Ang PCOS o Polycystic Ovarian Syndrome ay isang uri ng hormonal problem na karaniwang nararanasan ng mga babae sa kanilang child-bearing years. Ano nga ba ang sintomas ng pcos sa babae at ano ang gamot sa pcos? Alamin sa article na ito.
Sintomas ng PCOS sa babae: Ano ang PCOS?
Ayon sa artikulo ng Healthline na may pamagat na “Polycstic Ovary Syndrome (PCOS): Symptoms, Causes, and Treatment,” nasa 2.2 hanggang 26.7 porsyento ng mga babaeng nasa edad 15 hanggang 44 ang nagkakaroon ng PCOS.
Ano nga ba ang PCOS? At ano ang sintomas ng PCOS sa babae?
Ang sakit na PCOS ay isang hormonal imbalance na nakaapekto sa reproductive organs ng babae na nagproproduce ng estrogen at progesterone. Ito ay ang mga hormones na nagre-regulate ng menstrual cycle. Naglalabas din ng small amount ng male hormones na tinatawag na androgens ang ovaries.
Ang PCOS ay kondisyon na nakaaapekto sa ovaries at sa ovulation ng babae. Ito ay posibleng sanhi ng cysts sa ovaries, mataas na level ng androgen o male hormones, at irregular na menstrual period.
Sintomas ng pcos tagalog
Kapag mayroong PCOS ang isang babae, ibig sabihin mayroong fluid-filled sacs sa loob ng obaryo nito. Ang polycystic ay nangangahulugan na maraming cysts o maliliit na bukol sa loob ng ovaries ng babae.
Ang mga bukol-bukol na ito ay mga follicles na may lamang immature eggs. Ibig sabihin, ang mga egg cell ng babaeng may pcos ay hindi nag-mature kaya hindi natrigger ang ovulation.
Ayon sa Healthline, ang kawalan ng ovulation ay nakaapekto sa level ng estrogen, progesterone at iba pang hormones ng babae. Karaniwang bumababa ang level ng progesterone habang tumataas naman ang level ng androgen.
Kapag mataas ang male hormones sa katawan ng babae, maaapektuhan nito ang menstrual cycle kaya naman karaniwan sa mga babaeng may pcos ay hindi regular ang pagkakaroon ng regla.
Sintomas ng PCOS
Ano nga ba ang sintomas ng PCOS sa babae?
Sintomas ng PCOS tagalog: Karaniwang sintomas ng PCOS
Tandaan na iba’t iba ang karanasan ng bawat babae pagdating sa kanilang menstrual cycle at maging sa pagkakaroon ng PCOS. May mga babaeng nakikitaan ng sintomas ng pcos sa kanilang unang regla pa lamang. Mayroon din namang nalalaman lang nila na mayroon silang pcos matapos na sila ay tumaba o kaya naman ay magkaroon ng problema sa pagbubuntis.
5 karaniwang sintomas ng PCOS ay ang mga sumusunod:
- Hair growth o hindi normal na pagtubo ng balahibo sa babae. Tinatawag na hirsutism ang excess o labis na hair growth. Karaniwang tumutubo ang labis na balahibo sa mukha, likod, dibdib, binti, at puson.
- Pagdami ng tigyawat o acne. Dahil mataas ang level ng male hormones o androgen, nagiging oily ang balat ng babae. Dahil dito posible ang pagkakaroon ng acne breakouts sa mukha, dibdib at likod.
- Irregular periods at heavy bleeding. Dahil sa kakulangan sa ovulation, hindi nagkakaroon ng regular na shedding ng uterine lining kada buwan. Kaya naman, minsan lang magkaroon ng regla ang babaeng may pcos. At dahil minsan lang kung magkaroon ng regla, nagbubuild up ang unterine lining na nagreresulta sa pagkakaroon ng heavy bleeding tuwing mayroong menstruation.
- Pagtaba o pagbigat ng timbang. Tinatayang nasa 80% ng mga babaeng may pcos ang overweight o kaya naman ay obese.
- Pangingitim ng balat. Posibleng mangitim ang balat sa bandang leeg, batok, o kaya naman ay sa ilalim ng dibdib.
