Mga rason kung bakit dapat iwasan na mag-sex sa tubig

Nakaka-excite man na magtalik sa tubig, maraming dahilan upang iwasan na gawin ito—kabilang na ang posibilidad na magkaroon ng STD dahil dito.

Ang pakikipagtalik sa tubig o sex in water ay exciting pero hindi ang mga sakit at panganib na maaring idulot nito lalo na sa mga kababaihan—katulad na lang ng sintomas ng STD.

Image from rebelcircus.com

Nakakadagdag ng excitement o sigla sa pagsasama ng dalawang magpartner ang pagsubok ng mga bagay na kakaiba tulad ng pagsesex o pakikipagtalik sa tubig. Ngunit, habang kayo ay natutuwa sa excitement na binibigay nito, hindi naman ito ligtas para sa kalusugan mo.

Una, dahil hindi ito malinis.

Ang tubig ay isa sa mga pinamamahayan ng mga bacteria na nakakapagdulot ng sakit tulad ng E.coli at Salmonella. Mas marami nga ang numero ng mga bacteriang ito sa mga natural bodies of water tulad ng ilog, dagat at mga lawa na bukas sa kung sino mang puwedeng gumamit (kasama na ang mga hayop) ano mang oras.

Kahit ang mga pools o iba pang private bodies of water na may hindi tamang pH level ay hindi ligtas sa mga mapanganib na bacteria. Kaya naman ang pakikipagtalik sa tubig ay mas nagbibigay oportunidad para sa mga nasabing bacteria na pasukin ang iyong katawan sa pamamagitan ng pagdaan sa iyong vaginal canal, ayon ito sa woman’s health expert na si Dr. Jennifer Wider.

Pangalawa, ang tubig ay hindi magandang lubricant.

Ayon naman ito kay Dr. Jessica Shepherd, isang gynecologist mula sa Baylor University. Maaring basa man ang iyong pakiramdam dahil ikaw ay nasa tubig ngunit hindi naman ito magtatagal dahil ang tubig mismo ang mag-aalis ng natural lubricant na nilalabas ng iyong katawan. Ito naman ay sinabi ni Dr. Antonio Pizarro, isang board-certified gynecologist mula sa Shreveport, Louisiana.

At dahil nga sa pagkawala ng natural lubricant ng iyong katawan, ang pakikipagtalik sa tubig ay maaring magdulot sayo ng vaginal tearing o pagkakaroon ng punit sa iyong vagina.

Ngunit, hindi lamang ang friction o pagkikiskisan sa pakikipagtalik ang maaring maging dahilan nito. Dahil pati narin ang mga bacteria at kemikal na nasa tubig ay maari ding magdulot ng micro tears o maliit na punit sa iyong vaginal mucous membrane na mas nagpapataas ng tiyansa mong magkaroon ng impeksiyon. Ayon naman ito kay Dr. Sara Twogood, isang professor ng clinical obstetrics at gynaecology ng Keck School of Medicine sa California.

Maaring ang iba sa atin ay nag-aakala na ang pakikipagsex sa tubig ay isang paraan para maiwasan ang pagbubuntis. Para sa inyong kaalaman, mali ang inyong inaakala.

“Maari paring mabuntis ang isang babae kapag nakikipagtalik sa tubig, kaya huwag ninyong isipin na isa itong uri ng contraception”, ayon parin iyan kay Dr. Jennifer Wider. At kahit gumamit kayo ng condom, mapupunit lang din ito dahil sa mas mataas na friction kapag nawala na ang natural lubricant ng iyong katawan, dagdag pa niya.

Ang pakikipagsex sa tubig ay isang paraan rin para magkaroon ka  ng UTI dahil sa mga bacteria na maaring pumasok sa iyong urethra habang nakikipagtalik, ayon parin ito kay Dr. Jennifer Wider.

Ang UTI o Urinary Tract Infection ay nangyayari kapag pinasok ng isang bacteria tulad ng E.coli ang ating urethra, ang tubong dinadaanan ng ihi mula sa ating bladder o pantog palabas sa ating katawan. Mula sa urethra, ang bacteria ay aakyat sa ating pantog na kung saan doon nakaimbak ang ating ihi na nagiging paraan para dumami ito at kumalat sa ating urinary tract system. Ang pagdami ng bacteria ang nagiging sanhi upang mas mapalakas ito at mauwi sa UTI o urinary tract infection.

