Isang funny na pakulo ang ginawang way nina Solenn Heussaff at asawa niyang si Nico Bolzico para sa announcement na buntis ang aktres sa kanilang second baby.
Mga mababasa sa artikulong ito:
- Solenn Heussaff ni-reveal na siya ay buntis
- Nico and Solenn as first time parents
Solenn Heussaff ni-reveal na siya ay buntis
Kadalasan sa mga actress ay nire-reveal ang kanilang pregnancy through posting sa kanilang social media accounts at interviews. Very unique naman ang naging way ng aktres na si Solenn Heusaff at asawa niyang si Nico Bolzico.
Kilala ang dalawa dahil sa pagiging makulit at pagpa-prank sa isa’t isa. Kaya nga ang kakulitan nilang ito ay dinala rin nila mismo sa revelation ng pagbubuntis ni Solenn Heusaff.
Sa kanilang kaniya-kaniyang Instagram accounts, nag-post ang dalawa ng video kung saan makikita silang nasa screen at may hawak na cellphone si Nico. Sa pagka-caption ni Nico, ng “Wait, what?” labis na na-curious tuloy ang mga netizen sa video na ito kaya agad na pinag-usapan.
Sa video mapapanood na ini-introduce ni Nico ang isang application sa kaniyang mobile phone.
“Hi everyone! We want to show with you this new app we have, is an X-ray app.”
Matapos niyang sabihin ito ay sinimulan niyang i-scan ang sarili at nakita sa app ang skeleton niya. Sinundan naman niyang i-scan kay Solenn ay may nakitang baby sa tiyan ng aktres.
Marami tuloy ang labis na natawa sa pagre-reveal ng mag-asawa sa pagbubuntis muli ni Solenn Heusaff. Napuno na naman ang comments ng pagbati dahil sa panibagong baby na mayroon sila.
Sa Instagram story naman ni Solenn, makikitang ipini-flex na niya ang kanyang 16 weeks baby bump. Nag-post kasi ito ng kanyang mirror selfie na kita ang kanyang growing tummy at may caption na, “Hello 16 weeks. Back to daily injections for bub number 2.”
Ito ang second pregnancy ni Solenn Heussaff. Matatandaan na noong 2020 ay isinilang ng aktres ang kanilang first baby ni Nico Bolzico na pinangalanan nilang Thylane. Sakto sa New Year noong ipanganak si Thylane, at sinabi ni Solenn na best way daw ito sa pagsalubong nila ng bagong taon.
BASAHIN:
Solenn Heussaff sa first baby bath ni Thylane: “It was magical but so scary!”
LOOK: Solenn Heussaff, Nico Bolzico and Thylane on vacation in Spain
Nico at Solenn bilang mga magulang
Hindi rin madali ang maging first time parents para sa mag-asawang Solenn Heusaff at Nico Bolzico. Pagbabahagi ni Solenn, madali lang naman talagang makita ang pagkakamali bilang magulang pero nais niya raw na mas mag-focus siya sa pagkatuto everyday as parents.
“As parents, it’s super easy to think about all the mistakes you’re making. But I guess I want to say that we can all definitely go easier on ourselves, focus less on the ‘mistakes’ and think of our new lives as parents as one big learning thing,”
Pagpapatuloy pa niya, kung ang bawat bata raw ay unique, ganun din dapat ang pagtingin sa mga magulang. Naniniwala siyang may iba’t ibang parenting style at hindi nangangahulugan na magkakaiba ay mali na ito,
“Just because it’s not like how everyone is doing it, doesn’t mean it’s wrong. We always say that every child is unique. That’s super true and I also want to add that every parent is too.”
Ibinahagi niya rin ang depression na napagdaanan dahil sa kaniyang unang pagbubuntis. Gaya rin daw ng maraming nanay, napagdaanan niya rin daw ang pagkakaroon ng insecurity sa kanyang katawan sa tuwing titingin sa salamin.
Nada-down daw siya sa tuwing nakikita niyang maraming pagbabago sa kanyang sarili ngunit matapos daw ang 6 na buwan ay nagbago ito at muling nanumbalik ang pagmamahal niya sa sarili,
“It’s not the body you used to know. It’s just different. For some people, it is hard to understand or accept. I was depressed I think the first two months, I just felt gross. I couldn’t look at myself in the mirror.”
“Everything is just not the same. You don’t fit in your clothes. It changed after six months.”
Matapos ang kanyang low moments dahil sa pagbubuntis ay binigyan niya ng time ang sarili upang hindi na siya ma-down. Hindi na raw niyang hahayaang pabayaan pa ang sarili dahil gagawin niya raw ang mabubuting bagay para sa kanyang anak.