X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

5-anyos nagkaroon ng stroke habang naglalaro sa isang play place

4 min read
5-anyos nagkaroon ng stroke habang naglalaro sa isang play place

Narito ang mga sintomas ng stroke na maari rin palang maranasan ng mga bata. Basahin ito para sa mas maraming impormasyon.

Sintomas ng stroke na pala ang naranasan ng isang 5-anyos na batang babae habang masaya itong naglalaro sa isang play place. Mga doktor na tumingin sa bata sinabing ngayon lang sila nakakita ng batang nakaranas ng naturang kondisyon.

sintomas ng stroke

Image from DailyMail UK

Batang kinakitaan ng sintomas ng stroke

Masayang naglalaro ang magkapatid na sina Freya Watson, 5-anyos at Charlie Mae, 7-anyos sa isang playhouse sa Hedon, England. Ngunit, hindi pa man sila nagtatagal sa paglalaro ay bigla nalang umanong nagtatakbo si Charlie Mae sa kaniyang ina at sinabing may kakaibang nangyayari sa kapatid niya na si Freya.

Kaya naman agad na pinuntahan ito ng kanilang ina at doon niya nakita si Freya na sumisigaw sa sakit. Maya-maya ay sinundan ito ng panginginig ng katawan ng bata na labis na ikinabahala ng kanilang ina na si Sarah.

“We hadn’t even been there fifteen minutes, kids fall over all the time so I wasn’t initially that concerned.”

“I went over and her eyes were half open and she was screaming in pain. Then she started convulsing and I started to panic.”

Ito ang pag-aalala ni Sarah Watson sa nangyari sa anak.

Nang nasa ospital na ay doon nalaman ni Sarah Watson ang tunay na nangyari sa anak. Ito ay nakaranas pala ng sintomas ng stroke na dulot ng ruptured brain aneurysm.

Dahil sa nangyari ay pansamantalang hindi naigalaw ni Freya ang kaliwang bahagi ng kaniyang katawan.

Bagamat nag-improve ang kondisyon niya sa pang-apat na araw niya sa ospital at siya ay muling nakapagsalita na. Ginulat niya naman ang kaniyang mga magulang sa sumunod na araw ng sabihin niyang hindi siya makakita. Saka sinundan ito ng mas maraming seizures na mas malala kumpara ng sa una.

Ayon sa doktor na tumingin kay Freya, aabutin ng dalawang taon ang recovery process niya. Ngunit, hindi naman nawawalan ng pag-asa ang mga magulang niya na naniniwalang magiging maayos ulit ang kalusugan ng anak.

Brain aneurysm

Ang brain aneurysm ay isang umbok o lumubong blood vessel sa utak ng tao. Maari itong pumutok at magdulot ng pagdurugo sa utak na nakamamatay.

Ang pagdurugong ito ay kilala rin sa tawag na subarachnoid haemorrhage, isang kakaibang uri ng stroke.

Maaring mag-develop ang brain aneurysm sa kahit anong edad. Ngunit bibihira na maranasan ito ng mga bata. Hindi rin ito nagpapakita ng sintomas puwera nalang kung ito ay pumutok na. Ito ay ayon sa Boston Children’s Hospital.

Sa kaso ni Freya ay hindi pa tukoy kung bakit pumutok ang aneurysm niya. Ngunit base sa American Stroke Association ang aneurysm ay maaring pumutok kapag may umakyat na pressure sa utak dulot ng pagbubuhat ng mabigat. Pati na ang pagtaas ng blood pressure dulot ng mga strong emotions tulad ng pagkagalit.

Ang ilan risk factors naman ng pagputok ng brain aneurysm sa mga bata ay ang sumusunod:

  • Pagkakaroon ng heart defect noong ipinanganak
  • Blood disorder tulad ng sickle cell disease
  • Injury sa artery na nagdadala ng oxygen sa utak
  • Dehydration
  • Genetic disorders tulad ng Moyamoya
  • Infection tulad ng meningitis at chickenpox

Sintomas ng stroke dulot ng pumutok na brain aneurysm

Samantala ang mga sintomas ng stroke na dulot ng pumutok na brain aneurysm ay ang sumusunod:

  • Numbness o weakness sa isang bahagi ng mukha, braso o binti.
  • Pagkalito o hirap sa pagsasalita
  • Blurred o double vision
  • Hirap maglakad dahil sa pagkahilo o kawalan ng balanse o koordinasyon ng katawan
  • Matinding pananakit ng ulo
  • Kawalan ng malay
  • Pagiging sensitive sa liwanag

Sa oras na mapansin ang mga sintomas ng stroke sa isang tao ay dapat dalhin agad ito sa doktor upang maagapan at agad na malunasan ang kaniyang kondisyon.

Ang ilan sa paraan para malunasan ang brain aneurysm ay sa pamamagitan ng surgery o medications na mag-rerestore ng blood flow sa utak at mag-aalis ng sakit na dulot nito.

Source: DailyMail UK, Stroke.org, Mayo Clinic, Web MD, Kid’s Health

Basahin: Mga newborn puwedeng magkaroon ng stroke!

 

 

 

 

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Kalusugan
  • /
  • 5-anyos nagkaroon ng stroke habang naglalaro sa isang play place
Share:
  • Ano ang Stroke? Sintomas, sanhi, at paraan para maiwasan ito

    Ano ang Stroke? Sintomas, sanhi, at paraan para maiwasan ito

  • Pagpapasuso nakakababa raw ng panganib ng stroke!

    Pagpapasuso nakakababa raw ng panganib ng stroke!

  • Mom shocked to discover second pregnancy just three months after delivery

    Mom shocked to discover second pregnancy just three months after delivery

  • Sylvia Sanchez nangangamba sa paglipat ni Ria Atayde: "Pag bahay mo, hindi dapat maging tambayan."

    Sylvia Sanchez nangangamba sa paglipat ni Ria Atayde: "Pag bahay mo, hindi dapat maging tambayan."

  • Ano ang Stroke? Sintomas, sanhi, at paraan para maiwasan ito

    Ano ang Stroke? Sintomas, sanhi, at paraan para maiwasan ito

  • Pagpapasuso nakakababa raw ng panganib ng stroke!

    Pagpapasuso nakakababa raw ng panganib ng stroke!

  • Mom shocked to discover second pregnancy just three months after delivery

    Mom shocked to discover second pregnancy just three months after delivery

  • Sylvia Sanchez nangangamba sa paglipat ni Ria Atayde: "Pag bahay mo, hindi dapat maging tambayan."

    Sylvia Sanchez nangangamba sa paglipat ni Ria Atayde: "Pag bahay mo, hindi dapat maging tambayan."

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.