Sofia Andres as a mom, sinabing hindi niya pinagsisihan na maaga siyang nabuntis at nagkaanak. Dahil paliwanag niya maraming naituro ito sa kaniya.
Mababasa dito ang sumusunod:
Sofia Andres as a mom at sa maagang pagbubuntis niya
Kilala si Sofia Andres bilang isa sa mga Filipina actress na may mala-diyosang mukha at postura. Kaya naman ng mabuntis ito ng hindi inaasahan noong 2019 ay marami ang nabigla. Ang ilan nanghinayang sa career nito na nagsisimulang mamayagpag ng nasabing taon. Si Sofia 21-anyos palang noon. Pero base sa isa sa kaniyang Instagram post ang celebrity mom walang pinagsisihan sa maaga niyang pagbubuntis. Nabigla man daw siya pero wala siyang naging pagsisi ng malaman niyang buntis siya.
“It took me by surprise when I became pregnant at a young age, but I will never regret the moment I discovered I was going to be a mom.”
Ito ang bahagi ng post ni Sofia.
Mga naituro at pagbabagong nagawa sa buhay ni Sofia Andres ng maging isang ina
Larawan mula sa Instagram account ni Sofia Andres
Ayon kay Sofia, hindi lang kasi basta kakaibang saya ang naibigay ng pagiging isang ina sa kaniya. Marami rin siyang bagay na natutunan at nabago sa sarili niya ng dumating sa buhay niya ang anak niyang si Zoe.
“Becoming a parent brought a sense of responsibility that I never anticipated. it’s a role that requires endless strength and dedication. But it’s also a role that brings immense joy and fulfillment.”
Ito ang sabi pa ni Sofa.
Pagpapatuloy pa niya, maliban sa pagiging responsible na ina, ang pagdating ni Zoe ay mas nagpalapit sa kanila ng partner niyang si Daniel Miranda. Mas tumibay ang relasyon nila at mas naging mature dahil sa responsibilidad na kailangan nilang gampanan.
Ang anak ni Sofia na si Zoe ay mag-apat na taong gulang na ngayong Nobyembre.
Larawan mula sa Instagram account ni Sofia Andres
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!