Narito na ang mga sintomas ng sakit sa puso na dapat mong bantayan!
Ang ating puso ang pinakaimportanteng bahagi ng ating katawan. Ito ang nagsusupply ng dugo at oxygen sa ating buong katawan. Kapag hindi ito gumana ng maayos, magiging mahirap para sa atin ang mabuhay.
Kaya naman hangga’t maaari, dapat ay pangalagaan natin ang ating puso at iwasan ang mga sakit na nagdudulot nito.
Maraming sakit ang nagdudulot ng sakit sa puso. Isa na rito ay ang high blood pressure o hypertension. Ayon kay Dr. Eduardo Tin Hay, isang eksperto sa internal medicine at cardiology, 50 porsyento ng mga taong may sakit sa puso ang nagkakaroon ng coronary heart disease kung saan nababara ang ating blood vessels na sumisira nito pati na rin ng ating puso.
Bukod sa coronary heart disease, narito ang iba pang klase ng sakit sa puso na maaaring maranasan ng isang tao:
- Problema sa pagtibok ng puso (arrhythmias)
- Heart defects na nakuha noong ipinanganak o ipinagbubuntis pa lang (congenital heart defects)
- Heart valve disease
- Pagkasira ng heart muscle
- Heart infection
Mga sanhi ng sakit sa puso
Bagama’t mayroong uri ng sakit sa puso na nakukuha ng isang bata mula pa nang siya ay ipanganak (congenital heart disease), karamihan ng mga sakit sa puso ay nakukuha mula sa pagkakaroon ng hindi malusog na lifestyle.
Narito ang ilang posibleng sanhi ng sakit sa puso:
- Poor diet (pagkain ng mga maaalat at matatabang pagkain na nagdudulot ng hypertension at arrythmias)
- Kakulangan sa pag-eehersisyo
- Masyadong mabigat na timbang
- Diabetes
- Paggamit ng ipinagbabawal na gamot o labis na paggamit ng gamot.
- Labis na pag-inom ng alak o caffeine
- Hypertension
- Paninigarilyo
- Bacteria at viruses
- Stress
Larawan mula sa Freepik
Narito naman ang ilang risk factors sa pagkakaroon ng sakit sa puso:
- Edad. Habang tumatanda, tumataas ang posibilidad na masira at lumiit ang mga arteries ng ating puso at humna ang ating heart muscle.
- Sex. Mas malaki raw ang posibilidad ng mga lalaki na magkaroon ng sakit sa puso. Nagsisimula namang tumaas ang risk na ito sa mga babae kapag nagsimula na ang menopause. “Men are generally at greater risk of heart disease.”
- Family history. Gayundin, mas malaki ang posibilidad mo na magkaroon ng sakit sa puso kapag mayroon sa iyong pamilya na nagkaroon ng coronary heart disease sa maagang edad (bago mag-55 sa lalaki at 65 naman sa kamag-anak na babae).
Mas mataas din ang posibilidad na magkaroon ng sakit sa puso ang mga taong:
- naninigarilyo
- may maling diet
- may high blood pressure
- mataas ang cholesterol
- may diabetes
- sobra ang timbang o obese
- kulang sa ehersisyo
- madalas ma-stress
- mababang dental health
Mga sintomas ng sakit sa puso na dapat mong bantayan
Sintomas ng sakit sa puso sa mga bata
Kapag ipinanganak na may congenital heart disease o sakit sa puso ang isang sanggol, mapapansin agad ito sa kaniya pagkasilang pa lang. Narito ang ilang sintomas na mapansin mo:
- Maputla o parang kulay blue ang kaniyang balat (cyanosis)
- Pamamaga ng mga binti, tiyan at ang paligid ng mata
- Sa mga sanggol, kapag parang hinihingal sila kapag nagdedede, kaya naman nagiging mababa ang kanilang timbang.
Mga nakakagulat na sintomas ng sakit sa puso
Bukod sa mga pangunahing sintomas ng sakit sa puso na paninikip ng dibdib at hindi regular na pagtibok ng puso, narito naman ang ilang bagay na maaring senyales pala na mayroon kang sakit sa puso:
-
Pananakit ng leeg, paa, panga o likod
Ang mga sintomas na ito ay hindi kadalasan naiuugnay sa sakit ng ulo. Pero dapat palang bantayan kapag nararamdaman mo ito dahil maaari itong senyales na mayroon kang atherosclerosis o ang pagkakaroon ng harang sa iyong arteries.
