Sofia Andres kung bakit hindi pa siya nagpapakasal: “It’s not the time yet, in God’s time”

Ayon sa aktres, naniniwala siyang hindi batayan ang kasal para tumagal ang isang relasyon.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sofia Andres ibinahagi ang dahilan kung bakit hindi pa siya nagpapakasal sa long-term partner niyang si Daniel Miranda.

Mababasa dito ang sumusunod:

Sofia Andres kung bakit hindi pa siya kasal

Larawan mula sa Instagram account ni Sofia Andres

Sa panayam sa kaniya ng newscaster na si Karen Davila ay ibinahagi ng aktres na si Sofia Andres ang dahilan kung bakit hindi pa sila nagpapakasal ng long-term partner niyang si Daniel Miranda. Si Sofia agad na naluha ng marinig ang tanong na ito ni Karen. At mabilis niyang sagot, hindi pa siguro ngayon ang tamang oras na magpakasal sila ni Daniel. Ito ay kahit mayroon na silang anak na si Zoe na mag-lilimang taon na ngayong taon. Ayon pa kay Sofia, naniniwala rin siya na hindi batayan ang kasal para tumagal ang isang pagsasama.

“Siguro, it’s not the time yet. In God’s time. Kasi married o hindi, you’ll never know kung kayo ba talaga. Kasi may married na naghihiwalay pa rin. Meron namang hindi married na nagtatagal naman.”

Ito ang sabi pa ni Sofia.

Aktres thankful sa suporta na ibinibigay ng long-term partner niyang si Daniel

Larawan mula sa Instagram account ni Sofia Andres

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sabi pa ni Sofia, ang desisyon nila ng long-time partner na si Daniel na hindi muna magpakasal ay pareho nilang gusto. Dahil alam nilang may dapat pa silang i-kumpleto o tuparin sa kanilang goals sa buhay.

“I was telling my partner, Daniel, kasi he’s not complete also, his family. So, if we’re not ready, we don’t have to rush it.”

“He’s also young. He wants to do a lot of things pa and I won’t force him also. We want to reach more goals pa. He’s also doing his own business in Dumaguete. He is still starting pa eh so I think he wants to be stable pa.”

Dagdag pa ng aktres, maswerte siya na very supportive si Daniel sa mga desisyon niya. At advantage rin daw na hindi ito parte ng showbizness kaya naman may kaunting privacy sila.

“I’m just very lucky na supportive ‘yung partner ko at tsaka hindi siya nasho-showbiz, kaya wala po akong reklamo. He’s very loving. He’s very supportive, sa anak namin.”

Pero pagpapatuloy pa ni Sofia, napaguusapan rin naman nila ang pagpapakasal. Bagamat sa ngayon ay mas pinapatibay pa nila ang kanilang relasyon at ang kasal ay wala sa priority nila.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“He’s very clingy, he’s very sweet, parang siya ‘yung babae eh. Ang cute nga kasi gusto niya ng mga surprises. He’s very adventurous, very spontaneous so I think it keeps the thrill. But siyempre importante pa rin sa mata ng Diyos kasal so we are working on that.”

Ito ang sabi pa ni Sofia.

Sa parehong panayam ay ibinahagi rin ni Sofia kung gaano ka-supportive ang pamilya ni Daniel sa relasyon nila. Sa katunayan, noong time umano na buntis siya ay ito ang mga nag-alaga sa kaniya. Lahat daw ng pangangailangan niya at ng anak niyang si Zoe ay ibinigay ng mga ito. Laking pasalamat niya rin na hindi siya tinalikuran noon ng boyfriend na si Daniel at hanggang ngayon ay maayos silang nagsasama para sa anak nila.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement