Mahalaga ang opinyon ng friends lalo na kung ito ay tungkol sa isang seryosong relationship.
Bakit mahalaga ang opinyon ng iyong friends sa iyong relationship?
Gaano nga ba ka-importante ang opinyon ng friends sa iyong relasyon? Alamin Dito. | Larawan mula sa Pexel
Ito ang mga dahilan ng importance ng opinions ng mga kaibigan sa isang relasyon. Importante ang magandang opinion ng mga kaibigan sa iyong partner dahil sila ay parte ng iyong buhay,
1. Ang mga friends ang unang nakakakita ng tunay na ugali ng partner mo.
Ang iyong kaibigan ay ang nag-aadvice sa iyo sa mga bagay sa iyong relasyon na maari na red flag ang iyong partner. | Larawan mula sa Pexel
Dahil sa pag-mamahal, madalas ay nagiging bulag sa red flags ng iyong partner. Ang iyong mga kaibigan ang unang makakapansin ugali ng iyong partner.
2. Sila ang iyong malalapitan sa tampuhan.
Madalas ang mga kaibigan ang ating hinihingian ng advice sa tampuhan sa ating partner. Mahalaga ang mga opinion ng friends kung ito ay makakatulong sa iyong relasyon.
3. Maiiwasan ang isolation sa isang relasyon
Ang pagkakaroong ng oras sa ating kaibigan ay nakakaiwas tayo sa pag isolate sa ating sarili sa isang relasyon. Sa pag-iisolate, kadalasang nangyayari ang abuse sa isang relationship dahil nawawalan ng kakampi.
4. Ang opinyon ng iyong kaibigan ay nakaka apekto sa pakikisama sa iyong partner
Kung sila ay maaring may negative na opinyon, ang kanilang pakikisama sa iyong partner ay negative rin.
5. Ang mga kaibigan ang unang nag-iimpluwensya sa iyo
Ano nga ba ang apekto ng opinyon ng iyong friends sa iyong relationship? Alamin dito. |Larawan mula sa Pexel
Ang ating mga friends ang isa sa mga nauuna na magpakilala ng iba’t ibang bagay sa atin. Dahil sa kaibigan, tayo ay madaling naiimpluwensyahan sa mga bagay na kanila ring ginagawa.
Sila ang kadalasang kasama natin sa hobbies o mga hilig natin dahil malaki ang chance na parehas kayo ng gusto. Mahalaga na ang opinyon ng friends sa isang relasyon upang malaman o maipakita agad ang iyong relasyon.
Kung ang ating friends ay nagsasabi na tayo ay mukhang malungkot sa isang relasyon ay mararamdaman natin ito agad. Ito ang isa sa mga mahalagang dahilan kung bakit ang opinyon ng friends ay importante sa isang relastionship.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!