Isang bagong pag-aaral ang inilabas ng University of Cincinnati at Cincinnati Children’s Hospital Medical Center. Ayon dito, malaki ang epekto ng polusyon sa mental health ng mga tao, lalo na sa mga bata. Ang 5 taong pag-aaral ay sinusuri ang ugnayan ng polusyon sa psychiatric disorder sa mga matatanda. Ngunit, natuklasan din ang maaaring epekto nito sa mga bata.
Ano ang epekto ng polusyon sa mga bata?
Ang PM2.5 ay mga maliliit na particulate matter na may sukat na 2.5 micrometers. Ang mga microscopic particles na ito ay pumapasok sa katawan ng tao sa pamamagitan ng paghinga. Mula sa baga, kumakalat ito sa dugo at sa mga organs. Bukod sa nadudulot na iritasyon, inflammation at problema sa baga, maaari rin itong maging sanhi ng cancer at atake sa puso.
Inaral ng mga mananaliksik ang ang datos ng mga pasyente at lugar ng kanilang mga tirahan. Sinuri nila ang levels ng PM2.5 sa lugar kung saan nakatira ang mga pasyente. Dito nila napansin na marami ang mga nangangailangan ng psychiatric visits sa mga lugar na mataas sa PM2.5.
Kadalasan, ang mga pasyente na may mataas na PM2.5 ang lugar ng tirahan ay nagpapa-check-up para sa schizophrenia. Ito ay napansin nilang nagaganap sa parehong araw na tumaas ang levels ng nasabing particles sa lugar.
Ngunit, dalawang araw matapos ang pagtaas ng PM2.5, mas marami naman ang nagpapasuri para sa adjustment disorder at suicidal thoughts.
Sa mga bata, ang mga nae-expose sa polusyon ay kadalasang nagpapasuri para sa anxiety at suicidal thoughts.
Kahirapan at mental health
Ang pagsusuri na pinamunuan nila Patrick Ryan at Cole Brokamp ay naituro ang ugnayan ng kahirapan sa mental health. Habang lalong naghihirap, nalalagay ang mga bata sa tirahan na mataas ang polusyon. Dahil dito, nakakadagdag ito sa kanilang depression, anxiety, at iba pang problema sa mental health.
Ayon kay Ryan at Brokamp, marami pang kailangang alamin para sa pag-aaral na ito. Ganunpaman, may mga hakbang nang maaaring gawin para matulungan ang mga kabataan laban sa problema sa mental health.
Mga naunang pag-aaral
Ang pag-aaral nila Ryan at Brokamp ay tumuon sa PM2.5. Ganunpaman, may ilan nang naunang pag-aaral na sumusuri sa ugnayan ng polusyon at mental health.
Isang pag-aaral mula sa King’s College sa London ang isinagawa nuong Marso. Dito, natuklasan ang nadudulot na psychosis sa mga teenagers ng polusyon sa hangin. Ang nasabing pag-aaral ay sinuri ang nitrogen dioxide at nitrogen oxide sa hangin.
Isang pag-aaral din ang nagsabing ang pag-init ng panahon ay nagdudulot ng problema sa mental health. Maaari itong mag-trigger ng post-traumatic stress disorder, anxiety, substance abuse at depression.
Basahin din: 5 paraan upang maprotektahan ang mental health mula sa social media
Source: CNN
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!