Son Ye Jin pregnant sa kanilang first baby ni Hyun Bin!

Marami ang natuwa nang ianunsyo ni Son Ye Jin na siya ay buntis!

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Siguradong magdidiwang ang mga 'Crash Landing On You' fans! Ito ay matapos ianunsyong pregnant na si Son Ye Jin sa kaniyang mister na si Hyun Bin.

Mababasa ang sumusunod sa artikulong ito:

  • Son Ye Jin announces she is pregnant
  • Reaction of netizens
  • Love story of Son Ye Jin and Hyun Bin

Son Ye Jin announces she is pregnant

Sa wakas ay magkakaroon na ng baby ang Korean celebrity couple na sina Son Ye Jin at Hyun Bin!

Ito ay matapos ianunsyo ng aktres sa kaniyang Instagram post ang tungkol sa kaniyang pregnancy. Saad niya, may masayang balita siyang ibabahagi sa kaniyang mga followers.

"Today I want to carefully share some joyful news. A new life has come to us."

Saad ng sikat na Korean actress, sa ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala. Lalo at may mga pagbabago sa kaniyang katawan. Binahagi rin ni Son Ye Jin ang kaniyang emosyon na nararamdaman ngayong pregnant siya.

"I'm still a bit dazed, but I am feeling changes in my body every day with concern and excitement."

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan kuha mula sa Instagram account ng Vast Entertainment

Ayon pa kay Son Ye Jin, wala pa rin daw siyang pinagsasabihan tungkol sa kaniyang pagbubuntis. At ito ang unang beses na binahagi niya ang good news tungkol sa bubuuin nilang family ni Hyun Bin.

"Before it gets later, I am sharing this news with fans and acquaintances who must have been waiting as much as us."

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

"We will make sure to protect the valuable life that has come to us. I hope all of you will also protect what is valuable in your lives and live in good health."

Ito ang magiging first baby ng Korean powerhouse couple. Matatandaan na nagkasama sila sa sikat na drama series na 'Crash Landing On You'. Hindi naman nagbigay ng detalye kung ilang buwan na ang pagbubuntis ng aktres.

Larawan kuha mula sa Instagram account ng Vast Entertainment

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Reaction of netizens

Samantala, marami namang Korean drama fans ang natuwa sa balitang hinatid ni Son Ye Jin.

Marami ang nagpaabot ng congratulatory messages sa couple ngayong magkakaroon na sila ng baby.

Heto ang ilan sa mga reaksyon ng mga netizens ukol sa pagbubuntis ni Son Ye Jin.

"Congratulations, Ye Jin!! So happy for you! May God bless you with a beautiful and healthy baby."

"I’m soo happy for you both, congratulations!! Sending you soo much love and praying for happy and healthy pregnancy."

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

"OMG eonnie. This is the news we are waiting for. So happy for you both!! Please take care of yourself and the baby."

"Congratulations Hyun Bin and Yejin!! They are now expecting their first child. My fave couple is slowly building their own family now."

BASAHIN:

South Korean star Park Shin Hye gives birth to her first child with Choi Tae Joon!

LOOK! Korean stars Hyun Bin at Son Ye Jin bumiyaheng USA para sa honeymoon

Mahilig sa K-Drama si mommy? 20 Korean baby names and their meanings

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Love story of Son Ye Jin and Hyun Bin

Taong 2018 ay nagkaroon na sila ng pelikula na may title na 'The Negotiation'. Pero mas lalong nakilala ang kanilang tambalan dahil sa 'Crash Landing On You' noong 2019.

Sa naturang Korean drama series, gumanap si Hyun Bin bilang Ri Jeong-Hyeok, isang sundalo mula North Korea. Si Son Ye Jin naman ay si Yoon Se Ri, na isa namang sikat na personalidad sa South Korea.

Ang karakter ng dalawa ay na-develop sa isa't isa hanggang sa mauwi ito nang tuluyan sa pag-iibigan. Ganun din ang nangyari sa tunay na buhay nang ianunsyo nila noong January 2021 na sila ay magkasintahan na.

Larawan kuha mula sa Instagram account ni Son Ye Jin

March 2022 ay sinelyuhan na nila ang kanilang pag-iibigan. Ito ay matapos magpakasal sina Son Ye Jin at Hyun Bin.

Naging pribado ang kasal ng couple. Na ayon sa mga ulat ay 200 guest lamang ang inimbitahan. Kasama na rito ang ilan sa kanilang kapamilya at kaibigan.

"The ceremony will be private in consideration of the situation with COVID-19, so we ask for your generous understanding."

Ayon sa pahayag ng kanilang agency na VAST Entertainment at MSTeam.

Kilala si Hyun Bin bilang isa sa mga pinakasikat na aktor sa South Korea. Naging tanyag siya sa ilang projects tulad ng 'My Name Is Kim Sam-soon', 'Confidential Assignment', 'Secret Garden, at 'Hyde, Jekyll, Me'.

Samantalang si Son Ye Jin naman ay isa ring award-winning actress mula sa South Korea. Ilang Best Actress award na ang kaniyang naiuwi mula 2008 hanggang 2017.

Samantala, ilan sa kaniyang mga notable projects ay ang 'A Moment To Remember', 'Classic' at 'Thirty Nine'.

Congratulations, Son Ye Jin at Hyun Bin!