Narinig niyo na ba ang prostate cancer? May ideya ba kayo kung ano-ano ang prostate cancer symptoms, kung wala pa narito ang mga kailangan malaman tungkol sa sintomas ng prostate cancer at paano ito magagamot at maiiwasan.
Talaan ng Nilalaman
Prostate Cancer: Sintomas, Gamot at Paano ito maiiwasan?
Ano nga ba ang prostate cancer? Isa itong uri ng cancer na ang tinatamaan lamang ang kalalakihan. Kundisyon ito kung saan hindi napipigilan ang pagrami ng mga abnormal na selula sa loob ng prostate gland. Ito ang responsable sa paggawa ng semilya ng mga kalalakihan.
Direktang naapektuhan ang paglaki at paggana ng prostate at hormone ng isang lalaki sa paggawa ng mga semilya. Karaniwang matatanda at nakakaedad na ang natatamaan ng prostate cancer.
Wala pang tiyak na dahilan na maibigay ang mga siyentipiko kung ano ang sanhi nito.
Sino ang mga may malaking tiyansang magkaroon nito?
Ayon sa mga eksperto malaki ang tiyansang magkaroon ng prostate cancer ilan sa mga sumusunod:
- Mga lalaking may edad 50 pataas
- Posibleng nasa lahi ang pagkakaroon ng prostate cancer at namana
- Mga naninigarilyo
- Kalalakihang may history ng STD (Sexually Transmitted Disease)
Sa isa ring pag-aaral ang mga lalaking mataas ang tiyansang magkaroon at mamatay sa prostate cancer ay iyong mga obese. Ang lalaki raw na may 40inch na bewang o 103cm pataas ay mayroon 35% risk na mamatay sa prostate cancer.
Kaysa sa mga lalaking nasa 35inches lang ang bewang. Ang lokasyon taba sa bewang ang dahilan kung bakit mas prone sila sa prostate cancer.
Sintomas ng Prostate Cancer
Ang mga sintomas ng prostate cancer sa kalalakihan, at kailan nila malalaman na prostate cancer symptoms ang kanilang nararanasan.
Ang mga nakakaranas lamang ng sintomas ng prostate cancer ay kadalasang nasa malalang stage na. Narito ang mga sintomas ng prostate cancer na nasa malalang estado na:
- Nagkakaproblema tuwing iihi. Pagbagal o paghina ng urinary stream
- Madalas na pag-ihi lalo na kapag gabi
- May dugo sa ihi o semilya
- Pananakit ng bewan, likod, at dibdib at iba pang bahagi ng katawan kung saan kumalat na ang kanser sa buto.
- Nahihirapan magkaroon ng erection.
- Panghihina ng mga binti at paa.
Importanteng magpakonsulta agad sa doktor kapag nakaranas ng mga ganitong sintomas upang mabigyang agad ng gamot at solusyon ang inyong kundisyon.
Risk factors sa pagkakaroon ng prostate cancer
Ilan sa mga dahilan kung bakit tumataas ang tiyansa ng isang lalaki sa pagkakaroon ng prostate cancer ay ang mga sumusunod:
Tumataas ang tiyansa na magkaroon ng prostate cancer ang isang lalaki kapag siya’y tumatanda na. Karaniwan ito sa mga lalaking may edad na 50 pataaas.
Kung mayroon sa pamilya ninyo ang may history ng prostate cancer ay mas mataas ang tiyansa na magkaroon ka rin ntio. Halimbawa na lamang kung ang iyong magulang, kapatid o anak. Dagdag pa rito, kung ang inyong pamilya ay mga history ng genes na nakakapagpa-increase ng risk sa pagkakaroon ng breast cancer o kung mayroon sa inyong pamilya ay nagkaroon ng breast cancer ay mataas din ang tiyansa sa pagkakaroon ng prostate cancer.
Sa hindi pa malaman na dahilan, mas mataas umano na magkaroon ng tiyansa na magkaroon ng prostate cancer ang mga Black people kaysa sa ibang race. Kadalasang mas advance at aggressive ang prostate cancer sa mga Black people.
Ang mga taong obese ay may mataas na tiyansa na magkaroon ng higher risk sa pagkakaroon ng prostate cancer kay sa mga taong may healthy na timbag. Subalit may ilang pag-aaral na mayroong mixed results.
Dagdag pa rito, ang mga taong obese ay more likely na magkakaranas na magkaroon ng mas aggressive na cancer at mas may taas na tiyansa na manumbalik ito matapos ang gamutan.
Prostate Cancer Symptoms: Sintomas, Gamot At Paano Maiiwasan? | Image from shutterstock
Pamamaraan sa paggamot
Kailangang kumonsulta sa inyong doktor para malaman kung anong klaseng panggagamot ang gagawin sa’yo. Ang pagpili ng mga pamamaraan sa paggamot ng prostate cancer ay maraming salik.
Nariyan kung ano ba ang edad, stage ng cancer, sintomas ng prostate cancer mo, at siyempre ang iyong opinyon. Nariyan ang chemotherapy, surgery, symptomatology, Androgen Deprivation Therapy, at radiation therapy.
Mahalaga na makapili ng angkop na paraan kung paano magagamot ang prostate cancer. Upang mawawala ang mga prostate cancer symptoms na iyong nararanasan at ika’y maginhawaan.
Mga paraan para maiwasan ang Prostate Cancer
Kagaya ng iba pang mga karamdaman ang pinakamainam na pamamaraan ay mamuhay ng healthy. Dapat magkaroon ng healthy lifestyle upang hindi dapuan ng mga sakit.
Ilan lamang ito sa mga opsyon upang maiwasan ang prostate cancer. Kumain ng mga masusustansyang pagkain, ugaliing mag-ehersiyo. Iwasan ang mga pagkaing may mga preservatives. Pagpapanatili sa normal na timbang na aplikable sa inyong tangkad.
Inilista pa namin ang ilang mga paraan para mabawasan ang iyong risk sa pagkakaroon ng prostate cancer. Ito ay ang mga sumusunod:
-
Kumain ng mga masustansiyang pagkain
Kumain ng mga masustansiyang pagkain katulad na lamang ng mga prutas at gulay. Subalit tandaan na dapat balanse dapat ang pagkain. Sa ganitong paraan mag-i-improve ang iyong over all health at titibay ang iyong resistensya.
Makakatulong ang pag-eehersiyo araw-araw para mas maging healthy ang iyong pangangatawan. Ang pag-eehersisyo ay nakakatulong din upang mapaunlad ang iyong mood at ma-maintain ang iyong timbang.
Subukan na mag-ehersiyo araw-araw subalit kung hindi kakayanin na makapag-ehersisyo araw-araw ay pilitin na makapag-ehersiyo maraming beses sa isang araw.
-
Panatalihin ang healthy weight
Kung nasa normal na ang iyong timbang at panatilihin na ito. Ang pagkakaroon ng healthy diet at regular na pag-eehersiyo ay makakatulong para ma-maintain ang timbang.
Kapag naman kinakailangan na mabawasan ng timbang ay mas mainam na mag-exercise ng mas madalas. Gayundin, bawasan ang iyong calorie.
Makakatulong na kumonsulta saisang dietitian para matulungan ka sa iyong meal plan.
Prostate Cancer Symptoms: Sintomas, Gamot At Paano Maiiwasan? | Image from shutterstock
Ugaling magpakonsulta sa doktor kahit na wala pang nararamdamang kahit anong sintomas ng prostate cancer upang maagapan agad ito kung made-detect ito ng maaga. Huwag matakot marami ang pamamaraan upang gumaling sa sakit na ito lalo na kung maagapan agad.
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!