Solenn Heussaff ibinahagi ang paghahandang ginagawa sa anak na si Thylane sa pagiging ate

Solenn ikinuwento rin ang ginagawa niyang paghahanda kay Thylane para hindi ito magselos at maging good ate sa kaniyang baby sister.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Solenn Heussaff ganito kung paano inihahanda ang anak na si Thylane sa pagkakaroon ng baby sister.

Mababasa dito ang sumusunod:

  • Paano inihahanda ni Solenn Heussaff ang anak na si Thylane sa pagdating ng kaniyang baby sister.
  • Pagbubuntis ni Solenn Heussaff.

Paano inihahanda ni Solenn Heussaff ang anak na ai Thylane sa pagiging ate

Larawan mula sa Instagram account ni Solenn Heussaff

Nalalapit ng maging mom of two ang model-actress na si Solenn Heussaff. Ang panganay niyang anak na si Thylane ay magtatatlong taong gulang na ngayong Enero at magiging ate na soon sa kaniyang paparating na baby sister.

Sa isang panayam ng theAsianparent Philippines sa celebrity mom ay natanong ito sa kung ano ang ginagawa niyang paghahanda sa anak na si Thylane sa pagiging ate sa dagdag na miyembro sa kanilang pamilya.

Kuwento ni Solenn, kinakausap niya si Thylane tungkol sa kanilang new baby. Ipinapaliwanag niya dito at ipinapaintindi sa abot ng kaniyang makakaya kung gaano kahalaga para sa kanilang pamilya ang pagdating nito.

Pero ayon kay Solenn, sinisiguro niya na balance o hindi masyadong madalas ang pagkukuwento niya kay Thylane tungkol sa kaniyang baby sister.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ito ay para maiwasan nito umanong magselos at huwag isipin na lagi lang ang baby ang inaalala ng celebrity mom. Para nga raw mas maintindihan ng anak ang tungkol sa kaniyang pagbubuntis ay ito ang ginagawa ni Solenn.

“I talked to her about the baby once in a while. Then I showed her photos of what it looks like inside the stomach.”

Ito ang sabi ni Solenn.

Pagpapatuloy pa ng celebrity mom, ini-introduce niya ang idea ng pagkakaroon ng sister o kapatid sa anak sa tulong ng mga libro. Sa oras nga na makapanganak na siya ay may inihahanda na siyang gawin para kay Thylane na maglalapit agad sa loob niya sa kaniyang baby sister.

“Mayroon na rin akong mga libro about sisters and everything. Narinig ko lang I need to have a gift for her sa hospital na galing sa kapatid niya.”

Ito ang sabi pa ni Solenn.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ayon pa rin sa celebrity mom, may napansin siyang pagbabago sa ugali ng anak na si Thylane mula ng siya ay mabuntis sa kaniyang second baby. Kaya naman ginagawa niya ang lahat ng puwedeng gawin para hindi ito magselos sa kaniyang kapatid.

“Dati iniiwan ko siya sa room niya, sabi ko “good night” tapos aalis ako. Ngayon kailangan ko ng tumabi sa kaniya until matulog siya. Second, yung bottle binibigay ko sa kaniya sa kama then I let her fell asleep.”

“She is acting like a little girl again but it’s so cute.”

Ito ang pagkukuwento pa ni Solenn sa anak niyang si Thylane.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Instagram account ni Solenn Heussaff

Dagdag pa niya, nakakatulong rin na pumapasok na si Thylane sa school ngayon. Kaya naman may routine na ito at mas madaling nakakapag-adjust sa mga bagay-bagay sa paligid niya. Pero aminado si Solenn na malaki ang adjustment na need nilang gawin sa pagdating ng kaniyang new baby.

“We are so use with our little family at the moment. I don’t know yet how its gonna happen. But at least now si Thylane nag-school na siya, she has her routines.”

Para nga daw magkaroon parin ng oras sa anak na si Thylane kahit may new baby na ay kukuha na ng househelp si Solenn.

“I think I have to get help this time. Si Thylane wala siyang yaya. So I bring her to school. I prepare her meal plan. Kapag nasa bahay ako I’m full time to her so ‘yon wala akong masyadong time to paint and everything.

So with this one I need to get someone para at least during the day I can spend time with Thylane and at night with the baby.”

Pagbubuntis ni Solenn Heussaff

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Instagram account ni Solenn Heussaff

Bagamat mas chill o relax daw ngayon ang pangalawa niyang pagbubuntis, pag-amin ni Solenn ay back to zero siya. Siya ngayon ay bumabalik sa pag-aaral umano tungkol sa paghahanda sa nalalapit na panganganak at higit sa lahat sa muling pag-aalaga ng new born.

“I have to go back to the nightmare phase of breastfeeding and I need to read books again kasi nakakalimutan ko yang mga phase na ‘yan.”

Kuwento pa ng celebrity mom, kung pahihintulutan gusto niyang manganak sa pamamagitan ng normal vaginal birth delivery. Matatandaang ipinanganak ni Solenn si Thylane sa pamamagitan ng cesarean.

Matatandaang nitong Hulyo ng ibahagi ni Solenn na siya ay buntis sa second baby nila ng mister na si Nico Bolzico. Si Solenn ginawa ito sa pamamagitan ng pagbabahagi ng larawan niyang buntis sa Instagram.

Habang ang kuwelang mister niyang si Nico ay ginawa ito sa kakaibang paraan. Gamit ang isang x-ray scanner app ay ipinanakita ni Nico sa isang video na may baby sa loob ng tiyan ni Solenn. Tulad ng panganay nilang si Thylane ay isa paring girl ang kanilang second baby.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement