Solenn Heusaff: “So far, it has been a pretty easy pregnancy.”

lead image

Solenn Heusaff, may payo sa mga kababaihan. Ito ay ang huwag magmadali at mapresurre sa pag-aasawa at pagkakaroon ng anak.

Solenn Heusaff buntis sa kaniyang first baby. Pero kahit excited at masaya ay ayaw daw nito ng kahit anong gimik o drama sa pagdating ng baby niya.

solenn heusaff buntis

Image screenshot from Solenn Heusaff’s Instagram account

Solenn Heusaff buntis sa kaniyang 1st baby

Kwento ni Solenn sa isang interview niya sa GMA Chika Minute, tanging ang alaga niyang aso na si Pochola ang kasama niya ng malaman niyang buntis siya.

Naiyak at napayakap nalang daw siya sa alagang aso ng makita ang resulta ng pregnancy test niya. Dahil ang asawa niyang si Nico Bolzico noon ay nasa Japan at may kailangang asikasuhin. Ngunit agad niya naman daw itong pinadalhan ng litrato ng pregnancy test result.

Natatawang kwento pa ni Solenn, hindi daw alam ni Nico kung paano mag-rereact sa nalaman. Lalo pa’t nasa loob ito ng bus na puno ng tao ng sabihin niya ang good news.

“I sent him a picture of the [pregnancy] test nung nasa Japan siya.

“Tapos sabi niya, ‘Read it to me! What does it say? I don’t understand. Yes? No?’

“Tapos sabi ko, ‘Yes.’

“Tapos I was calling him and he said, ‘Don’t call me. I’m in a bus full of people. I don’t know how to react. I don’t know what to say.’

Natatawang kwento ni Solenn.

Ayon pa kay Solenn, busy daw siya sa pagtratrabaho sa unang tatlong buwan ng kaniyang pagbubuntis. At ngayong 4 ½ months pregnant na siya, perfect timing daw ito dahil tapos na ang kaniyang mga big projects at buo narin ang dream home nila ng asawang si Nico Bolzico.

Solenn Heusaff sa kaniyang pagbubuntis

Sa blog ni Solenn ay ibinahagi niyang hindi naman daw naging mahirap ang kaniyang pagbubuntis. Wala siyang pinaglilihian at wala ring morning sickness. Pero sabi niya ay tila lasang “iron” o bakal daw lahat ng kinakain niya. At napansin niyang ayaw niya narin ng lasa ng kape.

“So far, it has been a pretty easy pregnancy. I don’t feel super out of place in my own body and there’s no morning sickness so far. I guess the biggest changes are me just taking it easy with work, feeling busog all the time, and tasting iron (weird hahaha) whenever I eat.”

Ito ang pagbabahagi ni Solenn sa kaniyang blog tungkol sa pagbubuntis niya.

Ayaw din daw ni Solenn at ng asawa niyang si Nico Bolzico ng kahit anong gimik o drama sa pagdating ng baby niya. Wala daw baby shower at gender reveal, kahit daw alam na ng doktor nila ang gender ng dinadala niya. Nakiusap daw sila dito na huwag na munang sabihin sa kanila para masuprise sila nito pagkapanganak na.

Reaksyon ni Solenn sa mga unsolicited advice sa kaniya

Marami rin daw natatanggap na messages si Solenn tungkol sa kaniyang pagbubuntis. Lalo na ang mga nag-aalala sa tuwing nagwowork-out siya. Pero sabi ni Solenn, ang mga exercise at workouts na ginagawa niya ay guaranteed safe para sa kaniya at sa kaniyang baby.

“When I post Stories of me working out, so many people get freaked out and message me, but you have to remember that I have been very active for a lot of my adult life.”

“If you don’t work out at all and then you start working out intensely when you get pregnant, that might not be good for you or your baby.”

“But because my body is so used to working out, it’s actually better for me to continue being active, minus certain movements and some ab workouts that will be uncomfortable for me and the baby.”

Ito ang dagdag na pahayag pa ni Solenn sa kaniyang blog.

Solenn Heusaff buntis advice sa mga kababaihan

Nagbigay payo din si Solenn sa mga babaeng tulad niya na naprepressure sa pagkakaroon ng anak noon.

Ayon kay Solenn, huwag daw madaliin ang pagkakaroon ng anak at pag-aasawa. Gawin daw ito kapag ready na. Tulad nila ni Nico na matapos ang tatlong taong pagiging mag-asawa ay saka lang napagdesisyonang magkaanak. At masayang-masaya sila, dahil ngayon ang perfect timing sa pagdating ng kanilang baby na pabiro nilang tinatawag na Baby Bolz.

Ayon kay Solenn, siya ay tinatayang manganganak Enero sa susunod na taon.

Source: GMA Entertainment, Solenn PH

Basahin: Solenn Heussaff, buntis na sa unang anak nila ni Nico Bolzico!

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

app info
get app banner