Bukod sa mga nabanggit na sintomas ng pcos sa babae, posible rin na maging sakitin ang ulo ng babaeng may pcos. Ito ay dahil nati-trigger ng hormonal imbalance ang pagsakit ng ulo. Dagdag pa rito, pwede ring magdulot ng infertility o hirap na magkaroon ng anak ang babaeng may pcos.
Bakit nagkakaroon ng PCOS ang babae
Ang Polycystic Ovary Syndrome (PCOS) ay isang kondisyon sa mga kababaihan na sanhi ng hormonal imbalance. Ang eksaktong dahilan kung bakit nagkakaroon ng PCOS ang babae ay hindi pa lubos na nauunawaan, ngunit narito ang ilan sa mga pangunahing salik na maaaring dahilan kung bakit nagkakaroon ng PCOS ang babae:
-
Hormonal Imbalance
Ang PCOS ay madalas na nauugnay sa labis na produksyon ng androgens (male hormones) sa katawan ng babae. Ang imbalance na ito ay maaaring humantong sa mga sintomas tulad ng hindi regular na regla, acne, at paglago ng labis na buhok sa katawan (hirsutism).
-
Genetics
Ang PCOS ay maaaring namamana. Kung may miyembro ng pamilya (halimbawa, ina o kapatid) na may PCOS, mas mataas ang tsansa ng isang babae na magkaroon nito.
-
Insulin Resistance
Ang karamihan ng mga babaeng may PCOS ay may insulin resistance, kung saan ang katawan ay hindi epektibong nakakagamit ng insulin. Dahil dito, tumataas ang antas ng insulin sa dugo, na maaaring magdulot ng labis na produksyon ng androgens.
-
Inflammation (Pamamaga)
Ang mga kababaihan na may PCOS ay kadalasang may mababang antas ng pamamaga sa katawan. Ang pamamaga na ito ay maaaring magdulot ng produksyon ng androgens, na nag-aambag sa mga sintomas ng PCOS.
-
Kapaligiran at Pamumuhay
Ang hindi malusog na pagkain, labis na timbang, at kakulangan sa ehersisyo ay maaaring magpalala ng mga sintomas ng PCOS. Gayunpaman, hindi ito palaging sanhi, dahil ang payat na kababaihan ay maaari ring magkaroon ng PCOS.
Ano ang gamot sa PCOS?
Ngayong alam na natin ang mga posibleng sintomas ng pcos, mahalagang malaman din kung ano ang gamot sa PCOS.
Gamot sa PCOS
Mahalagang kumonsulta sa iyong doktor kung nakikitaan ang sarili ng mga sintomas ng pcos sa babae. Nakadepende sa iyong sintomas, medical history, at iba pang health conditions ang angkop na gamot sa PCOS.
Karaniwang gamot sa pcos ay pinagsamang medikasyon at pagbabago ng lifestyle lalo na kung gusto mong magkaroon ng anak. Kung susuriin, wala talagang gamot sa PCOS pero matutulungan ka ng iyong doktor na i-manage ang sintomas nito.
Ilan sa mga gamot sa pcos na makatutulong sa pag-manage ng sintomas nito:
- Hormonal birth control tulad ng birth control pills, patches, shots, vaginal ring o kaya naman ay intrauterine device (IUD). Nakakatulong ang mga ito na ma-regulate ang menstrual cycle, acne breakout, at excessive hair growth.
- Insulin-sensitizing medicine o metformin. Ginagamit ito para matulungan ang iyong katawan na iproseso ang insulin. Kapag nakontrol ang insulin sa katawan maaari itong makatulong na maging maayos ang menstrual cycle.
Puwede ring itanong sa iyong doktor kung anong gamot na maaaring maka-block sa androgens ang pwede mong inumin. Pati na rin ang mga pagbabago sa lifestyle na dapat mong sundin. May ilang pagkakataon din na inirerekomenda ang surgery kung nais na magkaroon ng anak. Sa surgery, tatanggalin ang tisyu sa ovary na nagproproduce ng androgen. Bukod pa rito, kung nais magbuntis ang babaeng may pcos, pwede ring subukan ang In vitro fertilization procedure, o kaya naman ay uminom ng gamot na nakapag-iinduce ng ovulation.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!