X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Skusta Clee says sorry to Zeinab Harake: “She deserves someone much better.”

5 min read

Skusta Clee nag-public apology sa dating girlfriend at kilalang YouTube vlogger na si Zeinab Harake. Sabi ni Skusta may personal siya umanong dahilan kung bakit niya ito nagawa.

Mababasa dito ang mga sumusunod:

  • Kuwento ng hiwalayan nina Skusta Clee at Zeinah Harake.
  • Skusta Clee nag-public apology kay Zeinab Harake.

Kuwento ng hiwalayan nina Skusta Clee at Zeinah Harake

skusta clee public apology to zeinab harake

Larawan mula sa Facebook accout ni Skusta Clee

Nitong nakaraang buwan ay naging laman at usap-usapan sa social media ang hiwalayan nina Skusta Clee at Zeinab Harake. Base sa pahayag ni Zeinab sa interview sa kaniya ng dating TV-host na vlogger na ngayong si Toni Gonzaga, third party ang naging dahilan ng hiwalayan nila ni Skusta o Daryl Ruiz sa totoong buhay.

Nahuli niya daw itong may ibang kinakausap na babae. At umamin rin saka idinetalye ang mga ginawa niya habang sila noon ay magkasama pa.

“May mga away kami mula January pero yung away mag-asawa lang na akala ko kapag nagkaaway kami, magkakabati kami, okay na. Hindi pala, March, doon na talaga parang lagi niya na akong iniiwan. Dumating sa point na nagmamakaawa ako sa kanya. Alam niya na buntis ako kay Moon. Hirap po talaga yung pagbubuntis ko kasi medyo maselan.”

Ito ang sabi noon ni Zeinab na nagluluksa pa sa pagkawala ng pangalawa sanang anak niya na si Moon. Si Zeinab nakunan dahil sa masyadong maselan na pagbubuntis.

“Parang may day na binigay sa akin si God na huwag akong sumama sa kanya na may pupuntahan siya. Tapos ang nangyari, naiwan ako sa bahay. Doon ko nahuli, sa laptop. Pero hindi yun ‘yong worst e. Nagkapatawaran pa kami after nun kasi akala ko ayun lang. Hindi pala.”

“Yong inamin niya sobrang brutal, sobrang gusto ko talagang magwala. Kapag naaalala ko. Nandidiri ako sa sarili ko, sa baby ko. Naawa ako kay Bia. Hindi ko alam saan ako lulugar. Hindi ako perpektong asawa pero hindi yun reason para ganunin ako para sa lahat ng ginawa ko para sayo.”

Ito ang pagpapatuloy pa na kuwento ni Zeinab tungkol sa hiwalayan nila ni Skusta.

Dahil sa rebelasyon ni Zeinab marami ang nagpakita ng galit nila kay Skusta. Partikular na ang mga malalapit na kaibigan ng vlogger at mga taga-suporta nito.

Sa pagdaan ng mga araw at buwan, tila mula sa naging pagluluksa at kalungkutan ni Zeinab, siya ay nakapag-move on na. Balik na ulit ito sa mga projects niya at patuloy na nagpapaka-nanay kay Bia. Si Bia ang isang taong gulang na anak nilang babae ni Skusta.

Skusta nag-public apology kay Zeinab

Skusta Clee says sorry to Zeinab Harake: She deserves someone much better.

Larawan mula sa Facebook accout ni Zeinab Harake

Samantala, nitong nakaraang araw, sa pamamagitan ng isang live video ay nag-sorry si Skusta kay Zeinab at sa anak niyang si Bia. Ang singer-rapper sinabing masaya siya na sa ngayon ay makikita niyang nakapag-move on na si Zeinab.

“Sa mga na-disappoint, sorry sa nanay ng anak saka sa anak ko, sorry. Lalo sa nanay ng anak ko. Nakikita ko okay na siya ngayon which is good… Mas masaya ‘pag masaya siya. Mas importante yun. Ako all good lang ako. Tuloy lang sa buhay.”

Ito ang sabi ni Skusta.

Pagpapatuloy pa niya, pinagsisihan niya ang mga nagawa niya kay Zeinab. At aminado siyang hindi naging maganda ang resulta nito sa buhay nilang dalawa at sa anak na si Bia.

