Mayroon bang hindi kaaya-ayang amoy ang iyong kilikili?
Kung nasubukan mo na ang iba't ibang uri ng deodorant ngunit hindi pa rin nawawala ang mabahong amoy na iyon, 'wag mawalan ng pag-asa. Naglista kami ng mga solusyon sa mabahong kilikili na maaari mong sundin. Plus, naghanda rin kami ng mga produktong makakatulong sa pagtanggal ng di kanais-nais na amoy na iyan.
[caption id="attachment_489702" align="aligncenter" width="1200"] Solusyon Sa Mabahong Kilikili: Mga Epektibong Produkto Online[/caption]
Patuloy na magbasa at alamin kung anu-ano nga ba ang mga solusyon at produktong dapat gamitin para sa mabahong kilikili.
Solusyon sa mabahong kilikili: Mga Produkto
[product-comparison-table title="Solusyon sa mabahong kilikili"]
Best Antibacterial Body Wash
[caption id="attachment_489704" align="aligncenter" width="1200"] Solusyon Sa Mabahong Kilikili: Mga Epektibong Produkto Online | Dove[/caption]
Malaking papel ang ginagampanan ng body wash sa paglilinis ng katawan. Kaya naman kung kasalukuyan kang nakakaranas ng body odor, mas makakabuting pumili ng body wash na may anti-bacterial formulation gaya ng Dove Care & Product.
Ang kagandahan sa produktong ito ay gentle pa rin ito sa balat kahit na mayroon anti-bacterial feature. Nagtataglay ito ng 1/4 moisturizing cream kaya naman napapanatili nito ang moisture at lambot ng skin. Bukod pa riyan ay sinamahan pa ito ng matcha extract na isang natural anti-bacterial agent at nakakatulong sa pag-iwas ng bacterial growth sa balat lalo na sa mga singit singit ng katawan.
Nag-iiwan din ito ng mild at refreshing scent na hindi nakakairita sa balat.
Features we love:
- Anti-bacterial
- 1/4 moisturizing cream
- Mild at refreshing scent
Best 2-in-1 Cleanser
[caption id="attachment_489706" align="aligncenter" width="1200"] Solusyon Sa Mabahong Kilikili: Mga Epektibong Produkto Online | Sebamed[/caption]
Para naman sa mga may sensitive skin ang face and body wash na ito from Sebamed. Extra mild ang formulation ng produktong ito kaya't siguradong hindi nakakairita. Mayroon itong olive oil na maraming benepisyo sa balat gaya ng pagpapalambot at pagmoisturize nito. Bukod pa riyan ay maaari rin itong makatulong sa pag-iwas sa body odor.
Karagdagan, nagtataglay din ang face and body wash na ito ng Panthenol at plant-based starch na nakakapagpakalma ng irritated skin. Tiyak din na maiiwasan ang bacterial growth dahil sa 5.5 pH level ng produktong ito.
Features we love:
- Face at body wash
- Olive oil, panthenol at plant-based starch
- 5.5 pH level
Best Antimicrobial Body Soap
[caption id="attachment_489707" align="aligncenter" width="1200"] Solusyon Sa Mabahong Kilikili: Mga Epektibong Produkto Online | Cetaphil[/caption]
Kung sabon naman ang ginagamit mong panligo, mahalagang gumamit ng mild soap na may antimicrobial feature upang makaiwas sa body odor. Best choice ang Cetaphil Ultra Protect Cleansing Bar dahil kaya nitong labanan ang odor-causing bacteria habang napapanatili ang moisture at hydration ng balat.
Higit pa riyan ay may kakayahan din ang sabon na ito na protektahan ang balat mula sa dryness, irritation, roughness, tightness at weakened skin barrier. Ito ay dahil sa gentle ingredients na nilalaman nito gaya ng Glycerin na nagpapalambot ng balat, Niacinamide na nakakapagpakalma ng balat at nakakapag-improve ng complexion, at Panthenol na nakakapagmoisturize ng balat.
Suitable ito para sa lahat ng skin types, maging sa mga mayroong sensitive skin.
Features we love:
- Fights odor-causing bacteria
- Glycerin, Niacinamide at Panthenol
- Suitable for all skin types
Best Underarm Scrub
[caption id="attachment_489708" align="aligncenter" width="1200"] Solusyon Sa Mabahong Kilikili: Mga Epektibong Produkto Online | Oh Scrrrub[/caption]
Nakakatulong din ang pag scrub ng underarms upang masolusyonan ang problema sa mabahong kilikili. Kaya naman kung wala ka pang ginagamit ng scrub para sa iyong underarms, perfect ang Oh Scrrrub Pineapple and Papaya Exfoliating Cream.