Kadalasan, ang hirap sa paghinga ay ikinakabit sa mga respiratory problems at sakit sa baga, pero kung parang nahihirapan kang huminga na may kasamang pananakit ng dibdib, posible na mayroon kang sakit sa puso.
-
Pagkahilo at parang magaan ang ulo
Ang mga ito pala ay maaring senyales na mayroon kang cardiomyopathy o mahina ang muscles ng iyong puso, o pwede ring heart arrhythmias.
-
Hingal o parang mabilis mapagod
Ang paghingal kapag tumakbo o nag-eehersisyo ay karaniwan lamang, pero kung may kasama itong pananakit ng dibdib, kailangan mong kumonsulta sa isang cardiologist para makasiguro.
Gayundin, kapag parang lagi kang pagod kahit na hindi ka naman gaanong nagpupuyat, maaaring senyales na nga rin ito ng sakit sa puso.
Larawan mula sa Freepik
-
Pamamaga ng mga kamay, binti, paa o sakong
Bagama’t parang malayo ito sa puso, konektado pa rin ito. Ang pagkakaroon ng mga ganitong sintomas lalo na sa mga bata ay posibleng sanhi ng congenital heart defects.
Kapag napapansin mong lumalaki ang iyong sakong kaysa sa kinasanayan, maaaring senyales ito ng heart failure.
Kadalasang inuugnay sa pneumonia o respiratory problems, pero kung ang iyong ubo ay may kasamang lagnat, pamamaga ng iyong tiyan o binti at matinding pagod, at maging rashes, maaaring sintomas ito na may impeksyon sa iyong puso.
Dahil sa magkakalapit ang ating puso at digestive system, posibleng ang matinding indigestion at pananakit ng tiyan na nararamdaman mo ay may kinalaman sa sakit sa puso.
Normal lang naman ang magpawis lalo na kung mainit ang panahon o katatapos mo lang mag-ehersisyo. Pero kung ang iyong pagpapawis ay sinasamahan ng pananakit ng dibdib, maaaring senyales ito ng sakit sa puso o heart attack at kailangan mo ng agarang medikal na atensyon.
Kailan dapat pumunta sa doktor?
Kapag nakakaranas ka ng isa o higit pa sa mga sintomas sa taas, dapat ka nang kumonsulta sa isang cardiologist.
Mas lalo na kung sinasabayan ito ng mga sumusunod na sintomas:
- pananakit ng dibdib
- hingal
- pagkahimatay o mawalan ng malay
Paano maiiwasan ang sakit sa puso?
Larawan mula sa Freepik
Mas madaling agapan ang sakit sa puso kung malalaman ito ng maaga, kaya naman mas makakabuting kausapin agad ang iyong doktor kung sa palagay mo ay posibleng mayroon ka nito. Lalo na kung mayroong history ng sakit sa puso sa iyong pamilya at kabilang ka sa mga taong may risk factors sa heart disease.
Tandaan, mas madaling umiwas sa sakit kaysa gamutin ito. Kaya naman alalahanin ang mga sumusunod:
- Iwasan ang paninigarilyo at labis na pag-inom ng alak.
- Siguruhing kontrolado ang iyong blood pressure at blood sugar para makaiwas sa hypertension at diabetes.
- Mag-ehersisyo ng hindi bababa sa 30 minute sa isang araw.
- Kumain nang tama. Iwasan ang mga pagkaing mayaman sa asin, asukal at saturated fat.
- Panatiliing tama ang iyong timbang.
- Hangga’t maaari, umiwas sa stress.
- Panatiliing malinis ang iyong katawan para makaiwas sa infection.
- Magkaroon ng annual checkup sa iyong doktor kahit wala kang nararamdamang sakit o problema sa katawan.
Maiiwasan ang matitinding karamdaman gaya ng sakit sa puso kung matutuklasan at maaagapan ito. Kaya kapag mayroon kang napapansin na kakaiba sa iyong pangangatawan at kalusugan, huwag itong balewalain. Kumonsulta agad sa iyong doktor.
Larawan mula sa Freepik
Dito sa theAsianparent Philippines, mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!