Ikinakasa ngayon sa Senado ang Expanded Solo Parent Benefits Philippines. Ito ay para bigyang pansin ang mga magulang mag-isang tinataguyod ang mga anak.
Picture from Unsplash
Expanded Solo Parents’ Welfare Act or Senate Bill No. 164
Matatandaang taong 2018, nais ibahin ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang batas sa Solo Parent upang madagdagan ang karapatan at benepisyo ng mga magulang na mag-isang itinataguyod ang anak na wala pa sa legal na edad.
Dagdag nila na pwedeng mag-apply ng Solo Parent ID kabilang na ang mga: namatayan ng asawa; inabandona ng asawa; hiwalay sa asawa; nakulong ang asawa dahil sa krimen; naging biktima ng pang-aabuso; annulled man o hindi. Ngunit magkaiba pa rin ang benipisyo ng working at non-working solo parent.
Noong nakaraang January 20, taong kasalukuyan, naglabas ng update ang Senado tungkol sa Expanded Solo Parents’ Welfare Act or Senate Bill No. 164. Inutos din ni Akbayan Senator Risa Hontiveros sa mga pribadong kompanya na mayroong 100 employee na magtayo at gumawa ng Daycare Facilities.
Ayon kay Hontiveros, and bill na ito ay sumasalamin sa paghihirap at mga balakid ng isang solo parent. “Raising a child is daunting, but raising a child alone constitutes a specific set of challenges and difficulties,” dagdag nito.
Picture from DSWD
Ano ang mga solo parent benefits sa Philippines?
- Seven (7) additional days na parental leave
- 20% discount sa mga serbisyo ng mga pribadong sektor
- Childcare costs
- Tuition Fee ng anak
“Sheroes’ ang mga kapwa ko solo moms, ganun din ang mga tatay na mag-isa lang. Solo parents play multiple difficult roles,” giit ni Sen. Hontiveros
Ang Expanded Solo Parents’ Welfare Act or Senate Bill No. 164 ay naglalayong pahalagahan ang mga magulang na mag-isang itinataguyod ang kanilang mga anak na wala pa sa tamang edad. Kasama na rin dito ang mga nilalapat na benepisyong makakatulog sa mga magulang. Binigyang pansin rin ang mga Overseas Filipino Workers na matagal nang hindi nakasama ang pamilya dito sa Pilipinas.
“Parang mga solo parents na rin ang ilan sa mga asawa ng OFWs natin,” sabi ni Hontiveros. “Minsan, more than a year na nasa abroad ang asawa. Kailangang suportahan ang mga asawa ng ating mga OFWs. We need to extend the solo parents’ benefits to them too,” dagdag nito.
Kasama rin sa Bill na ito ang pag-gawa ng ‘Solo Parents Affairs Office’. At nagrereuqire sa bawat barangay na gumawa ng Solo Parents’ Help Desk na maaring takbuhan ng mga solo parents kasama ang kanilang mga anak.
Isa sa layunin ng Bill na ito ay ang tulungan ang mga Solo parents na nahihiparan sa pagpapalak sa kanilang mga anak.
“Gusto kong malaman ng mga single tatay at single nanay na katulad ko na may nakikinig sa kanilang mga hinaing. We want to support our solo parents the best way we can. Ang isinusulong nating mga benepisyo ay mga konkretong solusyon,”
-Akbayan Senator Risa Hontiveros

Picture from GMA
Hindi lang ang Expanded Solo Parents Welfare Act ang pinapag-usapan ngayon sa Senado. Kasama na rin dito ang Teenage Pregnancy Prevention Bill (Senate Bill No. 161) na pinapangunahan din ni Sen. Hontiveros. Sa Bill na ito tumutukoy ang pagpigil sa bansa teenage pregnancies na kasalukuyang kinakaharap ng bansa.
Source: Senate of the Philippines
BASAHIN: Solo parent ID: Kwalipikasyon, application, at benepisyo , Solo parent’s guide: Your rights and privileges , P500 monthly allowance para sa solo parents, senior citizens, PWD, at Grade 12 students
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!