporosis, urinary incontinence, weight gain at ang panghuli, dementia. 

BASAHIN:

Women who have less sex more likely to develop early menopause

50-taong gulang na Lola, nanganak pa rin kahit menopause na

STUDY: Mga babaeng parating puyat, posibleng magka-early menopause

Ugnayan ng dementia at menopause

Pinag-aaralan ng mga eksperto sa American Heart Association Epidemiology, Prevention, Lifestyle, and Cardiometabolic Health Conference ang koneksyon ng maagang menopause sa pagkakaroon ng dementia.

Ayon sa pag-aaral ang mga, “Kababaihan na nag menopause sa edad na 40 ay mas mataas ang tiyansa na magkaroon dementia kesa sa mga kababaihang nagsisimula ang kanilang menopausal transition sa edad na 50 to 51 years old.”

Ang dementia ay isang sakit kung saan may malaking pagbabago sa utak ng tao. Ilan sa sintomas nito ay pagkalimot, hirap magdesisyon at pati pananalita.

Larawan mula sa Shutterstock

Ang Alzheimer ay isa sa mga common types ng dementia. Pangalawa ay vascular dementia kung saan dito nagkakaroon ng discruptions ng blood flow sa brain cells na nakakahinto ng suplay ng dugo sa utak kaya nahihirapan maalala ito. 

Ayon kay Dr. Wenting Hao, M.D., a Ph.D, 

“Being aware of this increased risk can help women practice strategies to prevent dementia and to work with their physicians to closely monitor their cognitive status as they age.”

Ang mga ganitong uri ng dementia ay common lalo na sa mga taong may edad na. lumalabas sa pag-aaral na mas mataas ang tiyansa noob magkaroon ng diamond siya kung ikaw ay mas maagang magkaroon ng menopausal transition. Ngunit ang mga postmenopausal woman ay mas mataas ang risk sa a stroke kaysa sa mga premenopausal na kababaihan.

4 na tips kung paano maiiwasan ang pagkakaroon ng maagang dementia:

1. Pagkakaroon na exercise routine

Ang pag-eexercise araw-araw tulad ng paglalakad cycling o pagsayaw ng “zumba” ay makakaiwas sa pagiging obese, type 2 diabetes na konektado sa higher risk ng pagkakaroon ng dementia. 

2. Hindi paninigarilyo at pag-inom ng alak

Ang paninigarilyo at pag-inom ng alak ay nakakataas ng tiyansa na magkaroon ng stroke heart disease at cancer kung saan na sisira ang inyong nervous system kasama na ang inyong brain.

3. Pagkakaroon ng balanced diet

Larawan mula sa Shutterstock

Sa pagkain nang tama, at pag-iwas ng mga pagkain na mataba, maalat, at mataas ang sugar, ay makakaiwas ka rin sa high blood pressure high cholesterol at bababa ang iyong tyansa na magkaroon ng dementia. 

4. Pag-inom ng sapat na bitamina at mga calcium supplement

Sa pag-inom nang sapat na bitamina at calcium supplement nakakatulong ito upang labanan ang mga sakit na konektado sa pagkakaroon ng dementia at ikaw ay maging healthy.

Maaaring bumisita sa inyong doktor upang malaman kung paano maiiwasan ang pagkakaroon ng mga medical concerns lalo na habang pagkatapos ng inyong menopausal transitioning. Nakakabuti rin sa inyo ang magpa check up ang tao upang mabantayan ang iyong kalusugan.

 

Sinulat ni

Ange Villanueva