Ilan sa sintomas ng UTI ay ang mga sumusunod:

  • Pagkaramdam ng sakit kapag umiihi
  • Madalas na pag-ihi o pagka-balisawsaw
  • Lagnat at panlalata
  • Mabahong amoy at malabong ihi
  • Pananakit ng puson at balakang
  • Dugo sa ihi

Nagagamot ang UTI sa pamamagitan ng pag-inom ng antibiotics sa loob ng isang linggo. Kinakailangang makumpleto ang pag-inom nito upang tuluyang mamatay ang mga bacteria na nagdudulot ng impeksyon.

Gaya ng UTI, may isa pang uri ng impeksyon sa may vaginal area ang maari kang magkaroon dahil sa pakikipagsex sa tubig. Ito ay ang yeast infection.

Dahil ito sa pagbabago ng pH level ng iyong vagina habang nakikipagsex sa tubig na mas nagpapataas ng tiyansa mong magkaroon nito, dagdag naman iyan ni Dr. Jessica Sheperd.

Tulad ng sintomas ng UTI makakaranas rin ng pangangati sa vaginal area at hapdi sa pag-ihi ang babaeng meron nito. Ngunit sinasabayan ito ng pamamaga sa paligid ng vagina, maputi na may kakapalang discharge at pananakit habang nakikipagtalik.

Ilan sa gamot sa yeast infection ay ang pagpapahid ng anti-fungal cream o ointment o paginom ng mga oral medications tulad ng fluconazole.

Isa pang nakakabahalang sakit na maari mong makuha sa pakikipagtalik sa tubig ay ang STD o Sexually Transmitted Disease.

Mas tumataas nga ang posibilidad na magkaroon ka nito dahil sa mga vaginal tears na dulot ng pakikipagsex sa tubig. Ang mga vaginal tears na ito ang isang paraan para mapasok ng STD virus ang katawan mo, ayon ulit ito kay Dr. Jennifer Wider. Lalo pa at walang kasiguraduhan kung sino ang iba pang naliligo o nagswiswimming sa mga pampublikong lugar tulad ng swimming pools na maaring maaring may dala ng sakit na ito.

Ang STD o Sexually Transmitted Disease na kilala rin sa tawag na “tulo” ay isang sakit na nakukuha sa pakikipagtalik o sex. Ngunit, kumakalat din ang virus ng sakit na ito sa pamamagitan ng pagkakaroon ng contact sa mga infected na body fluids tulad ng dugo, vaginal fluids at semen ng isang lalaki. Pwede rin itong humawa sa taong may impeksyon sa balat o sugat tulad na nga ng vaginal tear na nakukuha sa pakikipagsex sa tubig.

Tulad sa sintomas ng UTI at yeast infection, makararanas din ng sakit sa pag-ihi at pangangati sa genital area ang taong mayroong STD. Ngunit mas may kapansin-pansin na sintomas ng STD, ilan sa mga ito ay ang sumusunod:

  • Pamumula sa paligid ng ari
  • Sugat, bukol o warts sa paligid ng anus, bibig at ari
  • Lagnat at sakit sa katawan
  • Mabahong discharge sa ari
  • Jaundice o paninilaw ng balat
  • Sakit sa pakikipagtalik
  • Pagdurugo sa mga babae kahit walang regla

Ang STD na nakuha sa pamamagitan ng bacteria tulad ng chlamydia, gonorrhea, at syphilis ay maaring mabigyan ng lunas sa pamamagitan ng antibiotics. Ngunit ang STD na nakukuha sa virus tulad HIV ay wala paring nakikitang lunas hanggang sa ngayon. Kaya naman upang makaiwas sa sakit na ito ay dapat laging panatilihing malinis ang katawan at isagawa ang safe sex.

Ang pakikipagtalik nga sa tubig ay isang paraan para mas bigyan ng excitement ang inyong paglolove-making. Pero sa kaakibat na peligro nito, mabuti paring gawin ang inyong sexy quality time ng iyong partner sa lugar na malinis at tuyo.

 

Sources: STD Check, Plush Care, Young Womens Health, Women’s Health, Women’s Health

Photo: Rebel Circus

Basahin: Ano ang pakiramdam ng anal sex? Willing ka bang subukan ito?