Ang mga sintomas ng sakit sa bato minsa’y hindi mo agad mararamdaman. Ngunit mahalagang iyong malaman para agad na maagapan at malunasan. Paano nga ba malalaman na may sakit sa bato? Anu-ano ba ang sintomas ng sakit sa kidney?
Talaan ng Nilalaman
Ano ang kidney stones?
Ang kidney stones ay sakit sa bato na nagdudulot ng hirap at sakit sa pag-ihi. Ito ay ang pagkakaroon ng “bato sa loob ng bato” na lumalaki at kayang sakupin ang iyong kidney. Gawa ito sa hard collections ng minerals at salts na binubuo ng calcium o uric acid. Nabubuo ito sa loob ng kidney at maaaring mag-travel papunta sa iba pang parte ng urinary tract.
Kapag hindi naagapan, ang mga kidney stones ay magdudulot ng komplikasyon sa kidney at maaaring kailanganin na ng surgery para malunasan.
Kaya naman importanteng malaman ang sintomas ng sakit sa bato o kidney stones para hindi na ito lumala at agad na malunasan.
Sintomas ng sakit sa bato o kidney stones
Paano mo malalaman na may sakit ka sa bato? Narito ang mga sintomas ng sakit sa kidney stone na dapat mong bantayan:
- Sobrang pananakit sa tagiliran at likod, pati sa ibabang bahagi ng ribs
- Sakit na umaabot sa ibaba ng tiyan at singit
- Hirap at sakit sa pag-ihi
- Sakit na pasumpong-sumpong at mas lumalakas
- Kulay pink, pula o brown sa ihi
- Cloudy o foul-smelling na ihi
- Pagsusuka at pagduduwal
- Madalas na pag-ihi
- Pag-ihi na hindi katulad ng usual na ginagawa
- Lagnat at pangangatog
- Pag-ihi ng konti
Ang sakit na dulot ng kidney stones ay pabago-bago. Ito’y maaaring lumipat sa iba’t ibang lokasyon sa iyong urinary tract.
Kung makaranas ng sintomas sa sakit sa bato ay agad na magpunta sa doktor lalo na kung maramdaman pa ang sumusunod na palatandaan o sintomas ng sakit sa kidney stone:
- Sobrang pananakit na hindi muna kayang maupo o makahanap ng komportableng posisyon
- Pananakit na sinasabayan ng pagsusuka o pagduduwal
- Pananakit na may kasamang lagnat at panginginig
- Dugo sa ihi
- Hirap sa pag-ihi
Ang pagkakaroon ng kidney stones ay dulot ng iba’t-ibang dahilan ngunit mas tumataas ang tiyansang magkaroon nito dahil sa sumusunod:
Risk factors ng pagkakaroon ng sakit sa bato
Family o personal history
Kung mayroong isa sa inyong pamilya ang nagkaroon ng kidney stones ay malaki ang tiyansang magkaroon ka rin nito. Ganoon din kung nagkaroon ka na ng kidney stones bagama’t natanggal o nawala na ay maaari pa rin itong bumalik.
Dehydration
Ang pag-inom ng hindi sapat na dami ng tubig sa isang araw ay mas nagpapataas ng tiyansa mong makaramdam ng sintomas sa sakit sa bato.
Lalo na ang mga nakatira sa maiinit na lugar at nagpapawis ng sobra ay mas mataas ang tiyansang magkaroon nito.
Certain diets
Ang pagkain ng mga pagkaing may mataas na protein, salt, sodium at sugar ay nagpapataas din ng tiyansa ng pagkaroon ng sakit sa bato.
Dahil ang mga maaalat na pagkain, halimbawa ay nagpapataas ng amount ng calcium sa kidney na bumubuo naman sa kidney stones.
