Isa ka bang expecting mother na mahilig manood ng K-drama at humahanga sa mga K-pop artists? Kung oo, malalaman mo sa article na ito kung ano ang mga popular na Korean baby names na pwede mo ring ipangalan sa iyong anak!
Mababasa sa artikulong ito ang mga sumusunod:
- Popular Korean baby names for girls
- Korean baby names for boys
Popular Korean baby names for girls
Kung minsan, hindi madali para sa mga magulang ang mag-isip nang mag-isip kung ano nga ba ang maganda at babagay na pangalan para sa kanilang magiging anak. Dagdag pa ang kagustuhan na mayroong ibig sabihin ang ipapangalan sa kanilang supling.
Kung kaya naman marami ang kumokonsulta sa kanilang mga kaibigan o kaya ay kamag-anak para matulungan sila sa pagdedesisyon. Minsan naman ay binabase nila ang name ng kanilang baby sa kanilang mga favorite. Kaya naman kung mahilig kayo sa anything Korean, posibleng makatulong ang list na ito para sa pag-iisip ng pangalan sa inyong baby.
Heto ang sampung pangalan na maaari mong ibigay sa inyong anak na babae:
Hanna
- Ang pangalang Han-na ay may meaning na ‘one’ o isa
- Alternate variation: Hana
- Maraming pinagmulan ang salitang Hana sa buong mundo. Sa Arabic, ang ibig sabihin nito ay bliss o kaligayahan. Sa Japanese naman ay flower o bulaklak. At sa Hawaiian ay ‘craft’ na ibig sabihin ay paggawa ng bagay sa pamamagitan ng kamay.
Jiwoo
- Ang “Ji” ay nangangahulugang ‘will’, ‘purpose’ o ‘ambition’. Samantalang ‘house’ o ‘universenaman ang ibig sabihin ng Woo
- Alternate variation: Jee-woo, Chi-woo
- Ang Ji-woo ay maaari ding ipangalan sa lalaki
Minji
- Nangangahulugang ‘intelligent’ at ‘clever’
- Alternate variation: Min-jee
- Taong 1990, ikaapat sa pinaka-popular na pangalang pambabae sa South Korea ang Minji.
Misun
- Ang Mi-sun ay nangangahulugang ‘beauty and goodness’, ‘beautiful gift’
- Mee-sun, Mi-seon ang alternatibong spelling at variation
- Ang pangalang ito ay maaari ring ipangalan sa lalaki, gayunpaman mas ginagamit ito karaniwan sa mga babae
Nabi
- Nangangahulugang butterfly
- Ang Nabi ay isang kilalang pangalan na binibigay sa mga pusa sa South Korea. Nangangahulugan din itong propeta sa Arabic.
Sarang
- Nangangahulugang ‘love’ o ‘affection’
Gyeong
- ‘Respect’ o ‘honor’ naman ang kahulugan ng pangalan na Gyeong
- Alternate variation: Kyung, Kyoung, Kyong
- Maaari ding bigyang kahulugan ang pangalang ito bilang view or scenery
Aera
- Ang pangalang ito ay nangangahulugang ‘love’
- Ang pangalan ding ito ay kilala bilang pangalang panlalaki sa India, na nangangahulugan namang ‘lion’
Naeun
- Ika-labingtatlong pinakakilalang pangalan para sa mga Korean girls ngayong taon ang Naeun.
- Isa sa mga kilalang may parehong pangalan ay si Naeun, na dating K-pop member ng girl group na Apink.
Aecha
- Nangangahulugang ‘loving daughter’
- Nabuo gamit ang dalawang salita: Ae na nangangahulugang ‘love’ at Cha na nangangahulugang ‘daughter’
BASAHIN:
Nag-iisip ng pangalan para sa inyong baby? 15 top baby names for 2022
83 Christmas-inspired Baby Names for your December baby
50 traditional Filipino names for your baby boy
Popular Korean baby names for boys
Kung ang inyong baby naman ay lalaki, hindi rin mauubusan ng posibleng ipangalan sa kaniya. Heto ang top Korean baby boy names sa ngayong taon:
Hyunwoo
- Nangangahulugang manifest o divine intervention
- Alternate variation: Hyeon-woo, Hyon-woo, Hyeon-u
- Ang Hyun-woo ay kilalang-kilalang pangalan sa South Korea
Jiho
- Nangangahulugang ‘fortune’ o ‘intellect’
- Itinuturing na unisex name ang Jiho, kung kaya maaari din itong gamitin sa mga babae. Gayunpaman, mas ginagamit ito ng nakararami bilang panglalaking pangalan.
Junseo
- Nangangahulugan ang pangalan na ito ng ‘handsome’
- Alternate variation: Joon-seo
- Ang pangalang ito ay karaniwan sa South Korea
Kwan
- ‘Strong’ ang kahulugan ng pangalan na ito
- Kwon ang alternate version nito
- Ang Kwan din ay karaniwang apelyido sa China at South Korea
Minjoon
- ‘Clever’ at ‘talented’ ang ibig sabihin nito
- Min-jun ang alternatibong spelling at variation
Namkyu
- Ang Nam-kyu ay mula sa Nam na nangangahulugang ‘south’ at Kyu na nangangahulugang ‘standard’ o pamantayan
- Alternate variation: Namgyu
Shiwoo
- Ang Shi ay nangangahulugang ‘excellent’ at ‘good’, samantalang ang Woo ay nangangahulugang ‘universe’, ‘world’ o ‘to broaden’.
- Alternate variation: Si-woo
Yejun
- Mayroong kahulugan ang pangalan na ito na ‘talented’ at ‘handsome’
- Ye-yoon ang alternative spelling at variation
Seojoon
- Pangalawa sa pinakilalang pangalan ngayong taon ang Seojoon na ibinibigay sa mga Koreanong baby boys. Ang pangalang ito ay kasama sa mga kilalang pangalan mula pa noong 2020.
- Si Park Seo Joon, na isang aktor mula sa Parasite at Itaewon Class, ang isa sa mga kilalang aktor na may ganitong pangalan.
Gun-woo
- Nangangahulugan ang pangalan na ito na ‘hope for mankind’
- Alternate variation: : Kun-woo, Eun-woo
- Ang Gun-woo ay isang kilalang panglalaking pangalan sa South Korea
Ito ang ilan lamang sa mga maaaring ipangalan sa iyong magiging babae o lalaking supling! Nawa ay nakatulong ang listahang ito upang makahanap o magkaroon ng pangalan ang inyong mga anak.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!