Social distancing DILG mahigpit na ipinapatupad sa Metro Manila.
Social distancing DILG implementation
Isa sa mga preemptive measures na isinusulong ng gobyerno laban sa coronavirus disease o COVID-19 ay ang social distancing. Nito nga lang Marso 10, Martes ay inatasan at hinikayat ng DILG o Department of Interior and Local Government ang mga Metro Manila mayors, mga punong barangay at ang PNP na huwag hayaang magpunta sa mall, sinehan, pampubliko at matataong lugar ang mga estudyante.
Sa opisyal na pahayag ni Pres. Rodrigo Duterte, Huwebes ng gabi, Marso 12, ay mas pinag-igting ang pagpapatupad ng social distancing. Maliban sa mga estudyante, lahat ng Pilipino partikular na sa Metro Manila ay dapat sundin ito. Dagdag pa ng presidente, ito ay para naman sa ikabubuti ng lahat at paraan upang pabagalin ang pagkalat ng coronavirus.
“It’s a serious one. It is true. Huwag ninyong maliitin. Do not minimize it, I said. But do not kill yourself with worry because the government is doing everything possible to make it at least controllable.”
“Pag hindi kayo nag-cooperate, the problem would start and it would start with you and end with you pagka ganun. So ‘yung mga sinasabi na social distancing, sundin lang po ninyo.”
Ito ay bahagi ng opisyal na pahayag ng gobyerno.
Ngunit ano nga ba ang ibig sabihin ng social distancing? At bakit mahalang gawin natin ito ngayon bilang proteksyon laban sa kumakalat na coronavirus disease o COVID-19.
Ano ang social distancing?
Ayon sa CDC, ang social distancing ay tumutukoy sa pag-iwas sa mga matataong lugar at pagpapanatili ng 2 metrong distansya mula sa ibang tao kung maari. At ito ang isa sa mga paraan upang maiwasan ang pagkalat at pagkakahawa sa coronavirus disease o COVID-19.
“Social distancing means remaining out of congregate settings, avoiding mass gatherings, and maintaining distance (approximately 6 feet or 2 meters) from others when possible.”
Kaibahan nito sa salitang isolation at quarantine
Ito ay kaiba sa salitang quarantine at isolation na kung saan ayon sa ahensya ay ginagawa kapag ang isang tao ay na-expose na sa virus. Ito ay sa pamamagitan ng paghiwalay o paglayo muna sa iba upang hindi na maihawa pa ang virus sa oras o kung sakaling taglay na ito.
“Quarantine in general means the separation of a person or group of people reasonably believed to have been exposed to a communicable disease but not yet symptomatic, from others who have not been so exposed, to prevent the possible spread of the communicable disease.”
“Isolation means the separation of a person or group of people known or reasonably believed to be infected with a communicable disease and potentially infectious from those who are not infected to prevent spread of the communicable disease. Isolation for public health purposes may be voluntary or compelled by federal, state, or local public health order.”
Ito ang deskripsyon ng CDC sa social distancing, isolation at quarantine na parehong mahahalagang salita ngayon laban sa COVID-19 pandemic.
Ayon naman kay Dr. Susy Hota, maraming uri ng measures o hakbang ang tumutukoy sa social distancing. Isa na nga rito ang work from home o ang pagtratrabaho ng empleyado sa kanilang bahay imbis na magpunta pa sa opisina.
“Social distancing is a very general term, so there are a bunch of different types of measures that can fall under it. People choosing or being allowed to work from home would count as social distancing.”
Ito ang pahayag ni Dr. Hota na isang Infectious Diseases Specialist at Hospital Epidemiologist sa University of Toronto research hospital.
Pagsasagawa ng social distancing
Para naman kay Denise Rousseau, ang social distancing ay tumutukoy sa pananatili ng mga tao sa loob ng kanilang bahay sa lahat ng oras hangga’t maari kapag may disease outbreak o pagkalat ng sakit ng tulad ng COVID-19. Ito ay ginagawa upang maiwasang mahawa o maihawa pa ang virus sa iba. Kung sakali namang hindi maiiwasang makisalamuha sa ibang tao, ang social distancing ay ginagawa sa pamamagitan ng paglalagay ng barrier o distansya sa pagitan mo at ng taong nakakausap mo.
“People have lives that they need to continue to live so rather than fully isolate, by creating distance between yourself and other people you can reduce the likelihood that the virus can be transferred.”
Ito ang pahayag ni Rousseau. Siya ay isang professor ng organizational behavior at public policy sa Carnegie Mellon University.
Halimbawa ng social distancing
Ayon kay Rousseau at Dr. Hota, ilan sa aktibidad na kailangan nating gamitin ang social distancing ay ang sumusunod na halimbawa:
- Pag-byahe gamit ang pampublikong transportasyon tulad ng paggamit ng elevator.
- Pagpasok sa mga public office tulad ng post office, bangko at grocery store.
- Pakikipag-socialize sa mga public settings o pag-attend ng misa at worship service.
Bagamat mahirap gawin ang social distancing sa mga nabanggit na aktibidad ay kailangan nating gawin ito hangga’t maari. Ito ay sa pamamagitan ng pagkakaroon ng personal space o related personal safety strategies.
Pero dagdag nila, ang social distancing ay hindi naman magiging effective laban sa sakit kung hindi rin ito sasabayan ng good proper hygiene. Ito ay tulad ng paghuhugas ng kamay gamit ang tubig at sabon. O ang pagdi-disinfect ng mga ito gamit ang alcohol-based sanitizers. At ito ay dapat ginagawa sa loob at labas ng bahay, opisina at lalo na sa mga matataong lugar.
SOURCE: ABS-CBN News, CDC, Time
BASAHIN: “Matatanda lang ang apektado” at iba pang COVID-19 myths ayon sa WHO
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!