Pagiging obese
Ang pagiging obese o pagkaroon ng mataas na BMI o body mass index ay naiuugnay rin sa pagkakaroon ng kidney stones. Ang pagtaas ng timbang ay isa rin sa mga sanhi ng pagkakaroon ng sakit sa bato
Digestive diseases at surgery
Ang pagsailalim sa mga gastric bypass surgery at pagkakaroon ng inflammatory bowel disease o chronic diarrhea ay nagdudulot ng pagbabago sa digestive process ng isang tao. Ito ay nakakaapekto naman sa absorption ng calcium at water ng katawan na nagpapataas ng level ng stone-forming substance sa ihi.
Iba pang medical conditions
May mga medical conditons din ang maaaring magpapadagdag ng tiyansa mong makaramdam ng sintomas ng sakit sa bato. Ilan sa mga ito ay ang renal tubular acidosis, cystinuria, hyperparathyroidism at iba pang urinary tract infections.
Pag-inom ng ilang gamot
Kung umiinom ka ng mga sumusunod na gamot ay mataas din ang tiyansa na magkaroon ka ng kidney stone.
- Calcium-based antacids na karaniwang ginagamit para gamutin ang osteoporosis
- Topamax at Dilatin para sa seizures
- Ceftriaxone na isang antibiotic
- Diuretics o water pills
- Crixivan na ginagamit sa paggamot ng HIV infections
Kung gumagamit o nagte-take ng mga nabanggit na gamot mahalagang sundin ang recommended dosage ng iyong doktor para maiwasan na humantong ito sa pagkakaroon ng kidney stones.
Paano malalaman na may sakit sa bato?
Bukod sa pagtukoy sa mga sintomas ng sakit sa bato, mahalaga ring magpatingin sa doktor para matiyak kung sakit nga ba sa kidney stones ang dinaranas.
Narito ang paraan paano mo malalaman na may sakit ka sa bato:
Para matukoy at matiyak na sintomas ng sakit sa bato nga ang dinaranas, maaaring irekomenda ng iyong doktor na sumailalim ka sa mga sumusunod na tests:
Blood test
Sa pamamagitan ng test na ito ay matitingnan kung mayroong infection sa iyong kidney. Malalaman din dito kung maayos ang function ng iyong kidney at kung mayroong biochemical problems ba na posibleng humantong sa pagkakaroon ng kidney stones.
Imaging tests tulad ng X-ray, CT scan, at Ultrasound
Sa mga test na ito makikita ng iyong doktor ang actual na laki, sukat, at dami ng mga bato sa iyong kidney. Bukod pa rito, malalalaman din ng iyong healthcare provider kung saang bahagi naroon ang mga kidney stones. Sa pamamagitan nito, mas maayos na makapagdedesisyon ang iyong doktor kung anong klaseng paggamot ang angkop sa iyong sitwasyon.
Urine test
Ito ang pinakakaraniwang paraan para malaman kung ikaw ay may sakit sa bato. Sa pamamagitan ng pagtest sa iyong ihi posibleng malaman ang mga senyales ng impeksyon. Bukod pa rito, matitingnan din dito ang level ng substances na bumubuo sa iyong kidney stones.
Bato sa apdo
Hindi lang sa kidney maaaring magkaroon ng bato, puwede rin na magkaroon ng stones sa iyong apdo o gall bladder. Paano malalaman na may sakit sa bato sa apdo?
Ang bladder stones o bato sa apdo ay hard mass ng minerals sa apdo. Nabubuo ito kapag ang concentrated urine ay nag-crystallize at naging bato. Karaniwan itong nangyayari kapag hirap kang umihi.
Narito ang mga sintomas ng bato sa gall bladder na dapat mong bantayan.
Paano malalaman na may sakit sa bato sa apdo?
