Child pornography sa social media, baka hindi mo namamalayan ay biktima na ang iyong anak. At ang pinaka-masakit, maaring ikaw ang may kasalanan kung bakit siya na-expose dito.
Mababasa dito ang sumusunod:
- Child pornography sa social media.
- Tungkulin ng mga magulang.
Child pornography sa social media
Larawan mula sa Shutterstock
Tayong mga magulang nais natin laging maprotektahan ang ating anak sa mga masasamang loob sa lahat ng oras. Pero ayon sa clinical at forensic psychologist na si Dr. Leslie Dobson sa pamamagitan ng social media ay tayo pa umano ang nag-eexpose sa ating mga anak sa mga mapang-abuso. Partikular na sa child pornography na tinatangkilik ng mga pedophiles at social media predators.
Paliwanag ni Dr. Dobson, alam naman nating hindi basta-basta makakagawa ng social media account ang mga batang wala pang 18-anyos. Tayong mga magulang ang tumutulong sa kanilang magkaroon ng accounts dahil sa iba’t-ibang dahilan. Maaring dahil sa gusto natin silang malibang o ma-enhance pa ang natatangi nilang skills sa pagkanta o pagsayaw. O kaya naman ay maging paraan ito na magkaroon ng dagdag na income tulad ng mga kilalang social media influencers na.
Baka biktima na ang iyong anak!
Ayon pa kay Dr. Dobson, Kahit na nakakatulong ito na makapagproduce ng pera para sa pangangailangan ng pamilya o future ng iyong anak ay may kaakibat itong peligro. Dahil base sa isang pag-aaral na kung saan inanalyze ang 5,000 social media accounts na pag-aari ng mga bata, may nasa 32 million followers ay mga adult men. Sila ang mga laging naglilike at nagcocomment sa mga larawan o videos na ipinipost ng mga batang ito sa social media.
Base naman sa isa pang hiwalay na pag-aaral, mula noong 2018 hanggang nitong 2022 ay mas dumami ang inaalis na content sa iba’t-ibang social media accounts na nagpropromote ng child pornography. Nangunguna nga sa mga social media accounts na ito ay ang Facebook, TikTok at YouTube na mahilig i-access ng ating mga anak. At sa top 10 na bansang may pinaka-maraming naalis na social media content na nagpropromote ng child pornography sa buong mundo ay pangalawa ang Pilipinas na may naitalang 3.2 million ng report ng child pornography noong 2020.
Tungkulin ng mga magulang
Pero ba natin nai-expose sa child pornography ang ating anak?
Ayon kay Dr. Dobson, ang simpleng pagkuha ng litrato ng ating anak na naka-bathing suit ay isa sa mga paraan. O kaya naman ang pagpopost ng hubad nilang katawan sa social media na bagamat cute para sa ating tingnan ay takaw pansin naman para sa mga pedophiles.
Larawan mula sa Shutterstock
Paano natin mapoprotektahan mula sa mga pedophiles at online predators ang ating anak? Narito ang ilang puwede mong gawin.
- Gawing private ang account ng iyong anak at idagdag lang bilang kaniyang friends o followers ang miyembro ng iyong pamilya o malalapit niyang kaibigan.
- Siguraduhing sa pagpopost ng larawan ng anak ay hindi siya ma-sesexualized o walang bahagi ng katawan niya ang mai-expose.
- Gabayan ang anak sa paggamit niya ng social media.
- Gumamit ng parenting control app o extensions para masigurong kontrolado mo ang mga websites o apps na na-access niya.
- Paalalahan ang anak sa mga dapat at hindi niya dapat gawin sa social media. Tulad nalang ng pakikipagusap sa mga taong hindi niya kilala. At pagbabawal sa kaniya sa pagpopost sa social media ng mga larawan o videos na hindi mo alam.
Sa kabuuan, pinakamainam na huwag na munang i-expose sa social media ang iyong anak. Ito ay para sigurado kang protektado siya sa mga mapagsaman
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!