“Sorry nagkamali ako. My bad. Pinagsisihan ko naman yun mukha lang namang hindi. Kasi kailangan kong mag-move on na din sa buhay though pinagsisihan ko ‘yong mga naging consequence. Ang pangit din naman ng naging resulta at tinanggap ko ‘yong mga naging kapalit.”

Sabi pa ni Skusta, may personal siyang dahilan kung bakit niya nagawa ang pagkakamali. Ang dahilan niya maliit man kung titingnan para sa iba pero para sa kaniya ay big deal na. Pero ito ay hindi niya na umano idedetalye pa bilang respeto kay Zeinab.

Pagdating naman sa pagiging ama ng anak na si Bia, magagawa naman daw ito ni Skusta kung bibigyan siya ng pagkakataon.

Skusta Clee says sorry to Zeinab Harake: She deserves someone much better.

Larawan mula sa Facebook accout ni Skusta Clee

“Hindi ako perfect na partner aminado ako doon. Marami na kayong nakitang pangit sakin. Pero siguro kung magkaroon ako ng access sa anak ko kaya kong magpaka-tatay.”

Ito ang sabi pa ni Skusta sa live video na ginawa niya para humingi ng kapatawaran kay Zeinab. May mensahe rin siya sa mga taga-suporta niya na hindi siya iniwan matapos ang lahat ng naging issues nila ni Zeinab.

“Move on na tayo guys. Walang permanente, talagang magbabago lahat. Alam ko naman magiging kalmado ang lahat, magiging ok ang lahat.”

“Sorry. Akin hindi ako perfect. She deserves someone much better.”

Ito ang sabi pa ni Skusta.

Si Zeinab naging firm naman sa isa ring live video na ginawa niya matapos ang apology ni Skusta. Hirit ni Zeinab siya lang ang nanay at tatay ng mga anak niya.

Maliban sa anak niyang si Bia, si Zeinab ay may adopted child ring nagngangalang Lucas.

YouTube

Partner Stories
Delightful Baon Pairings Your Kids Will Love
Delightful Baon Pairings Your Kids Will Love
From “Kulang” to “Lamang”: How Lactum 3+ Helps Provide Upgraded All-Around Development For Your Child
From “Kulang” to “Lamang”: How Lactum 3+ Helps Provide Upgraded All-Around Development For Your Child
This SPAMtastic™ Christmas Gift Idea Will Surely Be a Hit
This SPAMtastic™ Christmas Gift Idea Will Surely Be a Hit
Give Yourself the Care You Deserve!
Give Yourself the Care You Deserve!

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • Skusta Clee says sorry to Zeinab Harake: “She deserves someone much better.”
Share:
  • Mister hindi inakalang kapatid niya ang babaeng kaniyang napangasawa at ina ng dalawa niyang anak

    Mister hindi inakalang kapatid niya ang babaeng kaniyang napangasawa at ina ng dalawa niyang anak

  • Andi Eigenmann 60 lbs ang ibinawas sa timbang matapos ang dalawang taon ng makapanganak, ito ang kaniyang sikreto!

    Andi Eigenmann 60 lbs ang ibinawas sa timbang matapos ang dalawang taon ng makapanganak, ito ang kaniyang sikreto!

  • Juancho Triviño sa kaniyang pagiging Tatay: "Lagi kang excited umuwi at nakakawala ng pagod.”

    Juancho Triviño sa kaniyang pagiging Tatay: "Lagi kang excited umuwi at nakakawala ng pagod.”

  • Mister hindi inakalang kapatid niya ang babaeng kaniyang napangasawa at ina ng dalawa niyang anak

    Mister hindi inakalang kapatid niya ang babaeng kaniyang napangasawa at ina ng dalawa niyang anak

  • Andi Eigenmann 60 lbs ang ibinawas sa timbang matapos ang dalawang taon ng makapanganak, ito ang kaniyang sikreto!

    Andi Eigenmann 60 lbs ang ibinawas sa timbang matapos ang dalawang taon ng makapanganak, ito ang kaniyang sikreto!

  • Juancho Triviño sa kaniyang pagiging Tatay: "Lagi kang excited umuwi at nakakawala ng pagod.”

    Juancho Triviño sa kaniyang pagiging Tatay: "Lagi kang excited umuwi at nakakawala ng pagod.”

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.