Sophie Albert at Vin Abrenica engaged at magkaka-baby na!

Panoorin rito ang engagement video nila!

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kahapon kasabay ng araw ng mga puso, ibinahagi ng loveteam at real-life couple na si Sophie Albert at Vin Abrenica na sila'y ikakasal na. Sinundan ito agad ng isa pang balita na mas ikinasaya at ikinagulat ng mga fans nila. Si Vin at Sophie ay magkakaanak na rin na siyang bubuo sa kanilang sisimulang pamilya.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Pregnancy announcement Sophie Albert
  • Engagement announcement nina Vin Abrenica at Sophie Albert
  • Reasyon ng mga netizen

Sophie Albert at Vin Abrenica nagsasama na sa iisang bahay

Nitong nakaraang linggo ay masayang ibinahagi ni Sophie Albert at Vin Abrenica na sila'y nagsasama na sa iisang bahay. Ang desisyon nilang ito ikinatuwa ng mga kaibigan nila at mga fans.

“Another milestone for us, WE ARE MOVING IN TOGETHER!!! One of the reasons why we've been so MIA is cause it has been quite a stressful process trying to get our home ready and finished. It's moving a lot slower than we expected, but we're hopeful that our home is coming together veeeeery slowly, but surely!! Konti nalang! Kapit lang!! ??????”

Ito ang pahayag ni Sophie sa kaniyang Instagram account.

Image screenshot from Sophie Albert's Instagram account

Ikakasal na rin sila!

Pero hindi lang pala ito ang pasabog ng magkasintahan. Ito pala ay patikim pa lang sa mas malalaking plano nila sa kanilang relasyon. Sapagkat kahapon, sa mismong araw ng mga puso ay ibinahagi ng magkasintahan na sila ay engage at ikakasal na. Ang engagement umano'y nangyari umano nitong Disyembre, bago matapos ang taon na 2020.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Before 2020 came to an end, the love of my life proposed to me. Despite all the challenges we had to face, we were able to close the year filled with so much hope and love as amazing surprises happened in our lives.” “We've been savoring our precious moments and we are ready to share our joy and excitement! WE ARE ENGAGED! ?”

Ito ang pagbabahagi ni Sophie sa kanilang naging engagement ni Vin Abrenica. Sa post niyang ito, pinasalamatan niya rin ang ngayon ay fiancée niya ng si Vin na itinuturing  niyang bestfriend din niya.

“Thank you @vinabrenica for everything. Thank you for being you and for making everything special. I am blessed to have you as my best friend for life.?”

Kalakip ng pagbabalita na ito ni Sophie ay ang mga larawan nila ni Vin at syempre ang kamay niyang suot ang kanilang engagement ring. Image screenshot from Sophie Albert's Instagram account

BASAHIN:

REAL STORIES: “This was officially my last pregnancy..”

STUDY: Stillbirth mas mataas ang tiyansang maranasan ng buntis na nakakaranas ng stress at pang-aabuso

LIST: Be a glowing buntis with our 6 best moisturizers for pregnant women!

Engagement video nina Vin at Sophie

Kagabi sa araw pa rin ng mga puso ay ibinahagi rin ni Vin ang video ng engagement nila ni Sophie. Ayon kay Vin, siya ay nag-propose kay Sophie sa isang beach sa Batangas. Walang kaalam-alam umano si Sophie na inaakalang simpleng maternity shoot lang ang gagawin nila doon. Nahirapan daw si Vin sa pagplaplano ng proposal niyang ito. Lalo na’t nakatira na sila sa iisang bahay ni Sophie.

“Ang nakakatawa dito, I was a having a hard time leaving kasi nagsisinungaling ka e. Sabi ko magpapaswab-test ako today which is ang nakakatawa pa dito, apat na beses ng nauudlot yung swabtest. Nagtataka na siguro siya. I hope not.”

Ito ang pahayag ni Vin sa kaniyang vlog. Pero ang challenging daw sa lahat ay ang makuha ang ring size ni Sophie ng hindi niya nalalaman. Sinubukan niya umano na sukatin ito habang tulog si Sophie. Pati  na ang kumuha ng mga ginagamit nitong singsing para pagbasehan ng sukat ng ring finger nito.

Pero maayos naman na naisagawa ni Vin ang kaniyang proposal. Ito ay kaniyang ginawa habang sila ay nasa beach ni Sophie at nanonood ng fireworks.  Narito ang kanilang engagement video.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sina Vin Abrenica at Sophie Albert ay nagkakilala at unang nagkasama sa talent search sa TV5 na Artista Academy. Pareho silang grand winners sa nasabing kompetisyon na dahilan para sila ay maging love team at maging tunay na magkasintahan kinalaunan. At nitong January, ay isinelebrate nila ang kanilang 8 taon bilang isang couple.

Sophie at Vin magkakaanak na rin!

Sa kaniyang Instagram ay kinumpirma rin ni Vin Abrenica ang engagement nila ni Sophie. Ito nga umano'y nangyari noong December 12 nitong 2020. Pahayag ni Vin,

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“You'll never know when you are truly ready until you realize who you're living and breathing for. It's you @itssophiealbert. We've grown up together and I look forward to growing old together. Good luck @itssophiealbert, you are stuck with me for life. We're engaged!! 12.12.20”

Isang oras matapos i-post ang kanilang engagement ay may isang pasabog na balita na namang ibinahagi si Sophie. Siya pala'y buntis na rin sa panganay nila ni Vin. Ang lahat ng mga kanilang ginagawa nitong nakaraang linggo ay paghahanda na sa pagbuo nila ng isang pamilya. Image screenshot from Sophie Albert's Instagram account

“8 years together and bound forever by our greatest love thus far. See you soon our little one! ♾ Happy Valentine's day everyone ❤️”

Ito ang pahayag ni Sophie tungkol sa kaniyang pagbubuntis.

Ang pagbabahagi na ito ni Sophie sa kaniyang pagbubuntis ay ikinatuwa ng kanilang fans at mga kaibigan. Narito ang ilan sa mga reaksyon, comments at pagbati nila sa dalawa.

Reaksyon ng mga netizens

shairadiaz_

Finally finally!!!??masayang masaya ako para sainyo sophing!! Ang ganda ganda mong buntis!!??❤️ see u soon!!! @itssophiealbert carlaangeline Congratulations! Waaaaaahhhh! ???
ea_guzman
Wohoo!! Dami natin kailangan i-celebrate!! Hahaha sobrang happy kami sainyo guys ??❤️ congrats again!!!

Pinasalamatan naman ni Sophie ang mga pagbati nilang ito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“I can't wait to hold you! ?? Thank you everyone for your all warm wishes. Our hearts are full. Happy Valentine's day, I hope all your hearts are filled to the brim. ?❤️”  

Source:

PEP

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement