Magkaiba ang sleep apnea sa mga matatanda at sa bata, mula sa sintomas hanggang sa sanhi nito. Upang makasiguro, alamin ang mga sintomas ng sleep apnea na dapat bantayan sa iyong anak.
Sleep apnea o paghilik in tagalog
Ang pediatric obstructive sleep apnea o paghilik in tagalog ay isang uri ng sleep disorder kung saan nagkakaroon ng bahagya o permanenteng bara ang paghinga ng bata tuwing natutulog. Ito ay dulot ng pagsikip o pagkabara sa upper airway sa pagtulog.
Ang kadalasang sintomas ng sleep apnea o paghilik in tagalog sa matatanda ay pagkaantok sa araw, at ang madalas na sanhi naman ay obesity. Sa pediatric obstructive sleep apnea naman, ang sintomas ay problema sa pag-uugali, at ang kadalasang sanhi ay paglaki ng adenoids at tonsils ng bata.
Mahalagang ma-diagnose agad ang batang may sintomas ng sleep apnea, upang mapigilan ang kumplikasyon na maaaring makaapekto sa kanyang paglaki, cognitive behavior, at development.
Sintomas ng sleep apnea na dapat bantayan
Kung napapansin mo ito sa iyong anak habang siya ay natutulog:
- Paghilik
- Pagtigil sa paghinga
- Hindi maayos na pagtulog
- Snorting, pag-ubo, o pagkasamid
- Naiihi sa kama
- Sleep terrors
- Humihinga sa bibig imbis na sa ilong
Ang mga sanggol at bata ay hindi laging humihilik, ang iba sa kanila ay magkakaroon lamang ng hindi maayos na pagtulog.
Sa araw, obserbahan din ang mga sintomas na ito:
- Kung mahina ang performance sa eksuwela
- Nahihirapan mag-focus
- May problema sa pagkatuto
- May problema sa pag-uugali
- Nahihirapan magdagdag ng timbang
- Kung siya ay hyperactive
Bantayang mabuti ang mga sintomas na ito, upang maiwan ang misdiagnosis sa iyong anak. Isang ina ang nagbahagi ng kaniyang karanasan, nang makailang beses namisdiagnose ang kanyank anak, hanggang matunton nila na ang bata ay may sleep apnea pala.
Sanhi ng sleep apnea na dapat bantayan
Ang kadalasang condition na nagreresulta sa pagkakaroon ng sleep apnea ng mga bata ay enlarged tonsils at adenoids. Ngunit ang iba pang maging factors at obesity, craniofacial anomalies, at neuromuscular disorders.
Risk factors ng sleep apnea
Maaaring magkaroon ng sleep apnea ang iyong anak kung siya ay mayroong:
- Down syndrome
- Abnormalities sa bungo o mukha
- Cerebral palsy
- Sickle cell disease
- Neuromuscular disease
- History ng mababang timbang
- Family history ng obstructive sleep apnea
Komplikasyon sa sleep apnea ng bata
Kung hindi agad maagapan ang sintomas ng sleep apnea, maaari itong mauwi sa stunted growth, heart problems, at pati pagkasawi ng bata.
Gamot sa paghilik ng bata
May gamot ba sa paghilik ng mga bata? Ayon sa medikal na paliwanag, may iba’t ibang uri ng treatment para sa pediatric obstructive sleep apnea na maaaring irekomenda ng inyong doktor, kabilang na ang:
- Medications
- Pagtanggal ng tonsils at adenoids
- Positive airway pressure therapy
- Oral appliances
Mayroon din namang alternatibong gamot sa paghilik ng bata. Ito ay ang pagbago ng inyong bahay at lifestyle upang makatulong sa sleep apnea.
Iwasan ang airway irritants at allergens. Lahat ng bata, ngunit mas lalo na ang may sleep apnea, ay dapat iwasan ang usok mula sa tabako at sigarilyo, pati na ang ibang inddor pollutants at allergens, dahil maaaring mairita at mabarahan nito ang kanilang airway.
Weight loss. Maaaring irekomenda ng doktor na magbawas ng timbang ang iyong anak kung siya ay obese.
Bago magtungo sa iyong doktor, makatutulong na ihanda at ilista ang mga sumusunod:
- Ang sintomas ng sleep apnea ng iyong anak, pati na ang tingin mo ay walang kinalaman dito.
- Lahat ng gamot, vitamins, at supplements na iniinom ng iyong anak, pati ang dosage nito.
- Mga tanong sa iyong doktor.
Source: Mayo Clinic
Basahin: Paano maiiwasan ang paghilik?
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.