Talaga naman kakaibang stress sa tuwing walang humpay ang pag-iyak ni baby o kaya ay hindi maikalma. Kaya naman mahalaga na maparamdam sa mga baby ang soothing signals para maging calm sila.
Mga mababasa sa artikulong ito:
- Ano ang soothing signals at paano ito nakakatulong kay mommy at baby?
- Mga tips upang mapakalma ang inyong little ones
Ano ang soothing signals at paano ito nakakatulong kay mommy at baby?
Madalas na stresss ng mga magulang especially mommies ang baby na hindi tumitigil sa kaiiiyak. Mahirap din kasing malaman kung ano ba ang rason kung bakit nagkakaganito ang anak. Lalo kung sanggol pa lamang na hindi pa nakapagsasalita. Kung minsan pa ay papasa-pasa pa ang bata sa iba’t ibang miyembro ng pamilya para lamang mapatahan.
Alam mo bang normal lamang na ang baby ay umiiyak nang halos 2 hanggang 3 oras kada araw lalo sa edad na 6 na buwan. Paglipas nito mas dadalas pa ang pag-iyak nila kung sila ay tutuntong na sa 3 buwang gulang pataas.
Gumawa ng pag-aaral ang team ni John Krzeczkowski, isang postdoctoral fellow sa Department of Psychology at associated din sa LaMarsh Centre for Child and Youth Research. Ang study ay tinawag na “Follow the leader: Maternal transmission of physiological regulatory support to distressed infants in real-time”.
Ibinahagi nila ang kaugnayan ng nanay at sanggol sa Journal of Psychopathology and Clinical Science. Layunin nila sa research na ito na makita ang koneksyon ng isang ina at anak nito sa tuwing distressed ito o ang pagsu-suffer sa anxiety o pain.
Dito sa research na ito ay kumuha sila ng dalawang grupo ng nanay at sanggol. Ang una ay nasa healthy ang mind and body na grupo at sa pangalawa naman ay ang nanay na diagnosed ng Post-Partum Depression (PPD) sa loob ng isang taon matapos manganak.
Ilang method ang ipinagawa sa mga mommy at kanilang baby. Kasama rito ang play phase, kung saan sasayaw, kakausapin at makikipaglaro ang mga nanay sa kanilang anak.
Sumunod naman ang still-phase. Inabisuhan ang mga ina na bawal muna nilang hawakan o kausapin ang kanilang mga baby. Magkakaroon din ng eye contact ngunit dapat ay ‘poker face’ ang mommy.
Ang sumunod na phase ay ang tinawag na final reunion. Dito pinayagan na muling kausapin at hawakan ng mga nanay ang kanilang distressed na baby.
Una ay sa grupong kasama sa healthy control group. Minonitor ng mga researchers ang respiratory sinus arrhythmia (RSA) ng mga nanay at kani-kanilang sanggol. Ang RSA ay ang heart-rate variability measure na nakikita sa bawat indibiduwal. Ito ay nagbibigay impormasyon sa emotional state ng isang tao.
Sa pamamagitan ng RSA readings nakita nilang nag-iiba ang heart-rate ng nanay dahilan upang magaya ng anak. Tinawag nila Krzeczkowski ito bilang “soothing dance.”
Samantalang sa grupong naman mayroong post-partum depression ang ina, ang sanggol naman ang nangunguna sa tinatawag na soothing signals upang maganap. Napag-alaman na rin dito na kaya na rin nilang makaramdam ng soothing dance na kagaya lang din sa healthy moms.
“This study demonstrates empirically, for the first time, that synchronized physiology between mothers and babies plays a role in soothing distressed infants.”
“So we now know a bit more than we ever did before about how soothing signals are transmitted in real time on a moment-to-moment scale between mothers and infants.”
Napatunayan lamang dito ang kakaibang pagkakaugnayan ng anak sa magulang lalong-lalo na sa kanilang mga nanay.
BASAHIN:
#AskDok: Nakakasama ba sa buntis at sa baby ang pagsakay ng motorsiklo o ng trike?
Kinukulit ng anak ang inyong aso? 6 ways para mapanatiling ligtas si baby sa inyong mga pet dogs
Mga tips upang mapakalma ang inyong little ones
Sa kabilang koneksyon ng mommies at babies, hindi pa rin namang maiiwasang sumpungin siya at mai-stress ka. May mga pagkakataon pang sa madaling araw pa walang humpay na hindi mapakali at panay iyak.
Kung nasa ganitong stage si baby, baka makatulong ang ilang tips na mga ito para sa kanya at sa mga mommies:
- Alamin ang unang rason bakit bigla siyang nagkaganun – Dapat malaman ang maaaring dahilan kung bakit umiiyak si baby. Ang tamang paghahanap ng meaning sa kanyang bawat pagkilos ay na nakale-lessen sa matinding stress.
- I-check nang mabuti kung wala bang sakit o sinat ang bata – Kumuha ng isang thermometer at alamin kung may lagnat nga siya.
- I-rub o i-pat ang likod ni baby – Kumakalma ang kahit sinong tao sa tuwing niyayakap or niyayapos na sila ng kanilang kamag-anak. Sa baby, ang simpleng pagra-rub sa likod at pag-pat ay labis nilang maa-apreaciate. Ang mga haplos kasing ito ay nababawasan nila ang labis na pagka-stress.
- Magpatugtog ng iba’t ibang musika – Effective sa maraming nanay ang pagpapatugtog ng music habang naghaharutan o kaya naman ay pinatutulog mo siya. Maaaring ilagay ang speaker kung saan banda malapit ang kanyang pinagtutulugan upang marinig kaagad at maikalma siya.
- Yapusin si baby – Dahil nga may unique na koneksyon ang mag-ina may kakayahan ito patahanin ang sanggol. Nararamdaman kasi niya ang safety and insecurity sa tuwing nakasandal ang kanyang katawan sa kanyang nanay. Sa ganitong pagkakataon nababawasan na ang mga rason ng kanilang stress.
- Habang nakayakap ay huminga kasabay niya – Praktisin nang mag-relax at kumalma rin sa tuwing stressed na si baby. Subukang bagalan lamang ang paghinga kasabay niya upang maramdaman niyang malapit pa rin siya sa kanyang nanay.