Sofia Andres may cryptic post tungkol sa mga pamilyang relihiyoso pero nangmamaliit ng kapwa

Ipinagpapasalamat ni Sofia Andres ang pagkakaroon niya ng "imperfect but true" na pamilya. Habang mayroon daw iba na relihiyoso at sige ang pagtuturo ng mga laman ng bibliya pero nangmamaliit naman ng kapwa.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Isang makahulugang post ang ibinahagi ni Sofia Andres sa social media kamakailan. Ito ay tungkol sa kung paanong mayroong mga pamilyang relihiyoso pero nasa loob ang kulo.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Sofia Andres ipinagpapasalamat pagiging “imperfect but true” ng pamilya
  • May pasaring sa mga pamilyang mapagpanggap

Sofia Andres ipinagpapasalamat ang kaniyang “imperfect but true” family

Nitong nakaraang linggo ay nagbahagi si Sofia Andres ng isang makahulugang Instagram post. Sa kaniyang social media post, makikita ang larawan ng isang dapithapon sa dalampasigan, tanaw ang dagat at ang nag-aagaw dilim na kalangitan.

Larawan mula sa Instagram ni Sofia Andres

Kalakip ng larawan ay ang makahulugang caption ng aktres tungkol sa kaniyang family at sa ibang pamilya na puno umano ng pagpapanggap.

Aniya, sa mundong ang perfection ay karaniwang façade o pangharap lamang, nags-standout umano ang kaniyang pamilya dahil sa pagiging totoo nito at sa mabuting puso na mayroon sila.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“A world where perfection is often a facade, my family stands out with their honesty and genuine hearts. Imperfect but true, they navigate life with authenticity, devoid of pretentiousness or obnoxious airs.”

Larawan mula sa Instagram ni Sofia Andres

May pasaring sa mga pamilyang mapagpanggap

Nabanggit din ni Sofia sa kaniyang Instagram post na may kilala siyang mga pamilya na relihiyoso pero matindi ang pangmamaliit at panghahamak sa ibang tao.

“Yet, in contrast, I’ve witnessed other families cloaking themselves in religious rhetoric, preaching from the Bible while simultaneously belittling and humiliating others.”

Aniya, paalala ito na ang tunay na kabutihan ng puso ay mas malakas kaysa sa salitang walang laman. Hindi man umano perpekto ang kaniyang pamilya, nagniningning naman ang walang katumbas na ganda ng kanilang puso.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Instagram ni Sofia Andres

“It’s a stark reminder that genuine kindness speaks much louder than empty words. And my family’s flawed beauty shines bright in comparison.”

Hindi naman nabanggit pa ni Sofia kung kaninong pamilya ang tinutukoy niya sa kaniyang cryptic post. Pero maraming netizen ang sumang-ayon sa sinabi ng celebrity mom.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Instagram: @iamsofiaandres

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sinulat ni

Jobelle Macayan