PNP gustong i-monitor ang social media para sa mga lumalabag sa quarantine

Pabor ka ba sa binabalak ng PNP na social media monitoring para mapanagot ang sinumang lumalabag sa ipinatutupad na quarantine?

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Social media monitoring na planong ipatupad ng PNP sa mga lumalabag sa quarantine inalmahan. PNP sinabing ang mga naka-public post lang ang kanilang babantayan.

PNP Social media monitoring proposal

Upang mas ma-kontrol ang pagkalat ng sakit na COVID-19 na patuloy pang nadadagdagan ang kaso sa Metro Manila ay nag-propose ang PNP na ipatupad ang social media monitoring. Sa paraang ito ay babantayan nila ang social media laban sa mga netizen na lumalabag sa COVID-19 quarantine measures. Tulad nalang ng mga nagsasagawa pa rin ng mass gathering, drinking sessions at iba pang uri ng selebrasyon. Maisasama na rin umano dito ang mga Pilipino na nag-aangkasan sa motor na hindi sumusunod sa quarantine protocols. Ang mga mapapatunayang lumabag ay maaaring pagmultahin at hulihin.

Image from Freepik

Mga reaksyon sa panukalang ito

Ang pinaplano na ito ng PNP nakatanggap ng negatibong reaksyon mula sa iba’t ibang grupo. Ayon kasi sa kanila ay maaari itong maabuso at maaaring maging paglabag sa privacy ng bawat Pilipino.

Kaya naman, ayon naman sa Commission on Human Rights ang planong ito ng PNP ay dapat masusing pag-aaralan. Kailangang masiguro na hindi nito sa kahit anumang banda makakaabuso sa karapatan ng mga ordinaryong Pilipino. Lalo pa’t karamihan naman umano ng lumalabag sa quarantine protocols ay ang mga miyembro ng ka-pulisan din.

“Otherwise, violation of these standards, especially if not founded on legal measures, may lead to offenses against the people’s rights. This is a scenario that we wish to avoid noting that we look upon the police as law enforcers and not as the first ones breach laws.”

Ito ang pahayag ni CHR spokesperson Jacqueline de Guia.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ganito rin ang paniniwala ng human rights group na Karapatan. Ayon nga sa kanilang Secretary General na si Cristina Palabay, dapat ay simulan umano ng PNP na i-monitor ang mga pasaway nilang kabaro. Dahil madalas sila ang lumalabag sa mga quarantine protocols na kanilang ipinapatupad.

“How exactly does the police plan to monitor social media for supposed quarantine violations? Who will they seek monitor in the first place? Unless they start with the pasaway from their own ranks”, pahayag ni Palabay.

Matatandaang nitong Mayo ay nag-trending sa social media ang ginawang birthday celebration ni NCR Police Office Chief Maj. Gen. Debold Sinas. Sa mga larawang lumabas sa social media, kitang-kita lumabag sa lockdown regulations noong mga panahong iyon si Sinas. Pero siya naman ay hindi naparusahan sa ginawang paglabag.

Payo ng National Privacy Commission o NPC, dapat ay gawin ito ng PNP sa legal na paraan. Dapat sila ay gumamit ng techniques na hindi privacy-intrusive.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Image from Freepik

Reaksyon ng Malacañang

Para naman sa palasyo, wala umano silang nakikitang mali sa plano na ito ng PNP. Hindi rin umano ito lumalabag sa batas. Dahil wala namang nakasaad sa Cyber Crime Act na bawal ang social media monitoring.

“Well, alam ninyo po iyong cyber crimes act natin, nakasaad po doon ang mga ipinagbabawal. Hindi naman po ipinagbabawal ang social media monitoring, so wala pong mali doon sa ginagawa ng pulis kung tinitingnan lang nila kung ano iyong mga naka-post sa social media. So, iyong pagmo-monitor po, hindi po iyan iligal. I don’t think there’s anything wrong with that.”

Ito ang pahayag ni Roque. Dagdag pa niya pagdating sa issue ng privacy, paniniwala niya ito ay naiwi-waive na sa oras na ang isang social media post ay naka-public.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Well, sa tingin ko iyong pagmo-monitor ng social media,  eh pinost po iyan, so parang nagkaroon po ng waiver of privacy diyan, kapag posted na po ang isang bagay sa social media ano.”

At isang paraan lang din naman daw ang social media monitoring, sa paggamit ng makabagong teknolohiya ng kapulisan.

“Ngayon po kasi talaga, pagdating sa mga imbestigasyon, ini-enganyo ang pag-check sa social media, pag-check sa mga cellphones, SOP na po ‘yan lalong-lalo na sa mga developed countries ‘pag sila ay nagi-imbestiga.”

Ito ang dagdag pang pahayag ni Secretary Roque.

Paglilinaw ng PNP

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Image from Official Gazette of the Philippines

Paliwanag naman ni Joint Task Force COVID-19 Shield chief Lt. Gen. Guillermo Eleazar ang i-momonitor lang nila ay ang mga viral photos at videos mula sa mga concerned citizen.  Pati na ang mga reports na ipapadala sa kanilang mga social media accounts. Hindi umano ma-iinvade ang privacy ng sinumang netizen.

“‘Yung iba naman po, nagba-viral. Ito po ‘yung openly and publicly posted by the netizen. So, maliwanag po ‘yan na hindi naman po kami makikialam du’n sa kanilang ibang mga accounts dahil unang-una, walang kapabilidad ang ating kapulisan.”

Ito ang pahayag ni Eleazar.

Pahayag naman ni newly installed PNP chief General Camilo Cascolan, sisiguraduhin niya na madidisiplina sa ngayon ang sinumang pulis na lalabag sa quarantine protocols. Sila ay dapat umano ang sumusunod sa mga batas na kanila ring ipinatutupad.

“I will see to it that everybody who imposes or implements the law shall be disciplined, and should also follow the law they are implementing.”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ito ang pahayag ni Cascolan.

 

Source:

The Philippine Star, Inquirer News

BASAHIN:

6 na litrato ng bata na hindi dapat pinopost sa social media