Social media safety paano ba maituturo sa iyong anak? Tamang edad ng pagkakaroon ng social media account ng isang bata ibinahagi ng isang eksperto pati na ang dahilan kung bakit.
Mababasa dito ang sumusunod:
- Ano ang tamang edad na magkaroon ng social media account ang iyong anak.
- Social media safety ng iyong anak.
Ano ang tamang edad na magkaroon ng social media account ang iyong anak
Nakaka-excite at proud talagang magbahagi ng mga milestones ng ating mga anak. Marami nga sa ating mga proud parents, ang ibinabahagi ang milestones na ito sa social media. Sa katunayan ang iba pa nga sa atin ay nagawan na ng sariling social media profile ang anak. At ginagamit pa nga itong means para ma-kontak sila o kaya naman ma-pacify para mapigilan minsan ang kanilang pagwawala.
Pero ayon sa isang clinical psychologist na si Dr. Mitch Prinstein, may recommended age ang siyensya kung kailan dapat i-introduce sa mundo ng social media ang mga bata. Ito ay hindi lang para sa online safety nila. Kung hindi para narin maproktesyonan ang kanilang kalusugan at development.
Ayon kay Dr. Prinstein, ang mga batang edad 13-anyos ay hindi daw dapat gumagamit ng social media. Mas mabuti nga daw kung mas maidedelay pa ang paggamit ng mga bata ng social media hanggang sila ay mag-16 anyos na.
Epekto ng social media sa isang bata
Paliwanag ni Prinstein, ay hindi lang dahil sa online safety ng mga bata. Ito ay dahil sa bata nilang edad ang paggamit ng social media ay maaring makasama sa kalusugan nila. Isang magandang halimbawa ay ang epekto nito sa kanilang pagtulog. Hindi tulad ng mga adults, hindi pa kayang i-handle ng maliit at mahina pang katawan ng isang bata ang masamang epekto ng sleep deprivation. Lalo pa’t ayon sa mga pag-aaral, ay lubhang engaging ang social media na maaring makapagpuyat ng sobra sa isang tao.
Dagdag pa ng isang pag-aaral, nasa 50% ng mga bata at teens ang nakitaang may clinical dependency sa social media. Nangangahulugan ito na gustuhin man nilang tumigil na sa paggamit ay nahihirapan sila. Sapagkat hinahanap-hanap na ito ng kanilang utak at katawan. Ang parehong paliwanag na ito ang sinasabing may malaking impluwensiya rin sa kanilang development. Dahil naiisip ng isang bata na ang nakikita niya sa social media ay tama kaya ito ang kaniyang ginagaya.
Paano maiiwasan ang mga masamang epekto na ito? Kailangan niya ng iyong proteksyon at paggabay.
Social media safety ng iyong anak
Narito ang ilang hakbang para masiguro ang social media safety ng iyong anak.
- I-monitor ang paggamit ng social media ng iyong anak. Bigyan siya ng oras lang kung kailan siya maaring gumamit ng cellphone o gadget, ganoon rin ng kaniyang social media account.
- I-set sa private ang profile ng iyong anak para hindi ito basta-basta ma-access ng mga hindi ninyo kakilala.
- Paalalahanan rin ang anak na huwag basta-basta makipagusap sa hindi nila kakilala online. Para maiwasan ito ay hindi sila dapat mag-add din sa social media ng mga taong hindi nila kilala.
- Mas maigi rin na maglagay ng parenting control app sa gadget o cellphone ng iyong anak para ma-block ang mga contents na hindi kaaya-aya para sa mga bata.
- Ipaliwanag rin sa anak na hindi lahat ng nakikita niya sa social media ay hindi totoo at hindi niya dapat ginagaya.