Sintomas ng sakit sa puso sa babae
Ayon sa nakagawian, ang mga babae raw ang kadalasan na madaling tamaan ng heart attack. Samakatuwid, ang sign ng heart attack sa mga babae ay masasabi talagang nakababahala kapag nangyari. Ito ang dahilan kung bakit delikado ang sakit na ito para sa mga kababaihan.
Isa sa mga paniniwala ng mga tao, ang biglaang pagsakit ng dibdib ay isang common warning sign ng heart attack. Ngunit mabuting tandaan na hindi lang ito ang sintomas nito lalo na sa mga kababaihan.
Mahalagang malaman ng lahat ang mga signs ng heart attack.
Photo: Shutterstock
Ang mga sintomas ng sakit sa puso sa babae
Kung ang mga signs na ito ay lagi mong nararanasan, mabuting pumunta na agad sa pinakamalapit na ospital para maagapan ito.
1. Unusual fatigue
Karamihan sa mga nanay ay madalas na abala sa mga pang araw-araw na gawain kaya lagi silang nakakaramdam ng pagod. Gayun pa man, kung nakakaranas ka ng biglaang pagkapagod na hindi normal s nakagawian, kailangan mo nag mag patingin sa iyong doctor. Ngunit ano nga ba ito?
- Kung ikaw biglaang napagod na hindi normal sa nakagawian.
- Kahit na wala ka pang ginagawa ay makakaramdam ka na ng biglaang pagkapagod o tila may mabigat sa dibdib. Katulad na lamang ng pag-aayos ng iyong higaan o sandaling paglalakad.
- Nagigising ka biglaan sa gabi kahit na alam mong pagod ka.
2. Malamig na pawis, hirap sa paghinga at pagkahilo
Sa pagtanda ng tao, ang kakulangan sa ehersisyo at biglang pagtaas ng timbang ay maaaring magdulot ng hirap sa paghinga. kapag menopause ang babae, kadalasan siyang nakakaranas ng pagrereklamo sa mga hot flashes nito. Pero maaring mangyari ang heart attack kung nahihirapan kang huminga. Katulad na lamang kapag nahihirapan ka sa paghinga pero hindi ka naman gumalaw.
Ang mga sign:
- Biglaang pagpawis at hirap sa paghinga kahit na wala kang ginagawa
- Pagiging malala ng paghinga pagkatapos ng gawain
- Paglala sa hirap na paghinga sa paghiga o pag-upo
- Panlalamig
- Pagpapawis o sumasakit ang dibdib habang nahihirapan sa paghinga
3. Pananakit sa maraming bahagi ng katawan
Madalas sa katawan ng tao, kapag may masakit na parte nito ay kadalasang apektado na rin ang ibang bahagi ng katawan. Sa ganitong kaso, ang pananakit ng kamay, likod, leeg, tyan o panga ay isang signal ng sakit sa puso. Kung ang patuloy pa din ang sakit nito kahit na binibigyang lunas mo na, mabuting magtingin kana sa iyong doktor.
4. Pananakit ng dibdib
Maaring ito ay kapag nararamdaman mo na parang may kung anong bagay ang pilit na umiipit sa dibdib mo. Kadalasan nitong tumatagal ng ilang mga minuto ngunit bumabalik din agad.
Ang kaibahan ng heart attack sa babae at lalaki
Ayon sa isang pag-aaral ng Cedars-Sinai Medical Center in Los Angeles, California, ito ang mga sintomas ng heart attack sa babae:
1. Women experience heart attacks without blocked arteries
Ayon sa pag-aaral ng Cedars-Sinai nasa 8% ng kababaihan ang mayroong pilat sa puso na isang indikasyon ng heart attack, kahit na walang nakabara sa kanilang arteries. Ang ilan sa mga kababaihang ito ay hindi pa na-diagnose ng may hear attack sila kahit na mayroong pilat ang kanilang puso. Ngunit pagkatapos ng isang taon, nadiskubre ng mga doctor na dalawa sa kanila ay nakitaan ng bagong pilat sa puso at na-confine dahil sa pagsakit ng kanilang dibdib (pero hindi sila kailanman na-diagnose ng heart attack)
2. Heart attack without chest pressure
Ayon kay Nieca Goldberg na isang doctor sa NYU’s Langone Medical Center, ang mga babae daw ay nakakaranas ng heart attack kahit na wala silang nararamdamang pagsikip ng puso. Sa makatuwid, makakaranas ang mga ito ng hirap sa paghinga, matinding pressure sa lower chest at pagkahilo.
3. Uppber back pressure
Ayon kay Dr. Goldberg may ibang kaso naman sa mga kababaihan pagdating sa kanilang upper back pressure. Makakaramdam ka ng parang dahan-dahang pag pulupot ng isang lubid sa iyong katawan. Dahil dito, mas mabuting pagbigyang pansin ng mga kababaihan ang kanilang kalagayan kung nakakaranas sila ng ganitong mga signs.
Prevention of heart attack in women
Ang heart disease ay isang sakit na kaya nating maagapan pa. Narito ang mga bagay na pwede mong gawin upang makaiwas dito:
- Maglaan ng oras para sa iyong check up.
- Tigilan na ang paninigarilyo. Malaki ang tyansa na makaiwas sa coronary heart disease kung ititigil mo na ito.
- Ugaliin mag ehersisyo. Ang paglalakad kahit na 30 minutes sa isang araw ay makapagpababa ng tyansa sa heart attack at troke.
- Siguraduhing healthy ang iyong mga kinakain. Kung kinakailangan magbago ng iyong meal plan, baguhin ito. Para na rin tuluyang ma-improve ang iyong katawan.
Ano ang dapat sabihin sa iyong doctor?
- Ibahagi ang simtomas na nangyari sa’yo at kung kailan sila madalas na lumalabas.
- Ikwento ang family history ng inyong mga sakit
- Sabihin kung ano ang iyong mga problema, stress o mga pangyayaring maaring nakakaapekto sa iyong kalagayan.
Mga first aid sa heart attack ng kababaihan
Kung sakaling umatake ang iyong heart attack nang mag-isa ka, sundin lang ang mga steps na ito. Kung may makakatulong naman sa iyo, maaari silang umalalay.
- Umupo, magpahinga at panatilihing kalmado.
- Tanggalin ang mga mahihigpit na damit na suot. (katulad ng bra, belt o sapatos)
- Kung mayroon kang gamot para sa puso, inumin agad ito.
- Sa loob ng 3 minutes na walang nangyayari pagkatapos ng lahat na ito at hindi pa rin nawawala, humingi na ng tulong.
Mga dapat na ‘wag gawin
- ‘Wag iiwanan ang taong inaatake sa puso
- Iwasan na intaying maalis muna ang sintomas bago humingi ng tulong.
- Huwag bibigyan ang taong inaatake sa puso ng ano mang pagkain o inumin unless na ito ay ang kaniyang gamot.
If you want to read an english version of this article, click here.
Basahin: Moms with more kids have higher risk of heart attack: study
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!