Solenn Heussaff at Nico Bolzico alam na ang gender ng kanilang baby #2. Nico may paalala na agad sa pangalawang anak nila ni Solenn.
Mababasa dito ang mga sumusunod:
- Solenn Heussaff at Nico Bolzico baby #2 gender.
- Pagbubuntis ni Solenn Heussaff.
Solenn Heussaff at Nico Bolzico baby #2 gender
Ini-reveal na ng mag-asawang sina Solenn Heussaff at Nico Bolzico ang gender ng kanilang baby #2. Ang mag-asawa ginawa nito sa nakakatawang paraan.
Sa Instagram ini-reveal ng mag-asawa ang gender ng kanilang pangalawang anak. Ito ay sa pamamagitan ng isang video na makikitang nagsimula sa solong kuha ni Nico na tila may kinakausap. Ang topic ng kanilang usapan ay tungkol sa pagbo-boyfriend.
“I know you’re very young, but you are my daughter, and we need to have this conversation about boyfriends.”
Ito ang panimulang sabi ni Nico na kung aakalain mo ay nakikipag-usap sa panganay nila ni Solenn na si Thylane. Pero nang mag-zoom in ang camera si Nico ang kinakausap pala ay ang baby sa sinapupunan ni Solenn.
“Don’t worry, I’ll make it short. You cannot have a boyfriend until you’re 23 years old. Love you!”
Ito ang pagpapatuloy pa ni Nico na sinundan ng halik sa tiyan ni Solenn.
Si Solenn naman humarap sa camera at ngumiti.
View this post on Instagram
Ang mga friends ng mag-asawa tuwang-tuwa sa paraan na naisip nila para i-reveal ang gender ng kanilang pangalawang anak. Ito ang ilan sa naging reaksyon nila.
Iza Calzado: Hahahaha!!! Love this!!!
Ang mga netizens nagbahagi rin ng reaksyon nila sa nakakatuwa at kakaibang baby gender reveal na ito nila Solenn at Nico.
“Subtle way of announcing baby gender! Congratulations! Another beautiful baby girl like her Ate Tili.”
“Love the gender reveal way.”
“Unique gender reveal.”
Pagbubuntis ni Solenn Heussaff
Matatandaang Hulyo nitong taong ng i-anunsyo ni Solenn na siya ay buntis sa pangalawa nilang anak ni Nico. Siya ay noon ay 17 weeks na.
Si Nico ginawa naman ang pag-aanunsyo sa pagbubuntis ni Solenn sa nakakatuwang paraan. Ito ay sa pamamagitan ng x-ray kung saan makikitang may baby sa loob ng tiyan ni Solenn. Ito ay ginawa niya rin sa Instagram.
Samantala, sa isang panayam ay sinabi ni Solenn na Marso ngayong taon noong malaman niyang siya ay nagdadalang-tao. Pag-amin niya ay wala ito sa plano nila ni Nico. Kung tutuusin ay napaaga daw ito dahil sa susunod na taon pa sana nila balak sundan ang panganay nilang si Thylane.
Sa isang panayam ay minsan ng ibinahagi ni Solenn na ready na sila ni Nico na sundan ang panganay na si Thylane. Ito ay nang magdalawang-taon gulang na ang anak. Dahil pagbabahagi ni Solenn gusto niya ng dalawang anak. Bagamat naudlot lang ito dahil sa pangamba ng celebrity mom sa kumakalat na sakit na COVID-19.
“Actually, gusto ko to be quite honest because 36 na ako, and gusto ko ng dalawang anak. So now would be the perfect time but let’s see. Baka sometime next year kasi takot din ako sa delta variant kasi yung first pregnancy ko, mahirap.”
Ito ang nasabi ng aktres sa panayam sa kaniya ng programang 24-oras ng GMA.
Noong una, ilang buwan matapos maipanganak si Thylane ay inamin ni Solenn na matagal rin bago sila nagtalik muli ng mister na si Nico Bolzico. Dahil pag-amin ng sexy mom siya ay natakot at tila na-trauma sa naging panganganak.
Solenn umaming bahagyang natakot mabuntis ulit matapos maipanganak si Thylane
“Personally, I was C-sectioned. I don’t know if its subconsciously in my head but we are chopped down there from 9 different layers. So, I’m still a little bit scared and I’m not yet ready to be quite on this, and I know it’s been a while and some moms are like, ‘what the but’ that’s the truth.”
Ito ang pag-amin ni Solenn.
Sa naging choice noon ni Solenn ay suportado naman siya ng mister niyang si Nico. Ayon pa kay Nico ay handa siyang mag-antay sa oras na handa na si Solenn. Dahil hindi niya naman daw alam kung ano ang eksaktong pinadaanan nito noong nagbuntis at nanganak. Kaya naman irerespeto niya ang desisyon nito. Aantayin niya umano ang oras na kapag ready na siyang sumabak ulit sa aksyon sa pakikipagtalik.
“For me, after the women gave birth, it’s on her time. We just need to wait as long as we need. Because we didn’t go through pregnancy. We supported the pregnancy and that has nothing to do with going through pregnancy. So, they are the bosses.”
“If they want to go back to action, we should be ready. Or if they want to wait, we should be ready. If they wanna try and then stop, we should be ready. And if they want to go in a different direction from before, we should be ready.”
Ito ang sabi pa noon ni Nico.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!