Bukod sa nakakatanggal ito ng dead skin cells, dumi at impurities sa kilikili, may kakayahan din itong makapagpaputi ng balat dahil sa taglay nitong Carica Papaya extract. Maaari rin itong gamitin bilang butt scrub at sa iba pang parte ng katawan na kinakailangan maexfoliate upang lumambot.
Features we love:
- Exfoliating Cream
- Nakakapagpaputi ng kilikili
- Maaari ring gamitin sa ibang parte ng katawan
Best Deodorant for Women
[caption id="attachment_489709" align="aligncenter" width="1200"] Solusyon Sa Mabahong Kilikili: Mga Epektibong Produkto Online | Dove Deo Spray[/caption]
Importante rin na gumamit ng deodorant upang makaiwas sa mabahong amoy ng kilikili. At ang magandang choice ng deodorant para sa mga kababaihan ay ang Dove Ultimate Repair Deodorant Spray.
Isa itong anti-perspirant spray na nakakapagbigay ng 48 hours protection mula sa hindi kaaya-ayang amoy. Ang kagandahan pa rito ay nakakatulong din ito sa pagpapaputi ng dark marks at nakakapagpalambot ng balat dahil sa Niacinamide. Hindi rin nawawala ang 1/4 moisturizing cream na signature ingredient ng Dove products na nagbibigay ng intense moisturization sa underarms.
Features we love:
- Anti-perspirant
- 48 hours protection sa body odor
- Niacinamide at 1/4 moisturizing cream
Best Deodorant for Men
[caption id="attachment_489710" align="aligncenter" width="1200"] Solusyon Sa Mabahong Kilikili: Mga Epektibong Produkto Online | Nivea Deo Spray[/caption]
Para naman sa mga kalalakihan, best pick ang Nivea Men Deodorant Black and White Spray. 48 hours protection din ang nabibigay nito mula sa pawis at odor. At ang kagandahan pa rito ay hindi ito nag-iiwan ng yellow stain sa damit.
Mayroon itong antibacterial feature kaya't makakatiyak kang maiiwasan ang mabahong kilikili habang gamit ito. Gentle lamang din ito sa balat at Dermatologist-tested pa.
Features we love:
- 48 hours sweat and odor protection
- Antibacterial
- Anti-yellow stain
Price Summary
Brands |
Pack size |
Price |
Dove Body Wash |
1 l |
Php 701.00 |
Sebamed Face and Body Wash |
200 ml |
Php 688.00 |
Cetaphil Cleansing Bar |
127 g |
Php 430.00 |
Oh Scrrrub Exfoliating Cream |
100 ml |
Php 150.00 |
Dove Deodorant Spray |
150 ml |
Php 286.00 |
Nivea Men Deodorant Spray |
150 ml |
Php 280.00 |
Solusyon sa mabahong kilikili: Mga Tips
Narito ang ilang mga tips na maaari mong sundin upang mawala ang hindi kaaya-ayang amoy ng iyong kilikili:
- Maligo araw-araw. Banayad na linisin ang buong katawan at huwag kalimutan ang kilikili. Gumamit ng body wash o sabon na gentle at may antibacterial feature na makakatulong sa pagtanggal ng mga bacteria sa iyong kilikili na nagiging sanhi ng body odor.
- Bago maglagay ng deodorant, siguraduhing tuyo ang iyong underarms. Piliin ang deodorant na walang halong strong chemicals na maaaring makairita at magpaitim ng iyong balat.
- Maglinis ng katawang pagtapos mag-ehersisyo. Ito ay makakatulong din para makaiwas sa bacterial growth partikular sa kilikili.
- Labhang maigi ang mga damit. Gumamit ng detergent na may antibacterial or antimicrobial feature upang matanggal ang mga microorganisms na nasa iyong damit. Sa paglalaba, bigyan ding pansin ang parte ng damit na nadidikit sa iyong kilikili.
- Iwasan ang paghiram ng damit sa ibang tao.
- Kung bibili ng mga segunda manong damit, labhan ito maigi at i-sanitize bago suotin.
Makabubuti ring kumonsulta sa mga health care professionals upang malaman ang sanhi ng iyong body odor at mabigyan ng karampatang gamot kung kinakailangan.
Sa pagsunod ng mga tips na ito at paggamit ng mga produktong makakatulong sa iyong problema, tiyak na babalik ang iyong self confidence at hindi na muling mahihiya nang dahil sa iyong body odor.