- Cloudy o unusual na kulay ng ihi
- Matingkad na kulay ng ihi
- Pakiramdam na maya’t maya naiihi
- Dugo sa ihi
- Pananakit tuwing naiihi
- Hirap sa pag-ihi o paputol-putol ang daloy ng ihi
- Pananakit ng lower abdomen
Kapag maliit lang ang bato sa apdo ay maaari pa itong magamot ng medications. Pero minsan, may mga pagkakataon kung saan ay kinakailangan na surgery para gamutin ang bato sa apdo.
Mahalagang magpatingin sa iyong doktor para matiyak kung sintomas ba ng sakit sa bato sa apdo ang nararanasan. Importante ito para malapatan ng tamang paggamot ang karamdaman.
Sakit sa kidney sintomas
Bukod sa pagkakaroon ng kidney stones, mayroon pang ibang sakit sa kidney. Ano nga ba ang sintomas ng may sakit sa kidney? Magpatuloy lamang sa pagbabasa, mommy and daddy!
Mahalagang malaman ang sintomas ng sakit sa kidney bukod pa sa sintomas ng kidney stone. Ito ay dahil magkakaiba ang posibleng paggamot na irekomenda ng iyong doktor depende sa uri ng sakit sa bato.
Bukod sa pagkakaroon ng kidney stones, narito pa ang ibang sakit sa kidney na posibleng maranasan:
Urinary tract infections
Ang uniray tract infections (UTI) ay sakit na dulot ng bacterial infections sa ano mang bahagi ng urinary system. Pinakakaraniwang naaapektuhan ng impeksyon na ito ay ang apdo o bladder at urethra. Hindi naman dapat ikabahala ito dahil madali naman itong gamutin. Kaya lamang, kung pababayaan ay posibleng kumalat ang impeksyon sa kidneys at magdulot ng kidney failure.
Glomerulonephritis
Ito ay pamamaga o inflammation sa glomeruli. Ang glomeruli ay maliliit na structures sa loob ng kidneys na silang nagfifilter ng dugo. Maaaring sanhi ng sakit na ito ay impeksyon, gamot, o disorder na nakaapekto sa isang tao matapos na ito ay ipanganak o tinatawag ding congenital abnormalities. Karaniwan din namang gumagaling ng kusa ang glomerulonephritis.
Polycystic kidney disease
Genetic disorder ang polycystic kidney disease na nagdudulot ng pagkakaroon ng maraming maliliit na sacs ng fluid o cysts sa loob ng kidneys. Ang mga cysts na ito ay maaaring maka-interfere sa function ng kidney at humantong sa pagkakaroon ng kidney failure.
Sintomas sakit sa kidney
Mahalagang ipaalam sa iyong doktor ang ano mang sintomas o senyales na iyong nararanasan. Ito ay upang maayos na masuri ng iyong doktor ang mga sintomas kung anong klase ba ng sakit sa kidney ang iyong dinaranas.
Narito ang mga karaniwang sintomas ng may sakit sa kidney:
- Maya’t maya naiihi lalo na tuwing gabi
- Pamamaga ng paa at bukong-bukong
- Pananakit ng muscles
- Hirap sa pagtulog
- Labis na pagkapagod
- Hirap na mag-concentrate
- Pamamaga ng paligid ng mata sa umaga
- Panunuyo ng balat
- Kawalan ng ganag kumain
Samantala narito naman ang mga sintomas na malala ang sakit sa bato:
- Kawalan ng ganang makipagtalik
- Biglang pagtaas ng level ng potassium
- Pagduwal at pagsusuka
- Kawalan ng ganang kumain
- Fluid retention
- Pamamaga sa pericardium o pagkakaroon ng sac na may fluid na bumabalot sa puso.
- Pagbabago sa dami at kulay ng ihi.
- Pagkakaroon ng anemia dahil sa pagbaba ng level ng red blood cells.
Kapag nakaranas ng mga nabanggit na sintomas ay agad na magpakonsulta sa doktor para malapatan agad ng tamang paggamot ang sakit sa bato.
Karagdagang impormasyon sinulat ni Jobelle Macayan
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.