Solenn Heussaff, buntis na sa unang anak nila ni Nico Bolzico!

TjDm1vif
Solenn Heussaff, buntis na sa unang anak nila ni Nico Bolzico!

Solenn Heussaff inanunsiyo na ang pagbubuntis niya!

Solenn Heussaff pregnant na! Announcement nila ng asawang si Nico Bolzico sa Instagram pinatawa ang mga netizens.

Solenn Heussaff pregnant na!

Sa pinaka latest post sa Instagram ng mag-asawang Solenn Heussaff at Niko Bolzico ay ibinahagi na nila ang balitang matagal ng hinihintay ng kanilang mga fans at kaibigan. Si Solenn, buntis na sa unang anak nila Nico Bolzico!

Kung makikita ang post ni Solenn ay iisiping isa na naman ito sa pagpapatawa episodes ng mag-asawa. Lalo pa’t hindi diretsahan ang pag-anunsyo nila ng pagbubuntis ni Solenn at ginawa ito sa nakakatuwang paraan.

Sa isang larawan na inupload ni Solenn sa kaniyang Instagram account ay makikita siyang nakasuot ng gold sequined jumpsuit habang nakahawak sa kaniyang tiyan. Habang, sa kabilang side ng larawan ay makikita si Nico na nakaupo sa sahig ng banyo at tila nasusuka sa toilet bowl.

Ang caption ni Solenn sa larawan ay:

solenn

@nicobolzico we’re in this together. #BabyBolz 📸@jatadena

solenn heussaff pregnant

Image screenshot from Solenn Heussaff’s Instagram account

Samantala, inanunsyo rin ni Nico sa kaniyang Instagram account ang magandang balita. Ito ay sa pamamagitan naman ng reversed version ng larawan na inupload ni Solenn. Siya naman ang nasa pwesto ni Solenn at naka-jumpsuit, habang si Solenn naman ang naka-long sleeves at pants na nakaupo sa sahig ng banyo at tila sumusuka sa toilet bowl.

Ang caption ni Nico:

nicobolzico

Yes @solenn, we are in this together bebu! #BabyBolz 📸 @jatadena

solenn heussaff pregnant

Image screenshot from Niko Bolzico’s Instagram account

Kinumpirma ni Solenn ang kaniyang pagbubuntis sa pamamagitan ng isang Instagram story post. Sa post ay makikita siyang nakatayo hawak ang kaniyang tiyan habang may baby image na sumasayaw sa kaniyang background. Nagbigay naman ng clue si Solenn kung ilang buwan na ang kaniyang pinagbubuntis dahil sa message na nakasulat sa litrato na “Half way there.”

Solenn Heussaff, buntis na sa unang anak nila ni Nico Bolzico!

Sa sumunod niyang Instagram story ay diretso ng inanunsyo ni Solenn na siya ay 4 1/2 months pregnant na.

solenn heussaff pregnant

Reaksyon ng mga celebrities

Tuwang-tuwa naman ang mga kaibigan pati na ang mga fans nina Solenn at Nico sa magandang balita.

Unang bumati ang bestie ni Solenn na si Isabelle Daza na sinabing ang kanilang Baby Bolz ay lalabas na may abs.

solenn heussaff pregnant

Sunod na bumati si Heart Evangelista kay Solenn na masaya dahil sa wakas daw ay inanunsiyo na nila ang pagbubuntis niya.

solenn heussaff pregnant

Hindi naman siyempre pinalampas ng iba pang mga celebrity friends ang magandang balita ng mag-asawa. Naitanong pa nga ni Liz Uy kung ano ang gustong kainin ni Solenn.

solenn heussaff pregnant

Habang patuloy naman ang bumabahang pagbati mula sa iba pang celebrities at kaibigan nila.

solenn heussaff pregnant

Image screenshot from Solenn Heussaff’s Instagram account

Si Solenn at Nico ay mahigit tatlong taon ng mag-asawa. Ikinasal sila noong May 21, 2016 sa France.

Basahin: 4 marriage tips for seloso husbands mula kay Nico Bolzico

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

app info
get app banner