Ikinuwento ng celebrity couple na sina Solenn Heussaff at Nico Bolzico ang first baby bath experience ni baby Thylane.
Mababasa sa article na ito:
- Solenn Heussaff napatawag sa kaniyang mommy sa first baby bath ni Thylane
- Mga dapat tandaan sa pagpapaligo ng newborn baby
Solenn Heussaff napatawag sa kaniyang mommy sa first baby bath ni Thylane
Masayang ikinuwento ni Solenn Heussaff at husband nitong si Nico Bolzico ang kanilang experience bilang first time parents.
Larawan mula sa Instagram ni Solenn Heussaff
Sa naganap na Cetaphil Summit 2022, ibinahagi nina Solenn Heussaff at Nico Bolzico ang kanilang naramdaman nang unang masilayan ang kanilang baby Thylane. Saad ni Solenn Heussaff, ang husband niya ang unang nakakita kay baby Thylane dahil sumailalim sa Caesarean-section ang aktres.
Ani Solenn Heussaff, umiyak daw ang husband niya nang 45 minutes noong unang makita si baby Thylane. Sang-ayon ni Nico Bolzico, naging super sensitive daw siya nang makita ang anak. Ultimo pagtingin sa magandang halaman ay naiiyak siya.
“Before having Thylane, I don’t remember the last time I cried. That moment I cried like a baby literally.”
“Really the best moment of my life,” dagdag pa nito. Magical experience din daw para kay Solenn Heussaff ang pagsilang kay baby Thylane.
“Just seeing her come out and hearing her cry and knowing that everything went well, is such a magical experience.”
Larawan mula sa Instagram ni Solenn Heussaff
Bukod nga rito ay naikwento rin ni Solenn Heussaff na tinawagan niya ang kaniyang mommy nang unang beses na paliguan sa kanilang bahay ang kaniyang baby. Hindi niya raw alam ang dapat gawin sa first baby bath ni Thylane kaya humingi ng tulong sa ina.
Nagbasa at nanood din daw ng tutorial videos si Solenn Heussaff para magawa nang maayos ang first baby bath ni Thylane, pero nanaig pa rin daw ang kaniyang mother’s instinct.
“Mother instinct, just kind of kicks in… everything you read or hear does help in some ways but it will just happen, it just happened. It’s so magical but it’s so scary.”
Makalipas ang dalawang taon, si Nico Bolzico na raw ang kasama ni Thylane sa shower time. Ipinagmalaki rin nito na potty trained na ang baby nila ni Solenn Heussaff at hindi na dumudumi sa diaper.
BASAHIN:
Nico Bolzico never nagselos sa mga nakatambal ni Solenn Heussaff: “That’s her job. I really respect her profession.”
Angeline Quinto nataranta sa first bath ni Baby Sylvio: “Baka masyadong malamig o mainit ‘yong tubig.”
6 Solid reasons why you shouldn’t bathe your baby just after birth
Mga dapat tandaan sa pagpapaligo ng newborn baby
Kung ikaw ay first-time parent, tiyak na nakakakaba ang pagpapaligo sa iyong baby. Maaring worried ka kung tama ba ang iyong ginagawa dahil sensitive ang skin at body ni baby. Narito ang mga dapat tandaan sa pagpapaligo ng newborn baby:
- Hindi dapat araw-arawin ang pagpapaligo sa newborn baby. Sapat nang paliguan siya nang tatlong beses sa loob ng isang linggo sa mga unang buwan ng baby. Gawin ito hanggang sa siya ay maging mas aktibo. Ayon sa Mayo Clinic, makatutuyo ng balat ng bata ang palaging pagligo.
- Gumamit ng mild soap na especially made for babies para matiyak na safe ito sa iyong newborn.
- Inirerekomenda ng ibang doktor ang sponge bath hanggang tuluyang maputol ang umbilical cord ng bata. Samantala, mayroon namang iba na nagsasabing mahalaga lang na iwasang mabasa ang umbilical area. Importante ring kausapin ang inyong doktor tungkol dito.
- Siguraduhing komportable ang iyong baby.
- Makabubuting paliguan ang iyong baby nang siya ay fully awake at hindi gutom o pagod.
- Siguraduhing warm at cozy ang lugar kung saan mo paliliguan ang anak. Importanteng hindi ginawin ang baby kapag hinubad ang damit.
Larawan mula sa Pexels kuha ng Rodnae Productions
Heto pa ang kailangang siguraduhin para maging safe ang bath time ni baby:
- I-check ang temperature ng tubig. Ilublob sa tubig ang iyong wrist o pulsuhan, o kaya naman ay ang iyong siko. Hindi dapat masyadong mainit o masyadong malamig ang tubig sa pakiramdam ng iyong siko o pulsuhan.
- Bago paliguan ang bata tiyaking nakahanda na ang mga kailangan at madali mo itong maabot.
- Gawing mabilis ang bath time. Ideal na tumagal lamang ito nang lima hanggang 10 minuto.
- Tiyaking hindi iiwan ang iyong anak nang walang bantay kahit na ilang segundo lamang.
- Paliguan ang baby nang puno nang pagmamahal. Gentle dapat ang pagsabon at pagpunas sa kanya dahil sensitibo pa ang balat ng bata.
- Maaaring kausapin ang baby habang pinaliliguan ito upang manatili siyang engaged at hindi masira ang mood. Makatutulong din ito para ma-strengthen ang relationship ng magulang at anak.
Paano paliguan ang newborn baby:
Pwede mo siyang hawakan habang nakahiga sa iyong kandungan o kaya naman ay ihiga siya sa towel o changing mat. Basain ang wash cloth at unang punasan ang kaniyang mukha. Pagkatapos ay punasan ang paligid ng kaniyang mga mata.
Gumamit ng magkaibang wash cloth sa bawat mata. Matapos ito ay maaari mo nang paliguan ang kaniyang ulo gamit ang mild soap habang iniiwasang mabasa ang mata at ilong. ‘Pag nabanlawan na ang ulo ng baby, tuyuin ito pati ang kaniyang mukha tsaka paliguan ang katawan.
Dahan-dahang buhusan ng tubig ang katawan ng baby gamit ang iyong kamay o maliit na tabo. Maaari ka ring gumamit ng wash cloth para pabulain ang soap. Tandaan na gumamit ng magkakaibang wash cloth sa bawat bahagi ng katawan ng baby.
Iwasang mabasa ang umbilical area. Banlawan ang katawan ng baby gamit ang warm water at agad na punasan siya para matuyo.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!