Smog in Manila epekto ng polusyon. Paano mapoprotektahan mula sa masamang epekto nito ang iyong anak?
Mababasa dito ang sumusunod:
- The real reason behind the smog in Manila.
- Paano mapoprotektahan mula sa masamang epekto ng polusyon ang iyong anak.
The real reason behind the smog in Manila
Nitong Biyerners ay binalot ng smog ang ilang bahagi ng Metro Manila. Ang unang sinising dahilan nito ay ang volcanic smog o vog mula sa Taal Volcano. Ang nasabing vog ay binubuo ng fined droplets ng mga volcanic gases kabilang na ang sulfur dioxide na kapag na-inhale ng isang tao ay maaring makaapekto sa kaniyang kalusugan. Kung ma-expose dito ay maaring magdulot rin ng iritasyon sa mata, lalamunan o sa respiratory tract.
Kaya naman mahigpit na payo ng mga eksperto ay dapat manatili sa loob ng bahay at panataliihing sarado ang pinto at bintana ng mga expose sa nasabing vog. Sila ay dapat ring magsuot ng K95 mask at agad na magpakonsulta sa oras na may nararamdamang kakaiba. Lalong-lalo na ang mga sensitive groups kung saan kabilang ang mga bata, buntis, matatanda at nakakaranas ng sakit sa puso o respiratory disease.
Pero base sa DENR (Department of Environment and Natural Resources’ Environmental) at PHILVOLCS (Philippine Institute of Volcanology), ang smog na naranasan sa ilang bahagi ng Maynila noong Biyernes ay hindi mula sa Taal Volcano. Ito daw ay dulot ng polusyon mula sa mga sasakyan o heavy vehicular traffic na nararanasan sa lungsod.
Ayon pa sa DENR, ilang siyudad sa Maynila ang nakakaranas ngayon ng poor air quality dahil sa heavy vehicular traffic. Partikular na sa Parañaque, Pateros, at Makati na kung saan ayon sa parin sa ahensya ay unhealthy para sa mga sensitive groups na nauna ng nabanggit.
Paano mapoprotektahan mula sa masamang epekto ng polusyon ang iyong anak?
Tulad ng vog mula sa Taal volcano, ang smog sa Maynila dulot ng polusyon ay maari ring magdulot ng masamang epekto sa kalusugan ng isang tao. Sa mga bata ito ay maaring magdulot ng low birth weight, asthma, reduced lung function, respiratory infections at allergies. Pati narin ang mas pinataas na risks ng pagkakaroon ng chronic diseases sa oras na sila ay tumanda na.
Ang polusyon ay maaring maranasan sa loob man o labas ng inyong bahay. Para mapoprotektahan ang iyong anak mula sa indoor pollution, ito ang ilan sa dapat mong gawin.
Paano mapoprotektahan ang iyong anak mula sa indoor pollution?
- Huwag manigarilyo sa loob ng bahay o malapit sa isang bata.
- Sa pagluluto gumagamit ng devices na pinapaandar ng kuryente, LPG, biogas o solar energy. Maarin ring gumamit ng kahoy kung hindi available ang mga nabanggit. Ang pagluluto gamit ang uling ay iniuugnay sa pagkakaroon ng sakit na cancer. Dahil maliban sa masyadong malakas o mainit ang temperatura na dulot nito ay nagdudulot ito ng mas maraming usok.
- Magluto sa well-ventilated na lugar o sa labas ng bahay na kung saan makakaikot o agad na makakalabas ang usok na dulot ng pagluluto.
- Huwag gumamit ng air fresheners, kandila at kerosene lamps na naglalabas ng toxic chemical sa hangin.
Paano mapoprotektahan ang iyong anak mula sa outdoor pollution?
Para mapoprotektahan ang iyong anak mula sa outdoor pollution, narito ang mga dapat mong tandaan.
- Huwag magsunog ng agricultural o household waste. Lalo na ang mga plastic at styro foams na napatunayan ng nakakasira sa ating ozone layer. Matutong mag-recycle o kaya naman ay mag-compost para mapakinabangan parin ang basura mula sa inyong bahay.
- Para maiwasang makalanghap ng polusyon ang iyong anak, umiwas sa mga lugar na maraming sasakyan o ma-traffic.
- Siguraduhing up-to-date ang bakuna ng iyong anak laban sa mga sakit at pakainin sila ng masusustansyang pagkain.
- I-monitor ang air pollution level sa inyong lugar. Ito ay para alam mo kung kalian kayo dapat manatili sa loob ng bahay. O gumawa ng extra precaution para masiguradong ligtas kayo mula sa polusyon tulad ng pagsusuot ng face masks.