SM store delivery, Robinsons department store at iba pang department stores na kung saan puwedeng mag-order at magpa-deliver ng mga gamit at damit ni baby.
SM store delivery, Robinsons department store at iba pang department stores na open for baby essentials delivery
New o expectant mother ka ba kailangan ng needs and supplies para sa iyong baby? Pero hindi ito magawa dahil sa ipinatutupad na enhanced community quarantine dulot ng COVID-19 pandemic? Hindi ka na dapat mamoblema sa ngayon dahil may mga department stores sa Metro Manila at ilang lugar sa bansa ang puwede mong pag-orderan ng mga baby items na iyong kailangan. At sila pa mismo ang mag-dedeliver ng mga ito deretso sa bahay ninyo. Ang mga department stores na nag-ooffer ng shopping and delivery option na ito ay ang sumusunod:
SM Department Store
Isa sa mga department store sa bansa na nag-ooffer ng shopping at delivery option na ito for your baby needs ay ang SM department store. Ito ay sa pamamagitan ng kanilang SM Kids & SM Babies Personal Shopper na mag-aasikaso ng mga kailangan mo. Bagamat sa ngayon ay limitado pa lamang ang call to delivery service na ito ng SM sa ilang bahagi ng Luzon.
Paano umorder at magpadeliver?
Step 1:
Ang una ninyo lang dapat gawin ay bisitahin ang website ng The SM Store at i-browse ang kanilang catalog sa mga available items na mayroon sila.
Para sa mga baby needs ay makakabili kayo dito ng baby clothes tulad ng onesies at frog suits. May baby bath essentials tulad ng bath tub, bath soap at bath shampoo. At syempre may mga nursing essentials rin tulad ng baby bottles at breast pumps na kailangan sa pagpapasuso kay baby.
Kapag nakapili na kayo ng items na kailangan ninyo ay tumawag lang sa SM branch na malapit sa inyo. Makipag-usap sa isang SM representative, ibigay ang listahan ng mga items na kailangan ninyo upang ito ay kanila ng maasikaso.
Kung may mga items ka na kailangan pa ngunit wala sa catalog ng The SM Store ay maari mong itanong ang availability nito sa SM branch representative na kausap mo. Wala ring minimum purchase requirement na hinihingi ang The SM Store para sa call to delivery service nilang ito.
Step 2:
Sunod ay hintayin ang order confirmation mula sa SM representative kabilang na ang payment instructions at delivery.
Ang mga orders ay maaring i-process at ma-confirm sa loob ng operating hours ng SM branch na pinaka-malapit sa inyo.
Step 3:
Kapag nagawa na ang payment ay i-send lang ang kopya ng proof of payment sa SM branch representative na kausap mo. At saka hintayin nalang na mai-deliver ang baby items na inorder mo sa bahay ninyo mismo.
Pagdating sa delivery rate ay may charge ang kada order ng P100 na nagsimula noong May 1. Nababago rin ang bilis ng delivery time dahil nakadepende ito sa ECQ regulations ng inyong lugar.
Para naman sa mas hassle-free na pamimili ng items ni baby ay maari mo ring bisitahin ang online store ng SM na Shop SM.
Robinsons Department Store
Tulad ng SM department store ay nag-ooffer rin ang Robinsons department store ng kanilang shop and delivery service. Ito ay sa pamamagitan ng kanilang “We Shop For You” initiative. Ang kinagandahan lang nito kumpara sa SM department store ay bukas ang service na ito ng Robinsons sa karamihan ng kanilang mga branches sa buong bansa.
Paano umorder at magpadeliver?
Step 1:
Ang unang dapat gawin lang ay bisitahin ang Robinsons Department Store LazMall page sa iyong Lazada app para sa kanilang item catalog. Piliin ang baby items upang makita ang mga baby needs and supplies na mayroon sila.
Dito ay puwede kang umorder ng diapers at baby wipes, baby bottle wash, breast milk storage bags at marami pang baby essentials.
Mayroon rin silang baby wears tulad nalang body suits at sleep suits. Pati na bedding accessories tulad ng bolster pillows.
Image screenshot from Lazada
Step 2:
Kapag nakapili na ng mga baby items na iyong kailangan ay tumawag na sa Robinsons branch na malapit sayo.
Tawagan sila mula Lunes hanggang Sabado sa loob ng kanilang operating hours. Dito ay hihingin ng branch representative ang mga sumusunod na impormasyon mula sayo:
- Full Name
- Delivery Address
- Mobile Number
- Preferred Date of Delivery
- Preferred Payment Option
- Order/s (brand, type, variant, and quantity)
Step 3:
Sunod ay pumili ng payment at delivery option na gusto mo. Maari kang magbayad ng iyong mga orders sa pamamagitan ng cash, debit/credit transactions at bank transfer o deposit na kung saan ang account details ay maari mong hingin sa store representative na kausap mo.
Para mas mabilis na pag-oorder ay maari ka ring mag-order na ng deretso sa Robinsons Department Store page sa Lazada.
Ang delivery fee ay sasagutin mo. Habang para sa ibang lugar ay may option rin ang Robinsons Department Store na kung saan maari mong pick-upin ang mga orders mo. Ang mga Robinsons Store na nag-ooffer ng option na ito ay ang sumusunod:
- Calapan
- North Tacloban
- Valencia
- Tuguegarao
- Santiago
- Naga
- Palawan
- Ormoc
- General Santos
Maliban sa SM store delivery, Robinsons department store ay may iba pang department stores ang maari mong pag-orderan ng mga needs at essentials ni baby.
Rustan’s Department Store
Para maka-order sa Rustan’s Department Store ay bisitahin ang kanilang website na kung saan makikita ang mga available items na mayroon sila. Mayroon silang baby accessories, baby clothes at iba pang baby essentials na kailangan ni baby. I-add ang mga items na iyong kailangan sa iyong shopping bag, mag-checkout at i-proseso ang payment ng mga items na binili mo. Sakal ilagay ang shipping details na kung saan ipapadeliver ang mga ito.
Sa ngayon, para sa mga orders na P2,000 pataas ay nag-ooffer ng free shipping ang Rustan’s sa buong Luzon. Bagamat may ilang lugar ang makakaranas ng delay sa delivery o maaring pick-upin nalang sa mga Air-21 hubs na epekto ng ipinatutupad ng enhanced community quarantine.
Landers Department Store
Isa pang department store na kung saan maari kang bumili ng baby essentials tulad ng diapers, wipes, soaps at iba pa ay sa Landers. Bisitahin lang ang kanilang website para maka-order. At sundin ang mga instructions sa pag-process ng payment at delivery ng iyong orders.
Mayroong option ang Landers na cash on delivery bagamat open lang ito sa ilang bahagi ng Luzon sa ngayon at sa mga purchases na P5,000 pataas.
Basahin:
Ortigas Malls are open for PICK UP and DELIVERY for all your food needs!
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!