Nico Bolzico sa panganganak ni Solenn sa kanilang 2nd baby: “We just have a super healthy baby girl.”

Solenn wala paring pahayag sa naging panganganak pero pagbati sa celebrity couple bumabaha na sa kanilang social media accounts.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Solenn Heussaff ipinanganak na ang second baby nila ni Nico Bolzico. Tingnan dito kung paano inanunsyo ni Nico ang magandang balita.

  • Solenn Heussaff gives birth to second baby.
  • Motherhood journey ni Solenn Heussaff.

Solenn Heussaff gives birth to second baby

Larawan mula sa Instagram account ni Solenn Heussaff

Nitong mga nakaraang araw ay ibinahagi ng model-actress na si Solenn Heussaff ang mga larawan sa kaniyang naging maternity shoot. Doon ay makikita kung gaano ka-hot ang celebrity mom ng mga sandaling iyon ay inaabangan na ang nalalapit na pagdating ng kaniyang second baby.

Pagbabahagi nga ni Solenn ay wala siyang naiisip na peg para sa kaniyang maternity shoot. Pero buti na lang at napapaligiran siya ng mga creative na kaibigang tumulong sa kaniyang mag-comeup sa isang productive photoshoot at talaga nga namang nakaka-amaze na maternity photos.

“When you decide to have a shoot and come with no pegs in mind, but you are surrounded with creatives like @bjpascual @lizzzuy @robbiepinera @santiagoraymond @stylizedstudio.”

Ito ang sabi ni Solenn sa isang Instagram post.

Kasama rin sa mga larawang ibinahagi ni Solenn ay ang cute na picture ni Thylane na hinahalikan ang kaniyang buntis na tiyan.

“See you soon”, ang caption pang inilagay ni Solenn na tumutukoy sa nalalapit ng panganganak niya sa second baby nila ni Nico Bolzico.

Kahapon, nag-share rin si Solenn ng larawan na karga-karga niya si Thylane. Sa caption ng larawan ay may sweet na mensahe siya para sa kaniyang unica hija.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“You will always be my baby, just heavier to hold.”

Larawan mula sa Instagram account ni Solenn Heussaff

Ilang oras rin matapos i-upload ni Solenn ang larawan nila ni Thylane ng magkasama ay sinundan niya ito ng pagbibida ng kaniyang tiyan na bilog na bilog at anytime ay mukhang puputok na. Ang caption ni Solenn ay “She’s ready to come!” na tila pahiwatig na siya ay manganganak na.

Kasunod ng post na ito ni Solenn ay may pasabog na IG video ang mister niyang si Nico Bolzico. Sa video ni Nico na nakasuot pa ng blue gown at cap na tila siya ay nasa loob ng ospital ay masayang ibinahagi ni Nico ang sentiments sa pagkapasok ng Argentina sa finals ng World Cup. Dinugtungan niya ito ng balitang nanganak na si Solenn.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“What a crazy day today Argentina qualified to the final of the World Cup, with Messi played a great game. And we just have a super healthy baby girl.”

Sa excited na pahayag ni Nico na ito ay maririnig na sumigaw si Solenn ng “No” na tila nais pigilan si Nico sa kaniyang mga sinasabi.

Sa kasunod na video ay mas seryoso at mukhang feeling sorry si Nico. Dahil sa naunang video ay mas na-excite siya sa pagkapanalo ng Argentina. Pero si Nico super happy and blessed sa pagdating ng second daughter nila ni Solenn.

“My daughter being born is a million times more important than the finals of the World Cup and it’s very unfortunate that I actually mentioned them both in my previous comment.”

Ito ang sabi pa ni Nico.

 
 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa caption naman ng kaniyang post ay nagpahaging si Nico ng pangalan ng kanilang baby girl. Ang second name nito alinsunod sa pangalan ng Argentinian professional footballer na si Lionel Messi. Ayon sa Argentinian businessman at social media celebrity ay approved naman ito sa misis niyang si Solenn.

“I let her mama to introduce her later, but one thing is confirmed, her second name is “Lionel”. Mama is healthy and happy also! #MamaApprovedTheSecondName

Sa post na ito ni Nico ay bu maha ang pagbati ng mga celebrity friends nila na very happy rin sa balitang ito ni Nico.

missizacalzado Hahahaha!!! Congratulations, Nico!!! Both on the new child, Lionel, and Argentina’s win!!! ❤❤❤

iloveruffag Congratulations, woohoooo!!!
nacinorocco
Congrats nico and sos!!

vanessamatsunaga  felicitaciones on the baby, good job mama @solenn ❤

Motherhood journey ni Solenn Heussaff

Larawan mula sa Instagram account ni Solenn Heussaff

Hanggang ngayon si Solenn ay walang pang ibinibigay na detalye sa kaniyang naging panganganak. Bagamat kahapon ay nakapagupload pa siya ng video ni Thylane sa kaniyang IG stories na tila nasa isang Christmas party. Si Thylane sa video ay makikitang nakikipag-usap kay Santa Claus.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Matatandaang Hulyo nitong taon ng ibahagi ni Solenn na siya ay buntis sa kaniyang second baby. Si Nico naman ibinahagi sa unique na paraan ang pagbubuntis ni Solenn. Ito ay sa pamamagitan ng isang x-ray app na kung saan ng itapat sa tiyan ni Solenn ay may image ng skeleton ang nakita. Buwan naman ng Setyembre ng i-share ng celebrity couple na ang second baby nila ay isang girl.

Matatandaang 2020 naman ng isilang ng aktres ang kanilang first baby ni Nico Bolzico na ipinangalanan nilang Thylane Katana. Ito ay ipinanganak sa mismong araw ng bagong taon.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement