Paano mo malalaman kung may mental disorder ang iyong anak?

Importante sa mga magulang na malaman kung anu ano ang mga sintomas ng mental disorder sa mga bata upang ito ay maagapan at magamot.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Hindi madali ang magkaroon ng anak na may mental illness. Kailangan nila ng dagdag na pag-aalaga, pag-unawa, at pagmamahal. Kaya importante sa mga magulang na malaman ang sintomas at sanhi ng mental disorder habang maaga pa lang, upang magawan na agad nila ito ng paraan.

Kapag mas maagang nalaman ang sintomas at sanhi ng mental disorder, mas matutulungan nila ang kanilang mga anak na magkaroon ng normal na pamumuhay.

Anu ano ba ang  sintomas at sanhi ng mental disorder?

Maraming bagay ang posibleng maging sanhi ng mental disorder. Posibleng ito ay dahil sa genetics, o likas nang nasa genes ng magulang.

Minsan ay epekto ito ng sakit, impeksyon, o kaya pagkakaroon ng injury sa utak. Pati ang malnutrisyon ay posibleng makaapekto sa mental health ng isang tao.

May mga kaso naman na ito ay dahil sa psychological effects, tulad ng pang-aabuso, pagkamatay ng magulang, o ang kakulangan ng pag-aaruga.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ngunit hindi sapat na malaman kung ano ang mga sanhi ng mental illness. Importante rin na malaman kung ano ang mga sintomas nito upang maaga pa lang ay matulungan na ng mga magulang ang kanilang mga anak. Makakatulong rin ito para maturuan nila ang kanilang mga anak na mag-cope sa kanilang kondisyon.

Mga sintomas ng mental disorder:

  • Madaling panghinaan ng loob, at hindi agad nakaka-recover sa mga pagkakamali.
  • Madalas na pagkakaroon ng tantrums.
  • Palaging malungkot, o madalas na umiiyak.
  • Palaging kinakabahan, natatakot, o nag-aalala.
  • Umiiyak o natatakot kapag nahihiwalay sa mga magulang o tagapag-alaga.
  • Umiiwas sa mga tao, kahit ang mga kamag-anak.
  • Para sa malalaking bata, ang pagbalik sa mga gawain ng pagkabata tulad ng thumbsucking o pag-ihi sa kama.
  • Ayaw pumasok sa paaralan, o kaya ay nilalayuan ang mga dating kaibigan.
  • Pagbaba ng grades.

Siyempre, hindi porke’t mayroong mga ganitong sintomas ang iyong anak ay mayroon na silang mental disorder. Ito ay isang guide para sa mga magulang upang malaman nila kung dapat na bang ipatingin sa doktor ang kanilang anak.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Mahalaga pa rin na dalhin ang anak sa doktor upang malaman kung may problema nga ang bata. Hindi dapat ikahiya o ikatakot ang pagkakaroon ng mental disorder. Ang mga mental disorder ay nagagawan ng paraan, at kinakailangan lang ng pag-unawa, pag-aaruga, at pagmamahal ng mga taong mayroon nito.

 

Source: Inquirer

Basahin: 6 Bagay na dapat malaman ng mga magulang tungkol sa developmental delays

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sinulat ni

Jan Alwyn Batara