Habang tinitignan ang anak, hindi napigilan ni Sofia Andres ang maging emosyonal
Sofia Andres naging emotional habang tinitignan ang anak
Naging emosyonal ang aktres na si Sofia Andres habang tinitignan ang kanyang anak na si Zoe. Ayon pa dito, ngayon siya mas naniniwala na time ang pinakamahalagang bagay.
Mahalaga pa rin daw ang makasama natin ang mga mahal sa buhay at maglaan ng quality time para sa anak. Ang bilis daw ng takbo ng oras ayon kay Sofia dahil dati ay baby lang ang kanyang anak, ngayon ay malaki na ito.
Naglabas ng feeling si Sofia Andres sa Instagram dahil sa emosyonal sa kanyang anak. Alamin Dito. |Larawan mula sa Instagram ni Sofia Andres.
Matatandaang na si Sofia Andres ay umalis sa Pilipinas at nag headline sa kanyang announcement sa anak na si Zoe. Kasama ang kanyang non-showbiz partner na si Daniel Miranda.
Sa isang instagram post, naglabas ng feelings si Sofia patungkol sa mabilis na paglaki ng kanyang anak.
“Time is your most precious gift. You can make more money, but you can’t make more time,” saad niya sa kanyang post
Ayon sa aktres, mahalaga ang magkaroon ng quality time kasama ang kanyang pamilya dahil maari ka pa na magtrabaho pero hindi na mababalik ang oras.
Nagbahagi rin si Sofia ng kanyang natutunan na life lessons at ang importance ng oras.
“When you give someone your time, I’m giving them a portion of my life that I’ll never get back.” sabi ng aktres sa kanyang post.
Ang aktres at ang kanyang non-showbiz partner na si Daniel, magkasama ulit matapos hindi makita ng netizens. Alamin Dito |Larawan mula sa Instagram ni Sofia Andres
Sa pag-lalaan ng oras sa isang bagay o tao ay importante dahil ito ay part ng buhay mo na hindi na maibabalik pa. Kaya naman time raw ang pinaka mahalagang regalo na maibibigay ng isang tao.
“I’m comfortable eating alone and just taking my time. Enjoying things first all on my own. And I make sure that I spend my energy with someone I know that it’s worth it.”
Ayon pa dito, ang mahalagang factor para maging solid ang foundation ang isang relationship ay ang “Time and effort” ng partner.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!